You are on page 1of 1

ARALIN 1

Pagtataya 1

Ang Bibliya ay may napakagandang pagpapakahulugan sa tunay na pag-ibig. Basahin ito sa ibaba at sagutin ang mga tanong sa
ibaba.

“Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi mainggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, hindi
magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapuwa. Hindi niya ikinatutuwa
ang gawaing masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan. Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno
ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas.” 1 Corinto 13:4-7

Baon ang kaisipang ito kaugnay ng pag-ibig, paano maipapakita ang tunay na pag-ibig sa sumusunod na mga sitwasyon.
Siguraduhing aabot sa 5 hanggang 7 pangungusap ang pagpapaliwanag.

 Sa iyong sarili. Umaabot ng mula apat hanggang anim na oras ang tagal ng paggamit mo sa internet at computer o tablet
araw-araw para sa pag-update ng iyong social media account, paglalaro ng video games, panonood ng mga video sa Youtube, at
iba pa. Lagi ka tuloy puyat at kapansin-pansin ang kawalan mo ng sigla kapag nasa paaralan ka. Paano mo maipapakita ang
pagmamahal mo sa iyong sarili sa sitwasyong ito?

Bigyan ang aking sarili ng limitasyon sa oras para sa


paggamit ng aking cellphone.
 Sa iyong pamilya. Ugali mong tumambay muna sa paaralan at makipagkuwentuhan sa iyong mga kaibigan pagkatapos
ng klase. Subalit alam mong ang iyong nanay na pagod din mula sa trabaho ay nangangailangan ng tulong sa paghahanda ng
inyong hapunan at iba pang gawain sa bahay. Paano mo maipakikita ang pagmamahal mo sa pamilya sa sitwasyong ito?

Pagkatapos ng bawat pagkain, nakaugalian kong maglinis


para hindi na kailangang gawin ng aking mga magulang.
 Sa iyong pamayanan o bansa. Mas gusto mo ng anumang bagay na imported kaysa sa mga bagay na gawang Pinoy.
Subalit alam mong ito ay may epekto sa ating mga manggagawa at sa ekonomiya. Paano mo maipapakita ang pagmamahal mo
sa iyong pamayanan o bansa sa sitwasyong ito?

Pinili ng aking pamilya na bumili, magbenta at kumain ng


komersyal na bigas upang suportahan ang mga lokal na
magsasaka.

You might also like