You are on page 1of 2

TULA

IROG

Ito ay hindi tungkol sa pilak

Saya’y nararamdaman may palakpak

Na para kang lumilipad

Nanlalamig mga palad

Lalaki na aking irog

Kapag nakikita parang nasa tayog

Dibdib na kumakalabog

Tunay na ako’y nahulog

Sarili’y sa kanya ay lako ng puso

Pagmamahal na biglang tumubo

Napaibig sa bawat suyo

Pag-ibig ay hukay ng pagkasiphayo

Ngiti sa mukha pinipinta araw araw

Lumalalim na pagmamahal sa bawal pagdungaw

Sa bawat araw na parang atin ang oras

Pagmamahalan na walang taliwas


PAGLIMOT

Ikaw ay nag-iwan ng sakit

Dulot na labis na pagluha

Saya’y napalitan ng pait

Binaliwala lahat ng saya

Labis pinaramdamdam na ikaw na

Akala’y tunay na itinadhana

Kalawakan na tila walang hanggan

Di pala sa akin nakalaan

Pilit nililimot ang alaala

Nagbabakasakali na para ka lang nagdaan

Ngunit patuloy pa rin nakikita

Mga lugar na atin napuntahan

Oras na para magpaalam

Relasyon natin ay sadyang wala

Aalisin mga bagay na inaasam

Paalam sa pamamagitan ng tula

You might also like