You are on page 1of 2

Gawain #1

RUA #1
Mula sa araling tinalakay, ang aking repleksyon o natutunan ay ang mga Wikang
Pambansa. Wikang Panturo at Wikang Opisyal. Una ang aking natutunan sa Wikang
Pambansa ay mas nalinawan ako na ang Filipino ang nangangahulugang wika ng
Pilipino at ang Pilipino naman ay ang mga mamayan ng Pilipinas na gumagamit ng
wikang Filipino at ang wikang Filipino ay mayroong konstisyunal o batas ito ay ang
konstitusyunal ng 1987. Pangalawa Wikang Panturo kasama ito sa batas ng
konstitusyung batas na ang wikang Filipino at ginagamit bilang panturo malaking
tulong din ito para sakin dahil ako ay mahina sa wika na Ingles malaking tulong ito
para sa aking pagkatuto upang mas lalong maunawaan ang pagtuturo. Ang panghuli
naman ay ang Wikang Opisyal ito ay nagagamit sa mga uri ng negosasyon,
transaksyon at kasunduan ito din ang wika sa Pilipinas na nakaayon sa Artikulo lv
Seksiyon 7 ang Ingles at ang Filipino. Ito din ay madalas nagagamit sa pag tuturo na
mayroong Ingles at Filipino na na wika o para sakin ay Taglish madalas ito ginagamit
upang mas maturo o maipadama sa nakikinig o kausap ang iyong pinapaliwanag o
tinuturo.

You might also like