Professional Documents
Culture Documents
Week 2
Week 2
Kagawaran ng Eduaksyon
RehiyonVII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol
Isinulat ni:
ZENAS P. BOYLES
San Jose National High School
Talibon, Bohol
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Eduaksyon
RehiyonVII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol
KONSEPTO:
Ang salitang akademya ay mula sa mga salitang Pranses na academie, sa Latin na academia, at sa Griyego na
academeia. Ang huli ay mula sa Academos, ang bayaning Griyego, kung saan ipinangalan ni Plato ang hardin.
Ang akademya ay tumutukoy sa institusyong pang-edukasyon na maituturing na haligi sa pagkamit ng mataas na
kasanayan at karunungan. Ito’y binubuo ng mga guro, mag-aaral, administrador, gusali, kurikulum at iba pa. Higit sa
lahat, hindi magaganap ang anumang adhikain ng isang akademya kung wala ang instrument upang mapakilos ito at
maganap ang mga mithiin at misyon nito, walang iba kundi ang wika.
Sa mga mag-aaral na magpapatuloy sa kolehiyo, malaki ang maitutulong ng kaalaman at kasanayan sa malikhain
at mapanuring pag-iisip upang masiguro ang tagumpay sa buhay-akademya.
Ang mapanuring pag-iisip ay ang paggamit ng kaalaman, kakayahan, pagpapahalaga, at talion upang epektibong
harapin ang mga sitwasyon at hamon sa buhay-akademiko, at maging sa mga gawaing di-akademiko.
Taglay ng isang tao ang pagiging mapanuri at pagkamalikhain. Ang dalawang kakayahang ito ay nagtutulungn
upang makabuo ng mga paniniwala sa buhay at pagdedesisyon tulad ng pagpili ng kurso, karera, o negosyo, pagsasagawa
ng mga gawain, pakikipag-ubnayan sa kapwa, at pagkakaroon ng makabuluhan at makahulugang pamumuhay sa
komplikadong mundong ating ginagalawan.
Sa akademya, ang mga katangiang ito ay nililinang at pinapaunlad sa mga mag-aaral. Malaki ang maitutulong nito
upang mapagtagumpayan ang mga hamon sa kolehiyo, trabaho, at araw-araw na pamumuhay
Sa akademya, nalilinang ang mga kasanayan at natututuhan ang mga kaalamang kaugnay ng larangang
pinagkakadalughasaan. Kasanayan sa pagbasa, pakikinig, pagsasalita, panonood, at pagsulat ang napauunlad sa
pagsasagawa ng mga gawain sa larangan. Analisis,panunuring kritikal, pananaliksik, at ekperimentasyon ang mga
isinasagawa rito. Ginagabayan ito ng etika, pagpapahalaga, katotohanan, ebidensya, at balanseng pagsususri. Sa kabilang
dako, ang di-akademikong Gawain ay ginagabayan ng karnasan, kasanayan, at common sense.
Akademiko Di-akademiko
Layunin: Layunin:
Magbigay ng ideya at impormasyon Magbigay ng sariling opinyon
Paraan o batayan ng datos Paraan o batayan ng datos
Obserbasyon, pananaliksik,at pagbabasa Sariling karanasan, pamilya ,at komunidad
Audience Audience
Iskolar, mag-aaral, guro (akademikong komunidad) Iba’t ibang publiko
Organisasyon ng Ideya Organisasyon ng Ideya
- Planado ang ideya -Hindi malinaw ang estruktura
- May pagkakasunod-sunod ang estruktura ng mga -Hindi kailangang magkakaugnay ang ideya
pahayag
- Magkakaugnay ang mga ideya
Pananaw Pananaw
-Obhetibo - Subhetibo
-Hindi direktang tumutukoy sa tao at damdamin kundi sa mga - Sariling opinyon, pamilya,komunidad ang pagtukoy
bagay, ideya, facts - Tao at damdamin ang tinutukoy
-Nsa pangatlong panauhan ang pagkakasulat - Nasa una at pangalawang panauhan ang pagkakasulat
-Hindi direktang tumutukoy sa tao at damdamin,at hindi
gumagamit ng pangalawang panauhan.
PAGSASANAY:
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan:
1. Paano nakatulong ang pagkamalikhain at mapanuring pag-iisip sa isang mag-aaral sa senior high school?
2. Sa isa hanggang tatlong pangungusap, ipaliwanag ang pagkakaiba ng akademik at di-akademik na
gawain.
3. Maglista ng tiglilimang halimbawa ng gawaing akademiko at di-akademiko. Isulat ito sa roleta.
Di-akademiko
Akademiko
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Eduaksyon
RehiyonVII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol
KONSEPTO:
1. Obhetibo- naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galing sa opinyon o kuro-kurong pinapanigan ng
manunulat kundi nakabatay sa mga datos na maingat na sinaliksik, tinaya at sinuri. Iwasan ang pagiging subhetibo
o pagbibigay ng personal na opinyon o paniniwla hinggil sa paksang tinalakay.
2. Pormal- ang karaniwang gingamit sa akdemikong pagsulat ay ang akademikong Filipino, nangangahulugan
lamang ito ng pagiging pormal. Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o balbal. Sa halip gumamit ng
mga salitang pormal.
3. Maliwanag at organisado-ang paglalahad ng mga kaisipan at datos ay nararapat na maging malinaw at
organisado. Ang mga talata ay kinakailangang kakitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-
ugnay ng mga pangungusap na binuo nito.
4. May paninindigan- mahalagang mapanindigan ng sumulat ang paksang nais niyang bigyang-pansin o pag-aralan,
ibig sabihin hindi maganda ang magpabago-bago ng paksa.
5. May pananagutan- ang mga ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap ng datos o impormasyon at dapat na
bigyan ng nararapat na pagkilala.
PAGSASANAY:
Panuto: Isa-isahin ang mga katangiang dapat taglayin ng Akademikong Pagsulat gamit ang
concept map sa ibaba. Magtala ng maikling paliwanag sa bawat katangian.
Katangian ng
Akademikong
Pagsulat
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Eduaksyon
RehiyonVII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol
KONSEPTO:
Sa pagbabasa ng sanaysay, encyclopedia, batayang aklat, balita at iba pang akademikong sulatin,
maoobserbahang may iba’t ibang gamit o hulwarang ginagamit upang maging malinaw ang daloy ng mga ideya.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
PAGSASANAY:
Pagtapat-tapatin.
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tamang sagot sa pahayag sa Hanay A. Isulat ang titik sa patlang
bago ang bilang:
HANAY A HANAY B
B.Pagpipili-pili