You are on page 1of 1

Ang babae sa nam xoung (Vietnam)

Tauhan: Ina, Ama, isang taong gulang na lalaking anak


Tagpuan: nam xoung, tahanan

Mayroong isang mag-asawang maligayang naninirahan sa isang pook malapit na nam xoung
Ang ama ay tinawag ng hukbo upang maglingkod bilang isang sundalo. Labis ang pangungulila
ng mag-ina at natagalan bago bumalik. Unti-unting nalilimutan ng anak ang kaniyang ama.
Umulan na ng yelo at humangin ng malakas ay hindi padin umuuwi ang ama at wala pading
balita sakanya. Umuga ang kanilanag maliit na bahay, namatay ang ilaw langis at bumukas ang
pinto dulot ng malakas na hangin. Sa araw na araw na paghahanap ng bata sakanyang ama ay
sinasabi ng ina na tumingin sa dingding at sa pamamaraan nito anino ng kanyang ama ang
nasa dingding, sa gayong paraan para nading kapiling ng mag-ina ang ama. Bumalik ang ama
sa kanilang tahanan matapos ang matagal na panahon sinabi ng anak na hindi na siya ang
kaniyang ama sapagkat hindi siya ang nakikita niya gabi-gabi. Tao laban sa tao dahil inakalang
niyang may ibang lalaki ang kanyang asawa. Nang magkita na ang mag asawa at nakita ng ina
na galit ang ama kahit sabik na sabik na ang ina makapiling ang kanyang asawa ay lumabas ito
at pabalagbag sinara ang pinto. Hindi na kinaya ng babae ang pangungulila sakanyang asawa
kaya binalot at inihabilin sa kaniyang kapit-bahay. Ang babae ay mabilis na nagtugo sa ilog.
Tumalon siya sa malamig na tubig at nalunod. Nang malaman niya ang ginawa ng kaniyang asa
ay agad siyang umuwi at pinuntahan ang kapit bahya na pinagbilinan ng anak. Hindi na muling
nagasawa ang ama at inilaan ang kaniyang oras sa pagaalaga ng kanilang anak.

You might also like