You are on page 1of 1

“Simulan sa Puno”

Itong konseptong ito ay maiihalintulad natin sa ating mga sarili. Kumplikadong


pamumuhay, problema at mga responsibilidad, mga bagay na mas mabilis mareresolba
kung uunahing tulungan ang sariling makabangon at ayusin ang sariling kaisipan,
kasanayan at katayuan. Mayroon tayong kasabihang ang pagbabago ng buong bansa
ay magsisimula sa ating mga sarili.

Upang mapalawak, ang ating bansa ay maraming kibnakaharap na problema,


problema sa kahirapan, kalusugan, transportasyon, at iba-iba pang sangay ng
pangkabuhayan. Gayunpaman mismong puno ng ating bayan ay nagkakaroon din ng
problema. Gobyerno, ating inaasahang magtaguyod sa ating bayan, ngunit paano kung
pati ang puno ay may tumatraydor na sanga. Sariling lupain ang tinatalikuran at
pinagnanakawan.

Sa aking palagay, dapat na mas unahin ang problema sa gobyerno sa aspetong


korapsyon at mga pangingikil sa mga taong bayan. Kung maiisaayos ang mismong
puno ng ating bayan ay mas mapapabilis na maisaayos din ang bawat problemang
kinakaharap ng ating bansa. Nasa kanila ang kapangyarihan, kung kaya’t dapat na
maisaayos ang paggamit nila rito.

Ang paggawa ng maayos ng puno ay siya ring paggawa ng maayos ng sanga at


bunga. Tagtagin ang mga traydor na sanga, gibain ang mga tumitingin at kumukuha ng
pera ng bansa. Hindi sila ang dapat na tinitingala dahil ang bungang inaasikaso nila ay
para sa sarili lamang nilang pakinabang.

Kaya ngayong dadaang eleksyon, atin ding simulan sa sarili ang tiyak at
masusing pagpili at pagboto sa karapat-dapat na tumayong puno na siyang
magpapayabong sa sanga at magpapaganda sa magiging bunga.

You might also like