You are on page 1of 2

PANGATNIG

          Ang pangatnig ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa dalawang salita, sugnay, parirala, o pangungusap.
Ito rin ay maaaring nagpapakita ng pagbubukod, pagsasalungat, o paglilinaw. Ang mga halimbawa ng pangatnig ay
ang mga salitang at, o, ngunit, subalit, kaya at kung.
MGA URI NG PANGATNIG

PANGATNIG NA PAMUKOD:
          Ang uri nito ay mayroong pamimili, pagtatangi, pag-aalinlangan at karaniwang nilalagyan ng mga katagang
ni, o, at maging.
HALIMBAWA:
 Kahit magdala man siya ng payong o hindi, mababasa pa rin siya sa lakas ng ulan.

PANGATNIG NA PANDAGDAG:
          Nagsasaad ito ng pagpupuno o pagdaragdag at ginagamitan ng mga katagang at, saka, at pati.
HALIMBAWA:
 Kukuha muna ako ng kakainin at iinumin.

PANGATNIG NA PANANHI:
          Ginagamit ito upang magbigay ng dahilan, kung nangangatwiran at kung sumasagot sa tanong na bakit. Ang
mga katagang nito ay sapagkat, palibhasa, pagkat, kasi.
HALIMBAWA:
 Palibhasa’y nagyayabang ka, ayan tuloy, napahiya ka.

PANGATNIG NA PANUBALI:
          Nagpapakita ng uri nito ng pagbabakasali o pag-aalinlangan. Ang mga katagang ginagamit ay kung, di,
kundi, kapag, sana at sakali.
HALIMBAWA:
 Sana ako nalang.

PANGATNIG NA PANLINAW:
          Ginagamit ito upang linawin o magbigay-linaw sa isang sitwasyon o paliwanag. Ang mga katagang ginagamit
ay: anupa, kaya, samakatuwid, sa madaling salita at kung gayon.
HALIMBAWA:
 May nagpayong sa kanya na hindi ko kilala, kaya ako’y biglang nagselos at nalungkot.
MGA TANONG:
1. Ano ang pangatnig?
Ang pangatnig ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa dalawang salita, sugnay, parirala, o
pangungusap.
2. Ano ang ginamit na pangatnig at anong uri ng pangatnig ang ginamit sa pangungusap na ito?
“Araling Panlipunan at Filipino ang aking mga paboritong asignatura.”
3. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng Pangatnig na Pamukod, Pandagdag, Pananhi, Panubali at Panlinaw.

Isa sa mga tungkulin ng PANGATNIG at TRANSITIONAL DEVICES ay ang

paghuhudyat o pagsesenyas ng mga pagkasunod-sunod ng mga pangyayari o gawain. Ang mga halimbawa nito ay
ang “SUMUNOD, UNA, SAKA, PATI AT PAGKATAPOS”.

Halimbawa, “Unang nahulog si Buko, sumunod si Pandan, pagkatapos ay si Buko Pandan”.

Pagpapagong lahad

Ang mga salitang nagbabago ng lahad ay ang “Sa isang salita, sa madaling sabi, sa biglang sabi, sa katagang sabi,
sa tahasang sabi, sa kabilang dako at iba pa”.

Hal.
“Ikaw ang toyo sa burger ko. Ang tinidor sa champorado ko. Ang ketchup sa popcorn ko. Ang bagoong sa french
fries ko. SA MADALING SALITA, HINDI TAYO BAGAY!”

Pagtitiyak

Ang mga salitang halimbawa nito ay ang “TULAD NI, TULAD NG, KATULAD, GAYA, SUMUSUNOD,
KAHALINTULAD at iba pa”

Hal.
Ang pagmamahalan ay ‘di biro, ‘di tulad ng kamay mo, tatanggalin pag muntikan mahiwa ng kutsilyo.”

Paglalahat

Ang mga halimbawa nito ay “Bilang pagtatapos, bilang pagawawakas, sa di kawasa, anupat at iba pa”.

Panandang naghuhudyat ng pananaw ng nagsasalita o sumusulat

Isa sa mga halimbawa nito ay “Sa aking palagay o opinyon, bagaman, subalit at iba pa.”

Pagsalungat

Ang mga salitang ginagamit dito ay “Ngunit, datapwat, subalit, samantala at iba pa”

Pananhi

Ang mga salitang ginagamit sa pananhi ay “kaya, dahil sa, at sapagkat.

You might also like