Ang Urbanisasyon ay isang pisikal na paglaki ng mga pook na urbano dahil sa
mga pagbabago sa isang lugar. Ayon din sa mga Bansang Nagkakaisa, tumutukoy din ang urbanisasyon sa daloy ng tao mula sa mga pook na rural tungo sa mga pook urbano. Ang Paglawak at Paglaki ng mga Lunsod sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, hindi bababa sa 55% ng populasyon ng buong mundo ang naninirahan sa mga lunsod. Maaaring madagdagan pa ng 2.5 bil-yong tao sa mga lunsod pagdating ng taong 2050. Naulat na mabilis na lumolobo ang populasyon ng mundo mula 751 milyon noong 1950 hanggang naging 4.2 bilyon ngayong 2018. Dahil dito, ay maaari mas lumalaki ang populasyon ng pilipinas, sagayon unti- unti na din lumaki-laki ang mga ibang lugar sa pilipinas at sa kalakhang Maynila, kitang-kita at damang-dama ang kumakapal na bilang ng mga tao, lalo na ng mga naghihikahos. Kung saan maaring maapektuhan ang ating kapaligiran. Sa dahilang mas pipiliin ng iba mga tao o dayuhan na mag-tayo ng mga gusali ang isang lugar kaysa sa ipreserba at alagaan ang kapaligiran. Isa na ang kahirapan, polu-syon, kakulangan sa enerhiya, at iba’t ibang mga banta sa kalusugan at kalikasan o kapaligiran gaya ng pagbabaha at panipis na bilang ng mga puno’t halaman. Upang sulosyonan ang turang isyung ito ay mas kakailanganin ng matinding pag dedesisyon sa bawat gagawing gawain at maging matalino sa pagkilatis ng mga taong dayuhan na gustong mag tayo ng mga malalaking gusali sapagkat baka ito ay may hindi magandang ma-idulot sa isang lugar.