You are on page 1of 2

HUWARANG AMA

Dahil din sa pananampalataya,


si Abraham ay nagkaroon ng kakayahang maging ama,”
Hebreo 11:11

DAHIL SA PANANAMPALATAYA. Ang Diyos ang siyang


nagsabi, “Ang matuwid kong lingkod ay mabubuhay sa
pamamagitan ng pananampalataya” (Heb. 10:38). Bawat isa sa
atin, lalo na ang mga ama ng tahanan, ay hindi nakadepende sa
mga bagay na nakikita lamang kundi umaasa sa mga bagay na
parating pa lamang kahit hindi pa lubos itong nakikita.
Pananampalataya ang nagdidikta sa bawat hakbang na ating
ginagawa.

NAGKAROON NG KAKAYAHANG MAGING AMA. Nais kong


bigyang-diin na ang pagiging ama, tulad ni Abraham, ay isang
kaloob mula sa Diyos. Hindi lamang ito sa kakayahan o hindi
kakayahang magkaanak. HIndi rin ito nasusukat sa matatag na
disposisyon ng isang lalaki sa loob ng kanyang tahanan. Dapat
nating tandaan na sa Diyos nagmula ang tungkulin at kakayahan
ng pagiging ama. Kaya nga, pribilehiyo ng isang ama na siya'y
maging modelo ng pananampalataya sa mga anak. Hindi lamang
sa pananampalataya kundi sa pagiging Ama ng Diyos sa kanyang
buhay. Sapagkat ang ipinakikitang buhay ng ama sa harap ng
anak ay maaaring magdala o maglayo sa pananampalataya.
Huwag sayangin ang pagkakataong ipinagkatiwala ng Diyos.
Maging huwarang ama!

HUWARANG AMA! Dalangin ko na ang bawat amang


makakabasa nito ay maging huwaran sa kanyang mga anak sa
lahat ng larangan at takbuhin ng  kanyang buhay. Lalo na sa
pananampalataya sa Panginoong Diyos! Maging makadiyos na
ama sa loob ng tahanan!

You might also like