You are on page 1of 1

Si Manuel L.

Quezon ang unang pangulo ng Pamahalaang


Komonwelt. Siya rin ay kilala bilang ama ng wikang
pambansa. Ngunit ano nga ba ang naiambag ni Quezon
dito?Bago pa man naging opisyal ang Pamahalaang
Komonwelt sa ating bansa noong 1935 hanggang sa sumiklab
ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Ingles at Español
ang opisyal na wika sa Pilipinas.Bukod dito, ang mga Pilipino
sa iba’t-ibang rehiyon, probinsiya, at isla ay gumagamit ng
sarili nilang wika. Dahil dito, itinadhana ng Saligang Batas ng
1935, ang pagtatatag at pagpapaunlad ng wikang pambansa.Sa
isang mensahe ni Pangulong Quezon sa Unang Asamblea
noong Oktubre 27, 1936, naging pokus niya ang pagkakaroon
ng isang nasyonalidad at isang estado. Dahil dito, nais niya na
dapat magtaglay ng wikang sinasalita at nauunawaan ng
lahat.Pero, bago paman napili ang wikang pambansa natin, nagkaroon ng malawak at masusuing
pag-aaral para suriin ang karapat-dapat na wikang gagamitin. Ang mga mananaliksik na kasama
sa pag-aaral na ito ay galing sa iba’t-ibang mga rehiyon sa Pilipinas. Sila ay sina Jaime C. de
Veyra ng Samar-Leyte; at kinabilangan nina Santiago A. Fonacier, isang Ilokano; Filemon Sotto,
isang Cebuano; Casimiro F. Perfecto, isang Bikolano, Felix S. Salas Rodriguez, isang Bisaya
mula Panay; Hadji Butu, isang Moro; at Cecilio Lopez, isang Tagalog.Noong Disyembre 13,
1937, napirmahan ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134. Dito,
itinadhana ang wikang Filipino bilang wikang pambansa matapos ang dalawang taon.

Kaya siya ang aking napili dahil hindi siya basta-basta nag dedesisyon, subalit nag tatanong
muna siya ng mga nais o idea mula sa ibang tao bago mag deklara nang kaniyang saloobin.

At bilang isang mag-aaral papahalgahan ko ang mga ginawa ni Pangulong Quezon lalo na sa
pagmahal ng sariling wika, at hindi hadlang sa atin ang pagiging bisaya o illongo o ilokano para
tayo ay mag kaintindihan sapagkat mas maiipinatibay pa natin ito nang ating pagkakaisa bilang
isang pilipino.

You might also like