You are on page 1of 1

Ang talumpati ni Nelson Mandela ay patungkol sa pagpapakita ng magandang dulot ng

katapangan para ipagtanggol ang bawat mamamayan ng Africa mula sa mapagmalabis na mga
pinuno ng kanilang bansa at sa paggamit sa kanila ng dahas at batas upang kontrolin ang mga
mamamayan. Kaakibat nito ay ang pagsasalaysay na papalayain mula sa kahirapan,pagdurusa, at
diskriminasyon na natamo. Inilahad din ang pagtatanim ng bagong pag-asa sa mga mamamayan
at ang pagtatayo ng Interim Government of National Unity na kung saan ay naatasan na
magbigay pansin sa isyu ng amnestiya ng mga nakulong sa panahong iyon. At sa huling bahagi,
binigyang diin na ang pagkakaisa at pagkakasundo-sundo ang kinakailangan upang mabuo ang
bagong mundo at ang paghari ng kalayaan na kanilang inaaasam-asam.

You might also like