You are on page 1of 3

 ANONG KURSO SA KOLEHIYO ANG NAIS

MONG KUHAIN? BAKIT?

- Ang kursong aking nais kuhain pagdating ng


kolehiyo ay “TOURISM”. Ang pagiging ‘’FLIGHT
ATTENDANT’ ’ ang nais kong tiyagain at
pagtuunan ng oras pagdating ko sa kolehiyo. Bata
pa lamang ako ay pangarap ko na ang makapunta
sa iba’t-ibang lugar ng bawat bansa, mas lalo akong
sasaya kung pati aking pamilya ay makakasama sa
paglalakbay. Sa kabilang banda, noong una ako ay
nag-aalinlangan kung ano nga bang kurso ang
pasya ko pagdating sa kolehiyo, dahil ilang taon na
lamang ay panibagong yugto nanaman ang
tatahakin ko. Ngunit tumagal, ay aking napag isip-
isip na ang kurso na ito ay ang aking gusto at hilig
ko din talaga ang mga ensayong ginagawa dito, isa
pa ay nakikita ko ang aking sarili na ginagawa ko
ito. Hindi ko ginusto itong kursong ito dahil gusto
ko, kundi dahil gusto ko matupad ang pangarap
ko. Libre lang ang mangarap, kaya kung gusto mo
ito makamit, tiyaga at diskarte lang sapat na para
maabot mo ang pangarap na hinahangad.
Lahat ay may karapatan, mangarap. Lahat ay may
Kakayahan sa mga bagay, ito ay kung gugustuhin
mo at pangarap mo. Hindi masama ang
maghangad ng sobra. Ang masama ay yung
naghangad ka, pero hindi mo naman ginawa at
tinupad sa huli. Kung may gusto ka, ipaglaban mo.
Kung may gusto ka, tiyagain mo. Kung may
pangarap ka, gawin mo para makamit mo. Hindi
rason o hadlang ang mga taong nagsasabi ng
negatibo sa paligid mo. Eto ang magiging rason at
hadlang yun ay kung sila ay hahayaan mo lang.
Pero walang imposible sa taong nangangarap. At
may paninindigan. Kaya mo yan. At kakayanin mo
pa. Paalala lang, kung may nagpapasaya sayo
ngayon, gawin itong inspirasyon. Paalala ulit,
inspirasyon lang, wag higit sa inspirasyon.
PANGARAP MUNA, HA? :>>

Ipinasa kay: Ginang Hana Ventura


Ipinasa ni: Czarina Ann Signo

You might also like