Professional Documents
Culture Documents
Ls1 Filipino Sg07
Ls1 Filipino Sg07
JHS
LEARNING STRAND 1
KASANAYANG PANGKOMUNIKASYON SA FILIPINO
PATNUBAY NG GURO PARA SA MODYUL 7:
HALIKA! BIYAHE TAYO NANG ATING MAKITA ANG GANDA NG PILIPINAS
N
A
LA
A I
H IL
A
M BIB
PA G
G NA
I N IPI
R
A DI
-A
A G HIN
P
LEARNING STRAND 1
PATNUBAY NG GURO
Alternative Learning System - Accreditation and Equivalency (ALS-A&E)
and
Kagawaran ng Edukasyon
DepEd Complex, Meralco Avenue, Pasig City, Philippines
Ang publikasyon na ito ay magagamit sa ilalim ng Attribution-Share Alike 3.0 IGO (CC-BY-SA) 3.0 IGO) license
(http://creativecommons.org/licenses/by-sa/3.0/igo/). Kaakibat ng paggamit ng nilalaman ng publikasyon
ito, ang mga gumagamit ay tatanggapin ang mga tuntunin sa paggamit ng UNESCO Open Access Repository
(http://www.unesco. org/open-access/terms-use-ccbysa-en).
Ang lahat ng materyal na iprinisinta sa kabuoan ng publikasyon na ito ay hindi nagpapahiwatig at nagpapahayag
ng anumang opinyon ng kahit na sinomang parte ng UNESCO sa usapin ng legal na katayuan ng anumang
bansa, teritoryo, lungsod o lugar, mga awtoridad nito, o kahit na ang mga hanggahan nito.
Ang pagpili ng mga materyal at opinyon na nakapaloob sa publikasyon ay responsibilidad ng mga manunulat
at hindi ng UNESCO.
Ang modyul na ito ay ginawa at inilimbag para sa proyektong “Better Life for Out-of-School Girls to Fight
Against Poverty and Injustice in the Philippines” na may suportang pampinansyal mula sa Korea International
Cooperation Agency.
ISBN 888-888-8888-88-8
DEVELOPMENT TEAM
Malugod na pagtanggap sa Learning Strand 1 Filipino ng Alternative Learning System (ALS) Junior High School
Modyul para sa araling Halika! Biyahe Tayo Nang Ating Makita ang Ganda ng Pilipinas.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang, at sinuri ng mga edukador mula sa pampublikong
guro sa paaralan at ALS at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy, upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng ALS Kurikulum ng K to 12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan, at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral sa ALS.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na
mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis, at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang guro/tagapagpadaloy sa ALS, inaasahan na maipaliwanag sa mga mag-aaral ang paggamit ng modyul
na ito. Kinakailangan din na masubaybayan ang paglago ng mag-aaral sa kanilang pamamahala sa sariling
pagkatuto. Higit sa lahat inaasahan din na iyong hihikayatin at gagabayan ang mga mag-aaral sa mga gawaing
nakapaloob sa modyul na ito.
patnubay ng guro
I. Layunin
1. Nakasusulat ang isang editoryal na naghihikayat kaugnay ng paksa
(LS1CS/FIL-PU-PPE-JHS-18)
II. Paksa
A. Aralin 1: Pagsulat ng Editoryal na Nanghihikayat
B. Kagamitan: Slides na naglalaman ng paksang tatalakayin, projector,
kopya ng modyul, ballpen, at malinis na papel o kuwaderno
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak
Ang guro ay magtatanong sa mga mag-aaral kung saan ang
kanilang mga probinsiya.
Itanong:
Kung bibigyan ka ng pagkakataon na hikayatin ang iyong mga
kamag-aral na pumunta sa inyong lugar, sa paanong paraan mo
ito gagawin at ano ang iyong mga sasabihin?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ipabasa sa mga mag-aaral ang panuto sa gawain ng Tuklasin na
nasa pahina 6.
Ang sagot ng mga mag-aaral sa sumusunod na mga tanong sa
gawain ng Tuklasin ay ibabahagi sa klase.
·· Ano ang iyong pangarap na bakasyon at saan mo ito nais
maisagawa?
·· Kung may nais kang isama, sino-sino ang iyong isasama?
3. Paglalahat
Ipagawa ang paglalahat sa pamamagitan ng pagbuo ng isang
concept map ng mga punto na dapat nilang tandaan.
4. Pagpapahalaga
Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain I na matatagpuan sa
pahina 14. Ilahad sa kanila nang malinaw ang panuto at ipatala
ang kanilang mga kasagutan sa isang malinis na papel. Maaari ding
gawing batayan sa pagwawasto ang ibinigay na rubrik sa nasabing
gawain. Magpagawa ng isang tekstong nanghihikayat tungkol sa
pangangalaga at pagpapanatili sa kagandahan ng isang lugar na
kanila nang napuntahan. Matatagpuan ang rubrik sa pahina 14.
5. Paglalapat
Ipagawa sa mga mag-aaral ang Gawain II na matatagpuan sa
pahina 15. Ilahad sa kanila nang malinaw ang panuto at ipatala
ang kanilang mga kasagutan sa isang malinis na papel. Gawing
batayan sa pagwawasto ang ibinigay na rubrik sa nasabing gawain.
IV. Pagtataya
Ipagawa sa mga mag-aaral ang Isagawa na matatagpuan sa pahina 16.
Ilahad sa kanila nang malinaw ang panuto at ipatala ang kanilang mga
kasagutan sa isang malinis na papel. Gawing batayan sa pagwawasto ang
ibinigay na rubrik sa nasabing gawain.
V. Karagdagang Gawain
Panuto: Magpahanap ng isang lugar sa labas ng bansa na nais nilang
puntahan at magpasulat ng editoryal na nanghihikayat tungkol sa lugar
o bansang iyon. Matatagpuan ang rubrik sa pahina 14.
I. Layunin
1. Nakasusulat ng patalastas gaya ng polyeto, poster, pamphlet tungkol
sa kampanyang pangkalusugan,pagpapaunlad ng pamayanan, o pag-
aanunsiyo ng pagkakakitaan o negosyo (LS1CS/FIL-PU-PPE-MT/
JHS-14)
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Talakayin sa mag-aaral ang ilan sa mahahalagang punto ng unang
aralin. Talakayin din ang karagdagang gawain upang maibalik sa
kanilang isipan ang naging paksa.
Itanong:
a. Ano-ano ang mga hudyat na ginagamit sa panghihikayat at
pagpapatunay?
b. Paano nakatulong ang mga hudyat na iyon sa paggawa ng
isang editoryal na nanghihikayat?
2. Pagganyak
Magpakita sa mga mag-aaral ng larawan ng mga adbertisment, ito
man ay patalastas sa telebisyon o posters.
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Ipagawa sa mga mag- aaral ang gawain sa Tuklasin sa pahina 18.
·· Hikayatin ang mga mag-aaral na ibahagi ang naging kasagutan
sa mga tanong:
{{ Ano ang mababasa sa anunsiyo?
{{ Ano ang pakay sa paggawa ng anunsiyo?
·· Ipabasa sa mga mag-aaral ang Suriin sa pahina 19 at gabayan
ang mga mag-aaral sa pagtukoy sa mga pang-uring ginamit
sa mga inihayag na halimbawang pangungusap.
2. Pagtatalakayan
a. Ipaliwanag ang kahulugan ng pang-uri
b. Isalaysay ang iba’t ibang uri ng pang-uri
c. Ipaliwanag ang lantay na antas ng pang-uri at ibigay ang mga
halimbawa nito.
d. Ipaliwanag ang kahulugan ng pahambing at talakayin ang
dalawang uri nito.
e. Bigyan ng empasis ang pagbuo ng patalastas, iba’t ibang uri
ng patalastas, at pagbuo ng polyeto.
3. Paglalahat
Ipagawa ang paglalahat sa pamamagitan ng pagbuo ng isang
concept map ng mga punto na dapat nilang tandaan.
4. Pagpapahalaga
Talakayin ang kahalagahan ng pagmamalaki sa mga produktong
gawa sa sariling bansa at pagtangkilik nito para sa pag-unlad ng
negosyo ng mga kapuwa Pilipino tungo sa pagpapayabong ng
ekonomiya ng Pilipinas.
5. Paglalapat
a. Ipagawa sa mag-aaral ang Gawain I ng Linangin na matatagpuan
sa pahina 25. Ilahad sa kanila nang malinaw ang panuto at
ipatala ang kanilang kasagutan sa isang malinis na papel.
Magpagawa ng isang polyeto na naglalaman ng isa sa mga
pinakasikat na produkto na sa lugar lamang nila matatagpuan.
Ilarawan ang produkto gamit ang iba’t ibang antas ng pang-uri.
Matatagpuan ang rubrik sa pahina 15.
b. Ipagawa sa mag-aaral ang Gawain II ng Linangin na
matatagpuan sa pahina 26. Ilahad sa kanila nang malinaw
ang panuto at ipatala ang kanilang mga kasagutan sa isang
malinis na papel. Maaari ding gawing batayan sa pagwawasto
ang ibinigay na rubrik sa nasabing gawain.
IV. Pagtataya
Ipagawa sa mga mag-aaral ang Isagawa na matatagpuan sa pahina 27.
Ilahad sa kanila nang malinaw ang panuto at ipatala ang kanilang mga
kasagutan sa isang malinis na papel. Maaari ding gawing batayan sa
pagwawasto ang ibinigay na rubrik sa nasabing gawain.
V. Karagdagang Gawain
Panuto: Magpahanap o magpapili sa mga mag-aaral ng isang kilalang
produkto na nais nilang likhaan ng polyeto. Ipalagay ito sa isang malinis
na papel. Matatagpuan ang rubrik sa pahina 15.
II. Paksa
A. Aralin 3: Pagsulat ng Liham Pangkaibigan
B. Kagamitan: Slide na naglalaman ng tatalakaying paksa, projector,
kopya ng modyul, ballpen, at malinis na papel o kuwaderno
III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Talakayin sa mga mag-aaral ang ilan sa mahahalagang punto
ng unang aralin. Talakayin din ang karagdagang gawain upang
maibalik sa kanilang isipan ang naging paksa.
Itanong:
a. Ano-ano ang antas ng pang-uri?
b. Paano nakatulong ang mga pang-uri sa paggawa ng isang
materyal na promosyonal sa negosyo?
2. Pagganyak
Maaaring magpakita sa slide ng halimbawa ng isang liham
pangkaibigan at itanong:
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Talakayin sa klase na mahalagang maunawaan na ang wika ay
mahalagang parte ng lipunang ating ginagalawan dahil ito ang
ginagamit ng tao sa pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan
sa kaniyang kapuwa. Ayon kay Tumangan (1986), ang wika ay
mahalagang bahagi ng lipunan sa dahilang ito ang kasangkapang
kailangan sa pakikipagtalastasan.
Ihayag ang kahulugan ng pangatnig at ang mga kaisipang
pinag-ugnay nito.
2. Pagtatalakayan
a. Talakayin ang iba’t ibang antas ng wika ayon sa pormalidad.
Magsimulang talakayin ang pormal na antas ng wika.
b. Ipaliwanag ang mga antas sa ilalim nito kagaya ng pambansa at
pampanitikan/panretorikal. Maaaring magbigay ng halimbawa
upang lubos itong maunawaan ng mag-aaral.
c. Talakayin ang antas ng wika ayon sa pormalidad na impormal
at ang sangay nito na lalawiganin, kolokyal, at balbal. Maaaring
magbigay ng halimbawa upang lubos itong maunawaan ng
mag-aaral.
d. Talakayin ang pagbuo ng liham pangkaibigan at kung paanong
ang antas ng wika ayon sa pormalidad ay nagagamit sa pagbuo
ng liham.
3. Paglalahat
Ipagawa ang paglalahat sa pamamagitan ng paggawa ng concept
map ng mahahalagang punto na pinag-usapan sa talakayan.
4. Pagpapahalaga
Ipagawa sa mag-aaral ang Gawain I na matatagpuan sa pahina 36.
Ilahad sa kanila nang malinaw ang panuto at ipatala ang kanilang
mga kasagutan sa isang malinis na papel.
5. Paglalapat
Pasagutan sa mag-aaral ang Gawain II na matatagpuan sa pahina
37. Ilahad sa kanila nang malinaw ang panuto at ipatala ang
kanilang mga kasagutan sa isang malinis na papel.
IV. Pagtataya
Ipagawa sa mga mag-aaral ang Isagawa na matatagpuan sa pahina 38.
Ilahad sa kanila nang malinaw ang panuto at ipatala ang kanilang mga
kasagutan sa isang malinis na papel. Maaari ding gawing batayan sa
pagwawasto ang ibinigay na rubrik sa nasabing gawain.
V. Karagdagang Gawain
Panuto: Magpasulat ng isang liham pangkaibigan sa isang tao na labis
nilang hinahangaan. Ito ay maaaring artista o hindi naman kaya ay mga
sikat na personalidad. Ipasulat ang kanilang liham pangkaibigan sa isang
malinis na papel.
SUBUKIN
GAWAIN I pahina 2
1. A 11. B
2. B 12. A
3. A 13. B
4. B 14. C
5. C 15. D
6. A
7. D
8. A
9. B
10. C
Iyong kaibigan,
Alvin
GAWAIN II pahina 37
1. a
2. e
3. b
4. d
5. c