You are on page 1of 1

Culture, meanwhile, is influenced by shared experiences, environment, and history.

Language is created
and shaped by the needs of a culture as it changes
Isa sa mga konseptong tinalakay sa bidyo ay ang pagkakaiba ng wika at kultura ng iba’t ibang rehiyon,
makikita ang pagkakaiba ng mga salita o terminong ginagamit ng isang mamamayan mapa tagalog
ilokano, waray, hiligaynon, batangeneo, atbp. Maaring dulot ng pagkakaiba ng wika ang kultura na
naranasan nasaksihan o nadama nila sa kanilang kapaligiran, dahil mabubuo lamang ang wika kung ito ay
nahubog ng kultura.
Ang aking karanasaan noong ako ay tumira sa Pangasinan ng ilang lingo ay magpapakita ng ugayan ng
wika at kultura. Noong panahon na iyon ako’y napagutusan ng aking lola na bumili ng Coke sa tindahan.
Noong ako’y bibili na tinanong ko ang tindera kung mayroon silang Coke na binibenta at ang sagot
naman niya ay “wala”, noong sinabe niya ang salitang iyon tumungo na ako sa bahay ng aking lolo’t lola
upang sabihin na wala akong nabiling Coke. Ngunit tinanong ako ng aking lola kung ang salitang ginamit
ba ng tindera ay “wala” o “anggapo”. At doon ko napagtando na ibig palang sabihin ng aking pinagbilhan
ng coke ay meron sila ng aking bibilhin. Dahil ang katumbas pala ng meron sa Pangasinan ay “wala”, at
ang katumbas naman ng wala ay “anggapo”. Pinagtataka ko sa panahon na iyon kung bakit ang salitang
“wala” sa Pangasinan ay meron pero iba ang ibig sabihin ng salitang wala sa tagalog. Nakakalito man
ngunit para sa mga nakatira sa Pangasinan ito’y natural lamang na ginagamit nila sa pang araw-araw na
pamumuhay at pakikipag kumuniksyon.
Dito makikita na ang wika at kultura ng isang rehiyon sa Pilipinas ay maaring maging iba sa ating
nakasanayan na lengguwahe. Marahil sa karanasan o kapaligiran na naranasan ng mga tao sa kanilang
lugar ay dito na bubuo o nahulma ang wikang ginagamit nila at ito ay dahil sa kultura.

Kakambal ng kultura ang wika

You might also like