You are on page 1of 3

Wikang Filipino at Pagkamakabayan

Isinulat ni Mutya Raya

Ang wikang Filipino ay ang ating pambansang wika. Ito ay tila isang tulay at

sinulid na nag durugtong at binubuklod ang bawat isa, kahit ano man ang estado sa

buhay mayaman man o mahirap, magkakaunawaan kung ang wika ay ginagamit.

Ang ating sariling wika ang wikang Filipino at Wikang Katutubo ang ginagamit nating

mga Pilipino upang mapakipag ugnayan sa kapwa at upang maiparating ang ating

kaisipan, opinyon,saloobin o hinaing. Ito din ang sumasalamin sa ating kultura kung

ano ang ating pagkakakilanlan at ito din ang daan upang mapanatiling buhay ang

ating kultura.

Upang lalong mapahusay ang mga kabataang Pilipino sa wikang sariling atin,

isa ang asignaturang Filipino na gumagabay upang mapalawak at mapalalim pa ang

kaalaman at pagkakaunawa tungkol sa ating wika, Literatura, kultura at mga

kaugalian na itinuturo sa paaralan. Nalalaman at naisasabuhay din natin ang

kahalagahan ng mga ito para sa ating sarili, sa pagbubuo ng kulturang makabayan

sa ating bansa.

Anumang katutubong wika na ginagamit ay naipapakita nating mga Pilipino

ang pagmamahal sa bansa at pagiging makabayan. Ang sabi nga sa tula na isinulat

ng ating pambansang bayani na si Jose Rizal "Ang hindi marunong magmahal sa

sariling wika ay mas higit pa sa hayop at malansang isda". Pinuhunan ng ating mga

bayani ang kanilang talino upang ipaglaban ang isang mahalagang sagisag na ito ng

ating bansa ang pagkakaroon ng kalayaang gamitin ang wikang Filipino at wikang

katutubo. At sa paggamit ng wasto ng ating sariling wika ay naipapakita at


naipaparating sa iba lahi kung sino at ano tayo, sapagkat ito kung ano ang ating

pagkakakilanlan.

Isang halimbawa nakikilala ang mga mamamayan ng Rehiyon I ang

Rehiyon ng Ilocos.Sa paggamit kanilang sariling wikang Iloko, Isnag, Pangasenense

at marami pang iba mula dito ay naipapakita nila ang Kulturang Makabayan sa

pagamit ng wikang nagmula pa sa kanilang mga ninuno.

At ngayong naman na narito tayo sa makabago at modernong panahon,

umaasenso at maraming nagbabago sa ating wikang Filipino. Ayon sa pananaliksik

ang pagbabago sa wika natin ay epekto ng modernisasyon ng wikang Filipino. Sa

paggamit ng sosyal medya ay naiimpluwensyahan nito ang mga kabataang Pilipino.

Nariyan ang Gaylingo o wika ng mga gay, at taglish na kung saan ay pinagsama ang

tagalog at ingles, ay pangkaraniwan na lamang na maririnig sa ngayon. Hindi

masamang maragdagan ang wika sa isang bayan ngunit sana ay paigtingin pa rin

ang mga wikang nakakalimutan na dala ng pagbabago na ito ng panahon. Hindi na

kung minsan naiisip na ito ay kultura natin.

Nagiging basehan ng ilan na kapag ang taong ang ginagamit ay purong

wikang Filipino o Katutubong wika ay hindi siya gaanong marunong o magaling

upang makipagsabayan sa taong gumagamit ng wikang banyaga. Nakakalungkot

lamang isipin na ganito ang mentalidad ng iilan sa mga taong binubuhay ang kultura

natin unti-unti ng nawawala. Huwag ikahiya kung maririnig natin na ang ibang ito ay

kinagisnang wika ang ginagamit sapagkat dito sila bihasa. Ito ang kinamulatan ng

marami.

Kaya hangga’t hindi pa tuluyang naglalaho ang wika Filipino nararapat na ito

ay paigtingin at mahalin. Gamitin ito sa mga pag-aaral, sa pagbuo ng mga kultura

sa bagong panahon. Ipagmalaki natin ang ating sariling wika sapagkat dito tayo
nagsimulang magkaunawaan. Magiging salamin natin ito upang makita ang

repleksyon ng nakaraang kultura at sinaunang tradisyon. Upang mangyari ito

kooperasyon nating mga Pilipino ang kailangan. Tayo ay Pilipino kaya’t nararapat pa

nating paunlarin at pagyamanin ang wikang inihabilin sa atin ng mga bayani at mga

ninuno. Tayo ang gumagamit ng ating wika habang ang wika naman ang

sumisimbolo na tayo ay malaya at malaya ang ating bansa.

Magkakabuklod tayo at magkakaisa kung gagamitin natin ang wika ng

Pilipinas, ang Wikang Filipino at Wikang Katutubo.

You might also like