You are on page 1of 2

Ang Rebolusyong Industriyal

Taong 1700 at 1800 nang nagkaroon ng malaking pagbabago sa aspektong

agrikultura at industriya sa mga bansa sa Europe at sa United States. Ang

transpormasyon na ito ay nakilala sa katawagang Rebolusyong Industriyal dahil

pinalitan nito ang gawaing manwal sa mga kabukiran ng mga bagong imbentong

makinarya. Nagbigay ito ng malaking produksiyon sa mga bansa, karagdagang kita

at pamilihan ng kanilang mga yaring produkto. Maraming mga naninirahan sa

mga kabukiran ang lumipat ng tirahan sa mga siyudad at namasukan sa mga

industriya upang kumita nang malaki.

Ang tunog ng ingay ng mga tumatakbong makinarya sa isang pabrika ay

bahagi ng tinatawag na Rebolusyong Industriyal. Ito ang panahon na kung saan

ang mga tao ay nagpasimula nang gumamit ng mga makabagong kagamitan gaya

ng makinarya sa kanilang produksiyon. Nagkaroon ng malaking pagbabago sa

pamumuhay ng mga tao sa dahilang naging mabilis ang kanilang produksiyon at

ito’y lumaki. Naging daan ito upang sila’y magkaroon ng malaking kita at

napaunlad ang kanilang pamumuhay. Nagsimula ito noong 1760 na kung kailan

nagkaroon ng mga bagong imbensiyon sa pansakahan ang nabuo at pinasimulan

ang rebolusyon sa agrikultura.

Ilan sa mga nakilalang imbentor sa panahong ito ang mga sumusunod:

George Washington Carver - Itinaguyod ang siyentipikong pamamaraan ng

agrikultura – Tinuruan ang mga magsasaka ng Crop Rotation - Gumagamit sila ng

pataba, bumubungkal sila ng malalim na tudling, at gumagamit ng siyentipikong

pamamaraan ng agrikuktura.

Thomas Newcomen - Nakaimbento ng isang steam engine na pinaaandar ng

artificial pump (1700) Pinagbuti naman ni James Watt ang steam engine ni

Newcomen (1763).

Robert Fulton - amerikanong imbentor nakabuo ng isang steamboat (Clemont)

higit na malalaking gulong na sumasagwan at pinaaandar ng steam engine ginamit

ito bilang transportasyon sa mga ilog at sapa Ginamit narin ito ng mga kalakal sa

ibayong dagat.

Alessandro Volta - italyanong propesor na nakaimbento ng bagong baterya na

kayang tumustus ng sapat na elektrisidad.

Andre Ampere - isang pranses na nagpanukala ng mga prinsipyo na nagsasaad sa

epekto ng magneto sa electric current.


Alexander Graham Bell - isang propesor sa Boston na nakatuklas sa telepono

(1876).

Nagpabago sa pamumuhay ng tao ang industriyalismo. Dumagsa sa lungsod

ang mga taong taga-probinsya. Nagdulot ito ng pagdami ng tao sa lungsod at

naging squatter. Sa kawalan ng hanapbuhay marami ang naging palaboy. Maging

ang mga bata ay napilitang magtrabaho. Isa ito sa naging napakabigat na

suliraning panlipunan at pangekonomiya. Nagdulot din ito ng hidwaang

pampolitika. Gayundin ang pagkakaroon ng tinatawag na gitnang uri ng lipunan o

middle class society. Nagbunga ito ng pagtatatag ng mga unyon ng mga

manggagawa hanggangnoong kalagitnaan ng ika-19 na siglo. Sa pag-unlad ng

industriyalisasyon, higit pang nagsikap ang mga Kanluranin sa pananakop ng mga

kolonya. Ito ay dahil sa pangangailangan nila ng mga hilaw na sangkap na

maibibigay ng mga kolonya. Ito rin ang mga nagsisilbing pamilihan ng kanilang

mga produkto.

You might also like