You are on page 1of 2

MANALANGIN AT MANALIG

     1 Juan 5:14-15

"May lakas-loob tayong lumapit sa kanya dahil


alam nating ibibigay niya ang anumang hingin
natin kung ito'y naaayon sa kanyang kalooban.
At dahil alam nating pinapakinggan nga niya
tayo, alam din nating ibinibigay niya ang bawat
hinihiling natin sa kanya."

____________________

KUNG NAAAYON SA KANYANG


KALOOBAN. Nakatitiyak  akong ang Diyos ay
tumutugon sa ating mga panalangin. Maaaring ang tugon
Niya ay agarang pagkakaloob ng ating hiniling. May mga
pagkakataong ang tugon Niya ay hindi, o kaya'y
pinadadaan Niya tayo sa matiyagang paghihintay. Sa
anumang tugon ng Diyos, tanggapin nating ito ang
Kanyang kalooban. At sa tuwing tayo ay lalapit sa Kanya,
walang pag-aalinlangan nating idudulog ang ating mga
pangangailangan. 
PINAKIKINGGAN NIYA TAYO. May lakas din tayo ng
loob sa pananalangin sa mahabaging trono ng Diyos sa
katiyakang tayo ay Kanyang pinakikinggan. Hindi tayo
nagsasalita sa hangin. Tayo ay nakikipag-ugnayan sa
Makapangyarihan at Mahabaging Diyos. Sa pag-asa at
pananalig na ang mga panalangin ng ating mga puso ay
nakararating sa pandinig ng Diyos. Dahil dito, sa diwa ng
pananampalataya, inaangkin nating tutugunin tayo ng
Diyos sa Kanyang kalooban, sa Kanyang tamang panahon.

Ang pananalangin ay kapahayagan ng ating


pananampalataya sa Diyos. Hindi natin Siya nakikita
subalit nagtitiwala tayong Siya'y tapat sa mga pangako.
Anumang hingin natin sa pangalan ng Panginoong Jesus
ay ipagkakaloob Niya sa atin. Tutugon ang Diyos.
Manalangin at manalig lamang tayo sa Kanya.

You might also like