You are on page 1of 1

SAMPLE QUESTIONS FOR FILIPINO – GENERAL EDUCATION

1.Anong uri ng panlapi ang ginagamit sa mga sumusunod na salita: kabutihan, pag-ipunan,
magsuyuan.
A. laguhan C. unlapi
B. gitlapi D. kabilaan

2. Tumutugon ito sa hangarin makapagbigay nang wasto at epektibo pakikipag-ugnayan


gamit ang mga sagisag pangwika.
A. Talasalitaan C. Pakikinig
B. Talastasan D. Pagsasalaysay

3. Anong antas ng wika kabilang ang mga sumusunod na halimbawa: MERON, PENGE,
PA’NO?
A. Pabalbal C. Panretorika
B. Kolokyal D. Lalawiganin

4. Anong antas ng wika ang salitang DYAHI?


A. Jargon C. Pabalbal
B. Pambansa D. Lalawiganin

5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng pangalang tahas? PAGKAIN, PAG-ASA,
KASANGKAPAN, GAMOT
A. Gamot C. Kasangkapan
B. Pag-asa D. Pagkain

6. Anong uri ng pangungusap na walang paksa ang paghayag na “Magandang araw po”?
A. Eksistensyal C. Sambitla
B. Pormulasyong Panlipunan D. Pamanahon

7.Ang wika ay pinagkasusunduan ng isang lahi upang lubos na magkakaintindihan ang lahat
ng kasapi ng isang kultura. Anong katangian ng wika ang tinutukoy sa unang pahayag?
A. dinamiko C. masistema
B. likas D. arbitraryo

8. Saklaw nito ang pag-aaral ng wastong baybay ng mga salita.


A. Morpolohiya C. Ortograpiya
B. Ponolohiya D. Semantika

9. Nasa anong uri ng pangungusap na walang paksa ang pahayag na “maraming salamat
po”?
A. Sambitla C. Pormulasyon Panlipunan
B. Pahanga D. Pamanahon

10. Uwi ng pagbabagong morpoponemiko na gumagamit ng pagpapalit ng posisyon ng


ponema ng salita.
A. Asimilasyon C. Paglalapi
B. Metatesis D. Pagkakaltas

You might also like