You are on page 1of 3

MAGING HANDA KAYO AT MAG BANTAY

BASAHIN: 1 Pedro 5:1-11

Sa matatandang namumuno sa inyo, nananawagan ako bilang isa ring matandang


pinuno ng iglesya na tulad ninyo, bilang saksi sa mga paghihirap ni Cristo at sapagkat
makakabahagi ako sa karangalang malapit nang ipahayag. 2 Pangalagaan ninyo ang
kawan ng Diyos na ipinagkatiwala sa inyo. Gawin ninyo ito nang maluwag sa loob at
hindi napipilitan lamang. [Iyan ang nais ng Diyos].  Gampanan ninyo ang inyong
[a]

tungkulin, hindi dahil sa kabayaran kundi dahil gusto ninyong makapaglingkod, 3 hindi


bilang panginoon ng inyong nasasakupan, kundi maging halimbawa kayo sa kawan. 4 At
pagparito ng Pinunong Pastol ay tatanggap kayo ng maluwalhating koronang di
kukupas kailanman.


At kayo namang mga kabataan, pasakop kayo sa matatandang pinuno ng iglesya. At
kayong lahat ay magpakumbaba sapagkat, “Sinasalungat ng Diyos ang mapagmataas,
ngunit pinagpapala niya ang mababang-loob.” 6 Kaya nga, pasakop kayo sa
kapangyarihan ng Diyos at dadakilain niya kayo pagdating ng takdang
panahon. 7 Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat
siya ay nagmamalasakit sa inyo.


Maging handa kayo at magbantay. Ang diyablo, ang kaaway ninyo, ay parang leong
umuungal at aali-aligid na naghahanap ng malalapa. 9 Labanan ninyo siya at
magpakatatag kayo sa inyong pananampalataya sa Diyos. Tulad ng alam ninyo, hindi
lamang kayo ang nagtitiis ng mga kahirapan, kundi gayundin ang inyong mga kapatid
sa buong daigdig. 10 Pagkatapos ninyong magtiis sa loob ng maikling panahon, ang
Diyos, na siyang pinanggagalingan ng lahat ng pagpapala, ang siyang magbibigay sa
inyo ng kagalingan, katatagan, at lakas ng loob at isang pundasyong di matitinag. Siya
ang tumawag sa inyo upang makibahagi kayo sa kanyang walang hanggang
kaluwalhatian, kasama ni Cristo. 11 Sa kanya ang kapangyarihan magpakailanman! Amen.

Sabihin, “’Ang diyablo, ang kaaway ninyo, ay parang leong umuungal at


aali-aligid na naghahanap ng malalapa’ (t. 8). Ito ang dahilan ng tagubilin
ni Apostol Pedro sa mga mananampalatayang kanyang sinusulatan na
‘maging handa at magbantay.’ Totoo ang diyablo at totoong ang hanap niya
ay magnakaw, mangwasak at pumatay (Juan 10:10) tulad ng leong nag-
aaabang kung kelan tayo malilingat upang kanyang daluhungin at kainin.
Ilang beses ka na bang nahulog sa tukso ng diyablo? Kailan ba tyo huling
nadaya ng Diablo? Napapansin ba natin kapag natatangay niya tayo sa
agos? Bilang mga mananampalataya ni Cristo, kailangan talaga nating
maging handa at magbantay. ”

Sino-sino ba ang dapat na maghanda at magbantay?

Una, maging handa at magbantay ANG MGA NAMUMUNO SA


IGLESIA (t. 1-4). Ang namumuno sa Iglesia ay pangunahing target ng
diyablo. Dapat bantayan ng mga namumuno ang uri ng kanilang pangangalaga.
Gawin ito na maluwag sa loob at hindi napipilitan lang. Ang pagganap sa
kanyang tungkulin ay sa diwa ng paglilingkod at hindi isang trabahong
naghahanap ng katumbas na sweldo. Bantayan ang uri ng pamumuno. Gawin
ito hindi bilang bossing kundi isang tapat na tagapaglingkod.

Ikalawa, maging handa at magbantay ANG MGA KABATAAN SA


IGLESIA (t. 5-7). Ang mga kabataaan ay kadalasang ibinubunsod sa
pagrerebelde laban sa mga nakatatanda. Kaya nga, kailangan nilang maging
mapagbantay sa pagpapasakop sa mga nakatatanda sa Iglesia. Alisin ang
anumang uri ng pagmamataas. Kung hindi man sila nasisiyahan sa ginagawa
ng mga nakatatanda, gawin ang pagpapasakop alang-alang sa
Makapangayarihang Diyos. Ang mga alalahanin ay ipagkatiwala nila sa Diyos.
Kung hindi man nila makita ang malasakit ng mga pinuno, alalahaning ang
Diyos na pinaglilingkuran ay nagmamalasakit.

Ikatlo, maging handa at magbantay ANG LAHAT NG MGA


MANANAMPALATAYA (t. 9-11). Labanan ang diyablo. Sa mga nakaraang
pag-aaral natin, natutuhan nating ang paglaban sa kanya ay sa pamamagitan ng
kapangyarihan ng Diyos at sa pagsusuot ng mga kasuotang pandigma ng Diyos
(Efeso 6). Kailangan nilang magpakatatag at maging mapagtiis sa
pakikipaglaban. Alalahaning ipinagtagumpay na sila ng Panginoong Jesus.
Matatapos din ang pagtitiis at sa huli’y bibigyan sila ng Diyos ng “kagalingan,
katatagan, at lakas ng loob at isang pundasyong di matitinag” (t. 10). Sila ay
maghanda at magbantay, sa pag-asang sila ay makabahagi “sa Kanyang
walang hanggang kaluwalhatian.”

"Sa Kanya ang kapangyarihan magpakailanman! Amen” (t. 11). Talunan na


ang diyablo. Pilit niya tayong tinutukso upang maihulog tayo sa pagkakasala.
Ilayo tayo sa katuwiran at kabanalan ng Diyos. Hanggang sa matangay tayo sa
pagsuway sa Diyos at pagsunod sa kanyang kasamaan. Kaya nga, kailangang
maghanda at magbantay ang mga namumuno sa Iglesia: sina Pastor, Leader at
ang Lupong Pamunuan. Kailangang maghanda at magbantay ang mga
kabataang naglilingkod sa iba’t ibang church ministries. Ang kayabangan ay
maaaring mapunta sa ulo. Kelangan din bantayan natin ang sarili sa inggit na
maaaring sumira sa isang grupo, ministries at sa paglilingkod.

Kailangang maghanda at magbantay ang lahat ng mga Cristiano. Subalit, una


nating higit na bantayan an gating mga sarili. Baka binabantayan lamanag
natin ay ang iba at nalimutan natin bantayan an gating sarili. Maging
maliwanag sa atin na ang pagbabantay ay isang gawaing spiritual na may
kalakip na pag-ibig at hindi paghusga sa kapatiran at kapwa.

Lahat ay nasa isang espirituwal na pakikipagdigma laban sa diyablo. Lalo na


sa loob ng tahanan natin. Makipagdigma tayong sama-sama. Bawat miembro
ng pamilya, mula sa pinakamatanda hanggang sa pinakabata sa atin. Maging
handa tayo at maging mapagbantay sa uri ng ating pamumuhay.

You might also like