You are on page 1of 2

HSL-BRAILLE COLLEGE, INC.

26C Durian Extension, Pag-asa Avenue, Barangay Katuparan, Taguig City


Approved_________________
PAGSASANAY NA PAGSUSULIT SA
ARALING PANLIPUNAN – IKA SIYAM NA BAITANG
S.Y. 2021-2022
I PAGPILI-PILIAN: Piliin at isulat ang malalaking titik na katumbas ng iyong sagot.
1. Ito tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na nais at kayang bilhin ng isang mamimili sa isang kaukulang
presyo sa loob ng isang takdang panahon, kung ang lahat ng bagay ay mananatiling pareho.
A. Demand B. Surplus C. Suplay D. Scarcity
2. Pumunta ng mall si John Nicole at nakita ang isang sapatos na Nike. Dahil mayroon naman siyang budget ay
kanya itong binili. Ang ikinilos ni John Nicole ay natugunan ang kanyang
A. Pangangailangan B. Kagustuhan C. Demand D. Suplay
3. Si Jerald ay isa ng suki sa tindahan ni Naiomi ng tela. Dahil mag-Didisyembre na at mas madami ang iproprodyus
na damit ni Jerald ay dinagdagan niya ang kailangan na tela kay Naiomi. Ano ang posibleng mangaganap sa stock
ni Niaomi ng tela?
A. Madadagdagan ang tela sapagkat marami ang kinuha kaya mapipilitan siya mamili ng kapalit.
B. Mababawasan ang kanyang suplay dahil tumaas ang demand.
C. Walang mangyayari spaagkat dadagdagan lamag ito muli
D. Mananatiling pareho pa din ang dami nito mabawasan man o madagdagan ang demand ng isang mamimili
niya.
4. Bumili si Peter ng tela at nagtahi ng mga iba’t ibang klase ng mga kurtina.
A. Delikadong Pagkonsumo C. Produktibong Pagkonsumo
B. Tuwirang Pagkonsumo D. Maaksayang Pagkonsumo
5. Isang araw nagsabi si Miguel na gusto niya ng hotdog sa araw na iyon. Bumili ang kanyang ina ng isang kilong
hotdog at ito ang naging umagahan ni Miguel sa araw-araw. Pagsapit ng huwebes, humiling si Miguel ng ibang
umagahan naman sapagkat nagsasawa na siya sa hotdog.
A. Law of Diminishing Utility\ C. Law of Harmony
B. Law of Variety D. Law of Imitation
6. Tumingin si Sarah ng mga damit sa mall. Nakita niya ang isang itim na jacket at nagandahan siya ngunit napansin
niya ang faded na maong ng Louis Vuitton at iyon ang kanyang binili.
A. Motibo B. Tatak at Anunsyo C. Kaugalian D. Panlasa
7. Nagluluto ng pochero si John Nicole para sa kasintahan niyang si Sara ng mapansin niyang walang saging na
gagamitin. Naghanap siya sa kanilang refrigerator at naisipan na maari ang kamote ang pwede niyang gamitin
bilang pamalit sa saging sa Potsero.
A. Substitute Good B. Complimentary Good C. Normal Good D. Inferior Good
8. Ito ay isa sa mga dahilan ng pagkakroon ng demand ng isang tao.
A. Pangangailangan B. Demand C. Suplay D. Kakulangan
9. Sina Uriel ay magkakaroon ng family reunion sa susunod na linggo kaya abala ang pamilya niya na mamili ng mga
kagamitan at sangkap na lulutuin para sa magganap na reunion.
A. Tataas ang suplay ng mga bilihin.
B. Tataas ang demand ng mga bilihin.
C. Bababa ang interest ng tao sa pamimili.
D. Bababa ang presyo ng mga bilihin.
10. Tumutukoy ito sa malakihang perspektibo ng eknomiya gaya ng Gross Development Product at Gross National
Product
A. Ekonomiks B. Maykrokenomiks C. Makroekonomiks D. Pisyolohika

Para sa bilang 11-20, piliin ang mga sagot sa loob ng kahon sa ibaba.
A. Substitute Good B. Complimentary Good C. Normal Good D. Inferior Good
11. Si Ashanty ay bumili ng kulay pula na mouse para sa kanyang kulay rosas na kompyuter.
12. Nagkaroon ng dagdag na sahod si Chasley sa kanyang kumpanyang pinagtatrabahuan na naging hudyat na siya
ay bumili sa Rustan’s kesa sa nakasanyan na Liannas.
13. Ang album sales ng Enhypen ay nanatiling maganda ang sales kahit na nagrelease ang TXT na kanilang
labelmate ng bagong full studio album.
14. Naghuhugas si Alyssa ng plato ng mapansin niyang naubos na niya ang ginagamit na dishwashing paste. Sa nais
niyang matapos ang mga hugasin, ginamit niya ang barteta bilang sabon panghugas.
15. Dahil petsa peligro noong nakaraan, si James ay bumibili lamang ng kalahating ulam at isang kanin upang
makatipid. Nang nakasahod na ay pinili niya kumain sa isang fastfood chain.
16. Sa pagluluto ng Sinigang na may Gabi, pinili ni Kurt na bumili ng sinigang mix na may halong gabi.
17. Si Chef Uriel ay gumagamit ng kamote at patatas na pamalit sa karne.
P2APG9

18. Si Renaray ay madalas bumili ng mangga ni Rojohn. Nang magtaas ang presyo ng mangga ni Rojohn, mas
minabuti ni Renaray na bumili na lamang sa iba na may mababa na presyo.
19. Nananatiling maayos ang kita ng mga face mask vendors kahit paunti unti ng bumabalik sa dati ang ating bansa
mula sa pagkakalugmok gawa ng Pandemya.
20. Kahit na ang BTS ay humakot ng 9 na Daesang Awards sa nakalipas na Mnet Asia Music Awards, nanatili ang
Twice bilang isa sa mga kapitagpitagang girl group sa Asya.

II PAGTUTUKOY: Tukuyin ang mga sumusunod na salita at isulat kung ito ay isang PRODUKTO o HILAW
NA MATERYALES.
1. Mangga 6. Cellphone
2. Upuan 7. Gulay
3. Kutsara 8. Coconut Jam
4. Kahoy 9. Tubig
5. Pako 10. Metal

III PAGKAKALKULA: Sa bahaging ito, gumamit ng isang malinis na papel. Ipakita ang buong proseso ng
pagkuha ng Elastisidad ng Demand at tukuyin kung ito ay DI-ELASTIK, UNITARY, o ELASTIK. Ang bawat
bilang ay may bilang na 5 puntos.

1. Q1= 300 Q2= 200 P1=100 P2= 50 3. Q1= 75 Q2= 70 P1= 125 P2= 100
2. Q1= 675 Q2= 400 P1= 12 P2= 5 4. Q1= 1000 Q2= 525 P1= 300 P2= 150

IV. GRAPIKONG PAGLALARAWAN: Sa isang malinis na papel, gawan ng kurba ng demand ang binigay na
presyo at quantity demand na nasa tabulasyon. Ang graph ay may katumbas na 10 puntos.
Price (P) Quantity Demand
(Qd)

60 50

70 45

80 40

90 35

100 30

120 25

150 20

200 10

V SANAYSAY: Pumili ng 2 sa 3 na tanong at ipaliwanag ng maayos, tama at base sa konseptong natutunan sa


klase. (5 puntos kada isa)
1. Tama ba na magtaas ng kwalipikasyon (qualifications) ang mga naghahanap ng trabaho? Kung Opo, Bakit? Kung
hindi po.Bakit? Ipaliwanag ang iyong estado patungkol dito.

2. Sa paanong paraan nakaka-apekto ang panlasa, kultura at lahi sa demand ng isang tao?

3. Binigyan ka ng pwesto sa gobyerno, ano ang ipaprayoridad mo? Agrikultura o Industriya? Bakit?

Whoever is generous to the poor lends to the Lord, and he will repay him for his deed.
PROVERBS 19:17

Inihanda ni:

Sir Hector James M. Orpilla

You might also like