You are on page 1of 2

Pagtataya 3

A. Panuto. Suriin ang mga bahagi ng akdang inilahad sa ibaba. Isulat sa linya kung ang bahaging ito ay nagsaad ng
katotohanan ang KT, kabutihan o kagandahang-asal (KK). Ipaliwanag sa mga linya kung bakit ito ang napili mong sagot.

KT1. Bilang pagpapakita ng paggalang, ang kasalan ng mga sinaunang Hudyo ay nagsisimula sa pag-uusap at pagkakasundo
ng ama ng binata at ama ng dalagang ikakasal.

Paliwanag sa sagot Ayon sa kasaysayan, ito ay isang katotohanang sumusunod sa kanilang mga tradisyon.

KK2. Pagkatapos ng kasunduan ay pansamantalang lumalayo ang binata upang ihanda o buoin ang kanilang magiging
tahanan at upang mapatunayan ang katatagan ng kanilang pag-iibigan sa isa’t isa.

Paliwanag sa sagot Ito ay isang paraan para mabigyan ng pagkakataon ng nobyo ang nobya na magkaroon ng oras para sa kasal.

KK3. Ang limang matatalinong dalaga ay naging handa kaya’t nagbaon sila ng sobrang langis para sa mga hindi inaasahang
pagkakataon.

Paliwanag sa sagot Dahil dito, naging matalino sila, hindi lang maganda ang ugali.

B. Panuto. Basaging mabuti ang mga tanong sa ibaba. Piliin at bilugan ang tamang sagot batay sa nilalaman, elemento, at
kakanyahan ng binasa.

1. Alin sa sumusunod ang tagpuan ng binasang parabula?


a. Israel sa unang siglo.
b. Pilipinas bago dumating ang mga Espanyol.
c. Israel sa kasalukuyang panahon.
d. Rehiyon ng Mediterranean, kalagitnaang siglo.
2. Sino sa mga tauhan ang kumakatawan sa ating Panginoon?
a. Ang ama ng binata o ama ng dalagang ikakasal.
b. Ang matalinong dalaga.
c. Ang dalagang ikakasal.
d. Ang binatang ikakasal.
3. Batay sa nilalaman ng akda, ano ang nangyari sa mga tauhang hindi nakapaghanda?
a. Sila ay pinarusahan at ikinulong.
b. Sila ay hindi nakapasok sa piging.
c. Sila ay binigyan ng isa pang pagkakataon.
d. Sila ay umuwi na lang sa kani-kanilang tahanan.
4. Ano ang kasukdulan o pinakamataas na pangyayari sa akda?
a. Nang sunduin ng binatang ikakasal ang kaniyang nobya.
b. Nang magising ang sampung dalaga mula sa pagkakatulog habang naghihintay.
c. Nang biglang dumating ang binatang ikakasal nang hindi handa ang limang dalaga.
d. Nang magkasundo ang dalawang ama na ipakasal ang kani-kanilang nga anak.
5. Anong kakanyahan o katangian ang lutang na lutang sa akda?
a. Ito’y isang akdang nagbabalita.
b. Ito’y isang akdang nangungumbinsi.
c. Ito’y isang akdang naglalarawan.
d. Ito’y isang akdang nagsasalaysay.

You might also like