You are on page 1of 4

Phil-IRI Pangkatang Pagtatasa sa Pagbasa, Grade 9

Panuto: Basahin nang tahimik ang bawat teksto at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa sagutang papel.
A. Isang Libo’t Isang Gabi- (Thousand and One Nights) - Saudi Arabia Isinalin sa Filipino ni: Julieta U. Rivera
Isang babaing mangangalakal ang nakipag-isang dibdib sa isang lalaking mahilig maglakbay sa buong mundo.
Malimit siyang iniiwanan nang matagal ng kaniyang asawa. Dahil sa katagalan nang di pag-uwi ng lalaki, nakadama siya
ng kalungkutan at pagkabagot. Umibig siya sa isang lalaking mas bata sa kaniya.
Sa di inaasahang pangyayari, nakulong ang kaniyang lalaking inibig. Gumawa siya ng paraan upang
mapawalang bisa ang paratang dito at mapalaya. Pinalabas niya na ang lalaking ito ay kaniyang kapatid at lubhang
mahal na mahal sa kaniya.
Lima ang lalaking nahingian niya ng tulong. Ang lima ring ito ay umibig sa kaniya dahil sa angkin niyang
kagandahan at sa maamo nitong mata habang nakikiusap. Matutulungan lamang siya kung ibibigay at ipagkakaloob
niya ang kaniyang sarili.
Sa takot na makulong nang habambuhay ang kaniyang lalaking iniibig,at sa pananakot ng mga lalaking
hiningian niya ng tulong, pumayag siya sa gusto ng mga lalaking ito kapalit ng kalayaan ng iniibig.
Nagtakda siya ng iisang oras sa lahat ng lalaking umiibig sa kaniya. Sa sarili niyang bahay magaganap ang
hinihiling ng mga ito.
Sunod-sunod na nagdatingan ang hepe ng pulisya, si Cadi,si Vizier, ang hari at ang karpintero sa kaniyang
bahay. Isinagawa ng babae ang balak na gagawin sa mga nagsidating.
(Bilang ng mga salita: 202)
1. Ayon sa unang talata, ano ang ibig sabihin ng salitang malimit?
A. palagi B. bihira C. madalas D. Saglit
2. Ano ang naging bunga ng babaing mangangalakal sa kaniyang kalungkutan at pagkabagot?
A. Naglakbay sa ibang lugar.
B. Di na muli umibig at namuhay mag-isa.
C. Sumama sa lalaking may edad sa kaniya.
D. Umibig siya sa isang lalaking mas bata sa kaniya.
3. Bakit niya hiningian ng tulong ang limang lalaking umiibig sa kaniya?
A. dahil gusto niya rin ito mahalin
B. dahil natatakot siyang wala ng magmahal sa kaniya
C. dahil sa kalungkutang nararanasan niya araw-araw
D. dahil natatakot na makulong habambuhay ang kaniyang lalaking iniibig
4. Sa iyong palagay, naging tama ba ang desisyon ng babaing mangangalakal na paibigin niya ang limang lalaki
upang makalaya ang taong iniibig?
A. Oo, dahil ito na lamang ang tanging paraan sa kaniyang suliranin.
B. Oo, sapagkat wala ng ibang tutulog sa kniya kundi ang limang lalaki.
C. Hindi, dahil gumamit siya ng ibang tao upang mapagtakpan ang kaniyang kalungkutan.
D. Hindi, dahil may iba pang paraan upang makalaya ang kaniyang minamahal sa tama at mabuting
pamamaraan.
5. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng tektong binasa?
A. Pakikipaglaban sa hamon ng buhay
B. Kakambal ng kalungkutan ang pag-ibig
C. Hahamakin ang lahat sa ngalan ng pag-ibig
D. Ipagpapalit ang dignidad sa lahat ng pagkakataon

B. Pagbibigay Kapangyarihan sa Kababaihang Pilipino sa Pamamagitan ng Estadistikang Kasarian


“Babae, pasakop kayo sa inyong asawa,” isang pahayag na hinango sa Banal na Aklat at naging panuntunan ng
balana rito sa daigdig sa lahat ng panahon.
Lahat ng bagay ay nagbabago kaya nga walang permanente sa mundo. Ang dating kiming tagasunod lamang ay
natutong tumutol laban sa karahasan sapagkat hindi na matanggap ang dinaranas na kaapihan. Kaniyang ipinaglaban
ang sariling karapatan upang makapagpasiya sa sarili. Lakas-loob din niyang hiningi ang karapatang maisatinig ang
matagal nang nahimbing na pagnanasang maging katuwang hindi lamang sa tahanan kundi maging sa paghubog ng
lipunan para sa isang maunlad, matahimik at kaaya-ayang kinabukasan.
Sa ngayon, ang kababaihan ay unti-unting na ring napahalagahan. Hindi man ito maituturing na ganap dahil sa
patuloy na mga karahasang pantahanan na pawang mga kababaihan ang nagiging biktima. Ang sexual harassment na
madalas ay daing ng mga kababaihan ay nagdaragdag sa mga suliraning pambansa.

Phil-IRI GST
Filipino 9
Ang babae ay katuwang sa pamumuhay. Hindi sila katulong na tagasunod sa lahat ng mga ipinag-uutos ng ilang
nag-aastang “Panginoon”. Sila’y karamay sa suliranin at kaagapay sa mga pangyayaring nagdudulot ng pait sa bawat
miyembro ng pamilya.
Tunay na ang mga kababaihan ay hindi lamang kasama kundi kabahagi sa pagpapaunlad ng bayan sa lahat ng
panahon.
Marami na ring samahan ang itinatag upang mangalaga at magbigay-proteksiyon sa mga kababaihan. Ilan sa
mga ito ay Gabriela, Tigil-Bugbog Hotline at marami pang iba. Patuloy ang mga samahang ito sa pakikibaka upang
sugpuin ang patuloy na diskriminasyon sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan. Layunin nilang mabigyan ng edukasyon
at kamulatan sa mga karapatang dapat ipakipaglaban ng mga kababaihan.
(Bilang ng mga salita: 258)

6. Ano ang kasalungat ng salitang may salungguhit sa pangungsap?


“Ang dating kiming tagasunod lamang ay natutong tumutol laban sa karahasan sapagkat hindi na
matanggap ang dinaranas na kaapihan.”
A. kampihan B. sumang-ayon C. tumaliwas D. Tumindig
7. Alin sa mga sumusunod na gawain ng isang babae ang binigyang pansin sa ikaapat na talata?
A. Alipin habang buhay
B. Katuwang sa pamumuhay
C. Katuwang sa loob ng tahanan
D. Katuwang sa lahat ng suliraning pampamilya
8. Ano ang daing ng mga kababaihan na nakakadagdag sa suliraning pambansa?
A. Sexual Harassment
B. Economic Crisis
C. Gender Equality
D. Gender Sensitivity
9. Anong mga gawain ang inilahad sa teksto upang mabigyang solusyon ang karapatan ng isang babae?
A. Pagsulong sa iba pang benipisyop ukol sa kababaihan
B. Pagbuo ng mungkahing batas sa pagpapaunlad ng kakabaihan
C. Pagtataguyod sa mga organisasyong mangangalaga sa mga
kababaihan
D. Pagmungkahi na gawing pinuno ang babae sa alinmang gawaing
panlipunan
10. Anong kaisipan ang nais iparating teksto?
A. Pagpapaigting sa karapatang pantao
B. Pagsulong sa karapatan ng mga kababaihan
C. Pagpapaunlad sa edukasyon ng mga kababaihan
D. Pagpapanatili sa kababaihan bilang katuwang sa gawaing pantahanan

C. Kung Tuyo na Ang Luha Mo, Aking Bayan ni Amado V. Hernandez


Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop
na sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog:
ang lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos,
ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos;
masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod,
masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!

Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon,


kung ang araw sa langit mo ay lagi nang dapithapon,
kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang magdaluyong,
kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man umuungol,
kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon,
lumuha ka nang lumuha’t ang laya mo’y nakaburol.

May araw ring ang luha mo’y masasaid, matutuyo,


may araw ring di na luha sa mata mong namumugto
ang dadaloy, kundi apoy at apoy na kulay dugo,
samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo;
sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo
at ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punglo!
(Bilang ng mga salita: 151)
11. Sino ang tinutukoy sa akda na lumuha?

Phil-IRI GST
Filipino 9
A. bayan B. sarili C. pangarap D. pamilya
12. Ano ang damdaming nangibabaw sa tula?
A. pagdadalamhati B. Pagkapoot C. Pagkalumbay D. pagkainis
13. Bakit gayon na lamang ang pagdadalamhati ng may-akda para sa bayan?
A. Dahil sa pananakop ng mga dayuhan
B. Dahil sa pagkawala ng kasarinlang inalagaan
C. Dahil sa pagkawala ng sagisag kultura ng bansa
D. Dahil sa pagkabigo sa pakikipaglaban mula sa mananakop
14. Bilang kabataan, paano mo mapapawi ang hinagpis at dusa na naghahari
sa ating lipunan?
A. Patuloy na pagmamahal sa bayang sinilangan
B. Pagpapalaganap ng mga salitang nasyonalismo
C. Pagpapaunlad ng mga makabayang adhikain
D. Pagpapahalaga sa mga bayaning nagbuwis ng buhay
15. Ano ang mensahe ng tulang nabasa?
A. Naglalahad ng kabiguan at kapighatian mula sa kasarinlan
B. Naglalahad ng mga pagdurusa ng mga Pilipino sa kasalukuyan.
C. Naglalahad ng galit at pagkapoot sa pagdurusa ng mga Pilipino
D. Naglalahad ng mapait na karanasan ng bansang Pilipinas sa mga
mananakop.
D. Mula sa Kab. VII: Suyuan sa Asotea
Itinanong ni Maria Clara kung lagi siyang naaalala ni Ibarra sa kabila ng maraming bansa at magagandang
dalagang kaniyang nakita at nakilala. Tinugon siya ni Ibarra na kailanman ay hinding hindi siya malilimutan sapagkat ito
ang isinumpa niya sa harap ng bangkay ng kaniyang ina na siya ay mamahalin at paliligayahin kahit na maging ano ang
kaniyang kapalaran.
Naniniwala naman si Maria Clara sa sinabi ni Ibarra kaya ikinuwento niya dito ang naging buhay niya sa loob ng
beateryo. Iniutos ng kompesor sa kaniya na limutin na si Ibarra ngunit hindi niya ito magawa sapagkat lagi niyang
naaalala ang masayang paglalaro nila ng siklot, sintak at sungka. Naaalala pa rin ni Maria Clara na minsan silang
naglalakad sa init ng araw ay ipinamulot niya si Ibarra ng dahon ng sambong para ilagay sa ilalim ng sombrero nito.
Natuwa si Ibarra kaya dali-dali niyang inilabas ang munting balot ng mga dahon ng sambong. Kaagad ding inilabas ni
Maria Clara ang kaisa-isang liham na ipinadala sa kaniya ng binata. Pinabayaan ni Ibarra na basahin ni Ma. Clara ang
kaniyang liham ng pamamaalam. Nabanggit din sa liham na ito ang dahilan ng pagpunta ni Ibarra sa ibang bansa at ito
ang kaniyang pag-aaral para sa kabutihan ng kinabukasan ng bayan.
(Bilang ng mga salita: 207)

16. Nais ipakahulugan ng unang pangungusap na si Maria Clara ay


A. nag-aalala B. mapagtanong C. nagseselos D. walang tiwala
17. Ang ibig sabihin ng ikalawang pangungusap ay
A. walang makapipigil sa kanilang pagmamahalan
B. sa hirap at ligaya ay magmamahalan silang dalawa
C. marunong magpahalaga ang binata sa binitawang pangako sa ina
D. patuloy na iibigin ni Ibarra ang dalaga anuman ang kahinatnan niya
18.Ano ang masasabi mo sa pag-iibigan nina Ibarra at Maria Clara ?
A. hindi balakid ang layo ng bansang kinaroroonan
B. marunong tumupad sa pangako ang bawat isa
C. tapat at matibay ang kanilang pag-iibigan
D. tunay at wagas ang kanilang pag-ibig
19. Si Ibarra ay kinailangang umalis at mag-aral sa ibang bayan upang
A. makaiwas sa maagang pag-aasawa
B. malayo sa kapahamakan
C. makatulong sa bayan
D. maging marunong
20. Paano ipinakita sa binasa ang kapangyarihan ng pag-ibig sa kasintahan?
A. pagpunta at pag-aaral sa ibang bansa ni Ibarra
B. kahit malayo si Ibarra ay hindi niya nalimot si Maria Clara
C. naaalala ang masayang paglalaro nila ng siklot, sintak at sungka
D. itinabi ng bawat isa ang mga alaala tulad ng liham at dahon ng sambong

Phil-IRI GST
Filipino 9
Gabay sa Pagwasto: Pangkatang Pagtatasa – Filipino Grade 9

A B

1. B 11. A

2. D 12. A

3. D 13. A

4. C 14. C

5. C 15. D

6. B 16. A

7. B 17. D

8. A 18. B

9. C 19. C

10. B 20. D

Phil-IRI GST
Filipino 9

You might also like