You are on page 1of 1

Republika ng Pilipinas

PAMBANSANG PAMANTASAN NG KABITE


Kampus Barangay Bagtas
Tanza, Cavite 4108
🕾 (046) 414-3979
www.cvsu.edu.ph

ESCOBIDO, JENNY B. SEPTEMBER 29, 2022


BEE 2-3 SIR FAHAD GOTE

REPLESKYON MULA SA DOKUMENTARYO


“Investigative Documentaries: Ilang Pilipinong guro, nakikipagsapalaran sa
Cambodia”

May dalawang mahahalagang tauhan ang nasa dokumentaryo, ang una ay si


Gina Lopez na isang propesor sa unibersidad ng Cambodia at ang kaniyang
departamento ay sa school of business na kalaunan ay naging dean sa college of
business. Ang pangalawang tauhan na naman ay si Elenita Paculanang na nagtuturo
sa grade school sa isang pribado at international school sa Cambodia. Ang unang
napansin ko ay parang asa pilipinas kapa din, yung lugar ay parang pareho lang ngunit
ang pinagkaiba ay ang mga nakasulat. Sinabi ni Ma’am Gina na ang paraan niya ng
pagpasok ay pagsakay sa motorbike, ito ay mahirap dahil hindi natin masasabi ang
panahon kung may mangyayari ba. Ang nakita kung iba pang suliranin ay ang
mababang pasahod sa mga guro dito sa pilipinas kung kaya mas pinipili ng ilan na
pumunta sa ibang bansa upang magtrabaho. May magandang oportunidad sa ibang
bansa na nais makamit ng ilan sa mga naglalakas loob mangibang bansa. Bukod pa
dito, ang iba ay nais na talaga pumunta sa ibang bansa o planado na nila dahil sa
kagustuhan nila mismo. Para saakin mababago lang ang kapalaran nila kung mayroong
mataas na pasahod ang mga guro sa pilipinas ito lang naman ang isa sa mga rason
bakit napupunta sa ibang ang ilan sa mga manggagawang Pilipino at kung may iba
pang paraan para hindi na mangibang bansa mas gugustuhin nilang manatili ngunit sa
kabilang banda may magandang kinalabasan ito dahil mas malaki ang pasahod. Kung
passion ng isang guro ang pagtuturo kahit saan pa ito mapunta nandoon padin ang
kaniyang lakas at loob na turuan ng mabuti ang kaniyang mga estudyante.

You might also like