You are on page 1of 2

Mahinahong Pagsasalita

Basahin: 2 Timoteo 2:22-26

22 Kaya iwasan mo ang masasamang hilig ng kabataan. Pagsikapan mong


mamuhay nang matuwid, tapat, mapagmahal at may mabuting pakikitungo sa
kapwa, kasama ng mga tumatawag sa Panginoon nang may malinis na puso.
23 Iwasan mo ang mga walang kwentang pakikipagtalo at kalokohan lamang,
dahil alam mong hahantong lang ito sa alitan.
24 Ang lingkod ng Dios ay hindi dapat nakikipag-away, kundi mabait sa lahat,
marunong magturo at mapagtimpi.
25 Kailangang mahinahon siya sa pagtutuwid sa mga sumasalungat sa kanya, baka
sakaling sa ganitong paraan ay bigyan sila ng Dios ng pagkakataong magsisi at
malaman ang katotohanan.
26 Sa ganoon, maliliwanagan ang isip nila at makakawala sila sa bitag ng diablo na
bumihag sa kanila para gawin ang nais nito.

Minsan, nakipagtalo ako sa isang taong hindi ko kilala gamit ang facebook. Isa
itong napakalaking sablay na nagawa ko. Hindi naging maayos ang pagsasalita ko
habang itinatama ko ang pananaw niya. Nasayang ko ang pagkakataon na
maipahayag sa kanya ang tungkol sa Panginoong Jesus. Sinabi naman ng isang
dalubhasa sa pakikisalamuha sa tao na hindi dapat nagbubunga ng galit ang
anumang usapin na ipinahayag sa internet dahil malaya ang iba na magbigay ng
sarili nilang pananaw ukol dito.

Mayroon namang magandang ipinayo si Apostol Pablo kay Timoteo na kanyang


kapwa lingkod sa Panginoong Jesus. Sinabi ni Pablo kay Timoteo, “Iwasan mo ang
mga walang kwentang pakikipagtalo, dahil alam mong hahantong lang ito sa
alitan. Ang lingkod ng Dios ay hindi dapat nakikipag-away, kundi mabait sa lahat,
marunong magturo at mapagtimpi” (2 Timoteo 2:23-24).

Paghahanda para kay Timoteo ang mga payong iyon. Alam kasi ni Pablo na sa
pagpapastor ni Timoteo, magtuturo siya ng mga prinsipyo at katotohanan tungkol
sa Salita ng Dios. Napapanahon din naman sa atin ang payong ito ni Pablo lalo na
sa tuwing ipinapahayag natin ang tungkol sa ating pagtitiwala kay Jesus.
“Mahinahong itinutuwid ang mga sumasalungat sa kanya, baka sakaling
marapatin ng Dios na sila’y magsisi’t tumalikod sa kanilang mga kasalanan upang
makilala nila ang katotohanan” (T. 25 MBB).

Ang pagsasalita ng may kahinahunan ay hindi lamang para sa mga pastor. Sa


halip, para ito sa lahat na mga nagmamahal at nagtitiwala sa Dios na nagnanais
ipahayag ang tungkol sa Kanya.

You might also like