- Mayroong parte ng pagiging Pilipino na madali at
meron din parte na mahirap. Ngunit paano mo nga ba masasabi kung naitataguyod mo nga ang pagiging pagkamamamayan mo sa sarili mong bansa? Para sa akin, Oo, naisasabuhay ko ang pagiging pagkamamamayan ko, sa simpleng pag sunod lamang sa mga alintuntunin ng bansa at naipapakita mong mayroon kang galang at higit sa lahat, naipapakita mo na mayroon kang pagmamahal sa kapwa. Sa simpleng pamamaraan ay maipapakita mo na ang iyong pagkamamamayang Pilipino.