You are on page 1of 9

8

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
QUARTER 1 – MODULE 7

Ang Panlipunan at
Pampulitikal na Papel
ng Pamilya

1
Modyul 7: Ang Panlipunan at Pampulitikal na Papel ng Pamilya

UNANG BAHAGI
Alam niyo na ba ang panlipunan at pampulitikal na papel ng pamilya? Ano kaya ang kaugnayan ng
pamilya sa lipunan at pulitika? Bakit mahalaga ang papel ng pamilya sa lipunan at pulitika?

Sa modyul na ito ay ituturo ang mahalagang papel na ginagampanan ng pamilya sa lipunan at sa


sistemang political. Dahil nakasalalay sa pamilya ang kalalabasan ng lipunan, mahalagang maunawaan ang
napakahalagang papel ng pamilya sa paghubog ng mabubuting miyembro ng lipunan.

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:


4.1 Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng pagtulong sa kapitbahay o
pamayanan (papel na panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan (papel na
pampulitikal) (EsP8PBlg-4.1)
4.2 Nasusuri ang isang halimbawa ng pamilyang ginagampanan ang panlipunan at pampulitikal na papel nito.
(EsP8PBlg-4
4.3 Nahihinuha na may pananagutan ang pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan sa pamamagitan ng
pagtulong sa kapitbahay o pamayanan (papel na panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan
(papel na pampulitikal). (EsP8PBlh-4.3)
4.4 Naisasagawa ang isang gawaing angkop sa panlipunan at pampulitikal na papel ng pamilya. (EsP8PBlh-4.4)

Nabatid mo mula sa nakaraang aralin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng bukas na komunikasyon sa pagitan
ng magulang at mga anak sa pagkakaroon ng mabuting ugnayan ng pamilya sa kap uwa. Namamalas mo ba ito sa iyong
sariling pamilya?
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

ANG PAPEL NG PAMILYA SA LIPUNAN

Lahat tayo ay ipinanganak na sanggol na walang kakayahan at walang muwang sa mundo. Ngunit sa
pag-aaruga ng ating pamilya, tayo ay lumaki, nagkaisip at nagkaroon ng kamalayan sa mundong ating
ginagalawan. Sa patuloy na pag-unlad ng ating buhay, kailangan nating makipag-ugnayan sa ibang pamilya at
ibang sektor ng lipunan. Nagkakaroon tayo ng gampanin sa lipunan.

Ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan ay ang karanasan sa pakikibahagi at pagbibigayan


na dapat na bahagi ng buhay pamilya sa araw-araw. Sa loob ng pamilya nagsisimula ang pagiging bukas palad
at ang diwa ng bayanihan. Ngunit ito ay kailangan ding ibahagi sa labas ng tahanan sa pamamagitan ng
pagtulong sa kapitbahay o pamayanan. May mga pamilyang imbes na makiisa sa lipunan ay pagkakawatak-
watak at pagkakaniya-kaniya ang nililikha nito. Ang labis na pagkiling sa pamilya ay maaaring maging sanhi ng
pag-iral ng political dynasties o ang pagpapanatili ng mga posisyon sa gobyerno at ng kapangyarihan sa
pamumuno ng iisang pamilya lamang. Kung ito ay mangyayari, ito ay taliwas sa papel na panlipunan ng pamilya.
2
Dapat na mauna ang pagmamahal sa kapuwa bago ang debosyon sa pamilya. Nararapat ding maiwaksi
ang pagiging makasarili at magsakripisyo alang-alang sa kapuwa at sa ikabubuti ng lahat. Ang pagiging bukas-
palad ay naipakikita ng pamilya sa pamamagitan ng mga gawaing panlipunan tulad ng pakikilahok sa mga
samahan na boluntaryong naglilingkod sa pamayanan o kaya’y tumutulong sa mga kapus-palad lalo na iyong
mga hindi maaabot ng tulong ng pamahalaan sa panahon ng mga sakuna o kalamidad.

Ang pagbabayanihan ay isa rin sa ipinagmamalaki nating pagpapahalagang Pilipino. Katulad na lamang
ng pagbibigayan ng ulam sa mga kapitbahay lalo na kung may handaan. Kabilang din dito ang pagbibilin sa mga
anak sa kapitbahay kung walang nagbabantay ditong kapamilya at ang pagpapahiram ng mga kagamitan sa
bahay sa mga kapitbahay.

Isa rin sa maipagmamalaki nating katangiang Pilipino ang magiliw na pagtanggap lalo na sa mga
panauhin. Inihahain ang pinakamasarap na pagkain para sa kanila maging ang pinakamainam na higaan. Ngunit
higit pa rito ang mas mataas na antas ng pagtanggap ng mga panauhin. Ito ay ang pagbubukas ng ating pintuan
sa mga nangangailangan.

Pangangalaga sa Kalikasan

Ang kalikasan ay biyayang galing sa Diyos. Ang tao ay tagapamahala lamang at hindi lubos na
nagmamay-ari ng lupa, hangin, tubig at iba pang nilikha ng Diyos sa mundo. Ang lahat ng ito ay hindi dapat
abusuhin ng mga tao bagkus dapat na gamitin para sa kabutihan ng lahat ng tao sa mundo.

Tungkulin ng pamilya ang pangangalaga sa kalikasan bilang likas na tagapamahala ng lahat ng nilikha
ng Diyos. Dahil sa tungkuling ito, nararapat na isulong ng pamilya ang mga proyektong nangangalaga sa
kalikasan tulad ng pagtatanim ng mga puno, paghihiwalay ng nabubulok at di-nabubulok na basura, ang 3Rs
(reduce, re-use, recycle), paglilinis ng mga kanal at daluyan ng tubig at marami pang iba.

Ang Papel na Pampulitikal ng Pamilya

Ang pakikialam sa pulitika ng pamilya ay isang panlipunang papel nito. Ang pamilya ay nararapat
manguna sa pagtiyak na ang mga batas at ang mga institusyong panlipunan ay hindi taliwas, sa halip ay
nagsusulong at nangangalaga sa mga karapatan at tungkulin ng pamilya. Kalakip nito ang kaalaman ng pamilya
sa mga natural at legal na karapatan nito. Dapat din na pangunahan nito ang pagpapanibago sa lipunan at hindi
magpabaya sa kaniyang mga tungkulin.

Kung ang kabutihan ng pamilya ay mapangangalagaan, naitataguyod at nabibigyang-proteksyon sa


lipunan, ang bawat isa ay magkakaroon ng pagkakataong lumaki at maging ganap na tao sa pinakamabuting
kapaligiran - isang kapaligirang nakatutulong sa paghubog ng mga birtud na dapat taglayin ng isang
mapanagutang mamamayan sa lipunan.

Ang manirahan sa isang mundo na puno ng pagmamahalan ay pinapangarap ng bawat isa. Para sa iba
ay mahirap itong matamo lalo na sa panahon ngayon na labis ang pagpapahalaga ng mga tao sa materyal na
bagay o materyalismo. Nariyan ang mga balita tungkol sa katiwalian, pagpaslang at nakawan. Ngunit hindi natin
kailangang baguhin ang buong mundo. Kailangan lang nating simulang palaganapin ang pagmamahalan sa loob
ng ating tahanan o pamilya. Kung namamayani ang pagmamahalan sa pamilya, madali na lamang natin itong
maipasa sa ating kapuwa at pamayanan.

3
Isa sa magandang kaugalian nating Pilipino ay ang pagiging bukas-palad at handang tumulong sa
kapuwa sa oras ng pangangailangan. Ito ay ating naipakikita sa panahon ng kalamidad, kagaya ng pananalasa
ng bagyo, malakas na lindol at pagputok ng bulkan. Marami ang nagbabayanihan at nagbabahagi ng kanilang
yaman, oras at talento para sa ikabubuti ng ating mga kababayan. Sa panahon din ngayon ng pandemya,
nakatutuwang makita ang pagtutulong-tulong ng mga tao upang makapaghatid ng tulong sa ating mga
kababayang walang makain dahil sila ay nawalan ng trabaho, paghahandog ng libreng masasakyan, pagkain at
mga kagamitan para sa mga patuloy na nagtatrabaho na mga tinaguriang ‘frontliners” kagaya ng mga doktor,
nars, nagtatrabaho sa ospital, mga pulis, sundalo at iba pa. Sa ganitong paraan, mapalalaganap natin ang
pagmamahalan sa pamayanan, bansa at mundo.

Mga Karapatan ng Pamilya

1. Ang karapatang umiral at magpatuloy bilang pamilya o ang karapatan ng lahat ng tao, mayaman man o
mahirap, na magtatag ng pamilya at magkaroon ng sapat na panustos sa mga pangangailangan nito.
2. Ang karapatang isakatuparan ang kani-kaniyang pananagutan sa pagpapalaganap ng buhay at pagtuturo sa
mga anak.
3. Ang karapatan sa pagiging pribado ng buhay mag-asawa at buhay pamilya.
4. Ang karapatan sa pagkakaroon ng katatagan ng bigkis at ng institusyon ng kasal.
5. Ang karapatan sa paniniwala at pagpapahayag ng pananampalataya at pagpapalaganap nito.
6. Ang karapatang palakihin ang mga anak ayon sa mga tradisyon, pananampalataya at pagpapahalaga at kultura
sa pamamagitan ng mga kailangang kagamitan, pamamaraan at institusyon.
7. Ang karapatan, lalo na ng mga may sakit, na magtamo ng pisikal, panlipunan, pampolitikal at pang-
ekonomiyang seguridad.
8. Ang karapatan sa tahanan o tirahang angkop sa maayos na buhay pamilya.
9. Ang karapatan upang makapagpahayag at katawanin (ng mambabatas o asosasyon), sa harap ng mga
namamahala o namumuno kaugnay ng mga usaping pang-ekonomiya, panlipunan o kultural.
10. Ang karapatang magbuo ng asosasyon kasama ang ibang mga pamilya at samahan, upang magampanan
ng pamilya ang mga tungkulin nito ng mas karapat-dapat at madali.
11. Ang karapatang mapangalagaan ang mga kabataan, sa pamamagitan ng mga institusyon at batas, laban sa
mapanirang droga, pornograpiya, alkoholismo at iba pa.
12. Ang karapatan sa kapaki-pakinabang na paglilibang, iyong nakatutulong sa pagpapatatag ng mga
pagpapahalagang pampamilya.
13. Ang karapatan ng mga matatanda sa karapat-dapat na pamumuhay at kamatayan.
14. Ang karapatang mandayuhan sa ibang probinsya o bansa para sa mas mabuting pamumuhay.

4
IKALAWANG BAHAGI

Gawain I
Panuto: Unawain ang mga pahayag at tukuyin kung ito ay nagpapakita ng pagtulong sa kapuwa o hindi. Ilagay
ang tsek (√) sa angkop na hanay sa sagutang papel.

Nagpapakita ng Hindi Nagpapakita


Pagtulong sa ng Pagtulong sa
Kapuwa Kapuwa
1. Nagbabahagi ng pagkain sa kapitbahay kung may handaan sa
sariling tahanan.
2. Pamumuhay ng labis sa karangyaan at luho sa kabila ng
paghihirap ng buhay ng mga kababayan.
3. Inuuna ang pagmamahal sa kapuwa bago ang debosyon sa
pamilya.
4. Pag-iral ng political dynasty.
5. Labis na pagkiling sa pamilya.
6. Pagtulong sa mga kapitbahay na naghihikahos ang
pamumuhay.
7. Nakikiisa ang pamilya sa paglilinis sa barangay.
8. Pagpapahiram ng mga kagamitan sa bahay sa mga
kapitbahay tuwing may okasyon.
9. Pantay na pagturing sa lahat ng tao anuman ang kalagayan sa
buhay.
10. Pagiging makasarili.

Gawain II
Panuto: Suriin ang mga pangungusap at tukuyin kung saan nabibilang ang mga ito. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa sagutang papel.

A. Political Dynasty
B. Clean and Green
C. Pagbabayanihan

____1. Pakikiisa ng pamilya sa pagtatanim sa barangay.


____2. Ipinapasa sa kamag-anak ang posisyon o katungkulang pulitikal.
____3. Pagtulong sa kapitbahay sa pagkumpuni ng nasirang bahay.
____4. Pakikilahok sa Linis Kapaligiran Project.
____5. Pagbabahagi ng makakain sa mga kapitbahay na kapos sa pagkain.
____6. Pagpapanatili ng kapangyarihan sa pamumuno ng iisang pamilya.
____7. Paghihiwalay sa nabubulok at di-nabubulok na basura.
____8. Pagpapahiram ng kagamitan sa kapitbahay na nangangailangan.
____9. Paglalagay sa posisyon ng kamag-anak kahit pa hindi ito karapat-dapat.
____10. Pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran.

5
Gawain III
Panuto: Bumuo ng isang maikling sanaysay sa sagutang papel at ilahad dito ang nagawang pagtulong ng
iyong pamilya sa kapitbahay o pamayanan.

_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________

6
SUSI SA PAGWAWASTO
Gawain I
1. Nagpapakita ng patulong sa kapuwa
2. Nagpapakita ng pagtulong sa kapuwa
3. Nagpapakita ng pagtulong sa kapuwa
4. Di - Nagpapakita ng pagtulong sa kapuwa
5. Di - Nagpapakita ng pagtulong sa kapuwa
6. Nagpapakita ng pagtulong sa kapuwa
7. Nagpapakita ng pagtulong sa kapuwa
8. Nagpapakita ng pagtulong sa kapuwa
9. Nagpapakita ng pagtulong sa kapuwa
10. Di - Nagpapakita ng pagtulong sa kapuwa

Gawain II

1. B 5. C 9. A
2. A 6. A 10. B
3. C 7. B
4. B 8. C

Gawain III – Malayang pagsagot ng mga mag-aaral

SANGGUNIAN

Bognot, Regina Mignon C. et. al. 2013. Edukasyon sa Pagpapakatao 8 .Meralco Avenue, Pasig City: Vibal Publishing House, Inc.
Punsalan, Twila G. et. al. 2013. Pagpapakatao 8 .Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group, Inc.

7
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region 1
Division of Pangasinan II
Binalonan

WORKSHEETS IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8


Quarter 1, Week 7

Most Essential Learning Competencies:


1. Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na nagpapakita ng pagtulong sa kapitbahay o pamay anan
(papel na panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan. (papel na pampulitikal) (EsP8PBlg-4.1)
2. Nasusuri ang isang halimbawa ng pamilyang ginagampanan ang panlipunan at pampulitikal na papel nito.
(EsP8PBlg-4.2)
3. Nahihinuha na may pananagutan ang pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan sa pamamagitan ng
pagtulong sa kapitbahay o pamayanan (papel na panlipunan) at pagbabantay sa mga batas at institusyong panlipunan
(papel na pampulitikal). (EsP8PBlh-4.3)
4. Naisasagawa ang isang gawaing angkop sa panlipunan at pampulitikal na papel ng pamilya. (EsP8PBlh-4.4)

Pangalan : Petsa:
Baitang/Seksyon:_______________________________________________________________Iskor: ____________________

Gawain A.1
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na nangyayari sa lipunan at isulat sa sagutang papel ang TAMA kung ito ay
nararapat at MALI naman kung hindi.

_______1. Pagiging matapat na lider o pinuno.


_______2. Pagtutol sa katiwalian.
_______3. Paglalagay sa posisyon ng kamag-anak kahit pa ito ay hindi karapat-dapat.
_______4. Pagsasawalang-kibo sa nakikitang maling pamamalakad ng pinuno.
_______5. Pinananatili ang katahimikan ng pamayanan.

Gawain A.2
Panuto: Balikan sa isip ang mga nakatalang pangyayari sa Hanay A at isulat sa Hanay B ang pananagutan ng
pamilya sa pagbuo ng mapagmahal na pamayanan sa kabila ng mga pangyayaring ito. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Halimbawa: COVID-19 PANDEMIC – Pagbibigay tulong sa mga taong nawalan ng hanapbuhay sanhi nito.

HANAY A HANAY B
Pananagutan ng Pamilya sa Pagbuo ng Mapagmahal na
Mga Pangyayari Pamayanan
1. COVID-19 Pandemic
2. Pananalasa ng bagyo
3. Pagputok ng bulkan
4. Halalan o eleksyon
8
Gawain B. PERFORMANCE TASK (25 puntos)
Panuto: Gumawa ng poster sa isang coupon bond na nagpapakita ng isang pamilyang nagsasagawa ng pagtulong sa
kapuwa.

Pamantayan sa Paggawa
A. Kaangkupan sa paksa - 8
B. Pagkamalikhain ng gawa - 8
C. Kabuuang presentasyon ng gawa - 6
D. Kalinisan - 3
Kabuuang Puntos - 25

You might also like