You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF QUEZON
QUEZON NATIONAL HIGH SCHOOL
M.L. TAGARAO STREET, IBABANG IYAM, LUCENA CITY

15 Setyembre 2022

Dr. Nelson D. Mendoza
Founding President
CSTC - College of Sciences, Technology and Communication, Inc.
Sariaya, Quezon

Sa Kinauukulan:

Pagbati ng Kapayapaan!

Bilang pagpapahalaga sa dedikasyon ng mga kaguruan sa paghubog ng mga kabataan upang


maging mabuti at produktibong mamamayan, ang Kagawaran ng Edukasyon ay nagsasagawa ng
selebrasyon ng National Teacher’s Month na may temang “Gurong Pilipino: Dangal ng
Sambayanang Pilipino” simula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5, 2022. Bilang suporta sa
adbokasiya ng kagawaran, ang Quezon National High School ay magsasagawa ng mga aktibidad
para sa mga kaguruan bilang pagpapakita ng suporta at pagpapahalaga sa lahat ng kanilang
pagsisikap na maibigay ang kalidad na edukasyon para sa mga kabataang Pilipino.

Kaugnay nito, kami po ay lumalapit para sa inyong suporta upang matugunan ang ilan sa
pangangailangan upang mapagtagumpayan ang nasabing gawainsa pamamagitan ng paghiling ng
pagbibigay ng Free Wellness Services para sa ating mga kaguruan tulad ng Hair Spa, Hair Cut,
Manicure, Pedicure, Foot Spa at Hand Spa sa darating na Oktubre 4, 2022 sa ganap na 9:00 ng
umaga.

Ang inyo pong positibong pagtugon at pagsuporta ay malaki ang maitutulong sa gawaing ito.
Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

SAMMY F. BAYSA RONEL L. MARAIG


SSG Adviser, QNHS Faculty Club President, QNHS

JESSIE V. VASQUEZ
Principal IV

Quezon National High School


Address: M.L. Tagarao Street, Ibabang Iyam, Lucena City
Contact No.: (042) 373-7369 (Principal’s Office); (042) 373-7662 (Department Head’s Office)
Email Address: quezonhigh@yahoo.com

You might also like