You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF JUSTICE
OFFICE OF THE CITY PROSECUTOR
Caloocan City, Metro Manila

ALEXANDER H. ZUNIGA (PWD)


ASSISTED BY HIS PARENTS
ROGELIO ZUNIGA AND AMALIA ZUNIGA,
Complainant,

-VERSUS- NPS DOCKET NO. XV-02-INV-22E-


01855-56
FOR: Violation of R.A. 7277 or Magna
Carta for Person with Disability and Unjust
Vexation

ELIZALDE E. ACERDANO
Respondent.

x-------------------------------------------------------------x

KONTRA SALAYSAY

Ako si ELIZALDE (ZALDE) ACERDANO, Pilipino, nasa hustong


gulang, at may address na No. 7584 Swimming Pool St., Camarin, Maligaya
Park Subdivision, Barangay 177 Caloocan City, ay matapos na
makapanumpa ng naaayon sa batas ay malaya at kusang loob na
nagsasalaysay ng mga sumusunod:-

1. Na ako ang respondent sa kasong ito na isinampa ni ALEXANDER


ZUNIGA, nasa hustong gulang, at kasalukuyang nakatira sa No. 7583
Swimming Pool St., Camarin, Maligaya Park Subdivision, Barangay 177.

2. Na mariin kong itinatanggi ang bintang sa akin sa kasong ito.


Walang katotohanan ang mga ibinibintang ni Alexander sa akin sa kanyang
Reklamong Salaysay sa talata 1 (a) at (b) dahil hindi po ako nagbitiw ng
mga ganoong salita laban sa kanya. Wala akong dahilan upang gawin yun
mga ibinibintang niya.
3. Ang mga totoong pangyayari ay ang mga sumusunod:

a. Si Alexander ay madalas na minumura ako tuwing


makikita at inaambahan ng suntok. Sa katunayan ay walang
araw na hindi niya ako minumura at may pagkakataon pang
sinabi niya mismo sa aking harapan na walang araw na hindi
niya ako pwedeng murahin pag kami ay magkakasalubong sa
daan.

b. Minsan din niyang pinagmumura ang tatay ko na si


Jaime Acerdano na isang senior citizen na dahil pinalalayas
niya sa bahay nito at sinigawan ng “Hoy Tarantado Tanda
Lumayas ka dyan sa bahay, hind isa inyo ang bahay na iyan.”

c. Matagal nang ginagawa ni Alexander ang bagay na ito


at isang beses na bagong gising ako ay lumabas ako ng bahay
upang bumile ng kape nang bigla niya (Alexander) akong
pinagmumura at umambang susuntukin ako pati ang anak ko na
si Julia na muntik na din niyang paluin ng kahoy dahil ang sabi
niya Satanas ang anak ko. Mabuti na lamang at nahila ko ang
anak ko palayo sa kanya.

d. Hindi ko alam kung bakit galit na galit si Alexander sa


amin pero ito ay marahil sa mga naging pambubugbog ng ama
niyang si Rogelio Zuniga sa kanya tuwing uuwi ito galing
byahe ng taxi sa kadahilanang wala daw itong silbe.

e. Sinabihan na din ng asawa ko na dati na sana ay


maipagamot nila si Alexander sa kanyang karamdaman sa
pagiisip.

f. May kuha din kaming video na patunay na


pinagbabantaan at hinaharass kami ng tatay ko na si Jaime ni
Alexander. Ang kopya ng video na ito ay inilakip sa Kontra
Salaysay na ito bilang Annex-__.

g. Ang katotohanan ay kami pa ng tatay at anak ko ang


mga biktima dito dahil sa walang tigil na pagmumura at
pagbabanta sa amin ni Alexander sa tuwing makikita kami na
nasa labas ng bahay o nasa lugar namin.

3. Nagdulot na ang mga pangyayari ng labis na pagkaabala, pangamba


pa sa amin. Sa katunayan ay nagkaroon ng mga paghaharap sa barangay na
kung saan ay dahil sa kagustuhan magkaayos na kami ng nagrereklamo ay
sinubukan naming magkaayos sa anu mang bagay na naging dahilan ng di
maipaliwanag na galit niya sa amin.

4. Ang kasong ito ay isinampa lamang ng mga nagrereklamong si


Alexander Zuniga laban sa akin upang gipitin, mangharass at gumanti sa
hindi malamang dahilan o bunsod na din sa kanyang karamdaman sa
pagiisip na lubhang nakakaapekto na sa kanya.

5. Base sa mga kadahilanan at mga diskusyong nabanggit, ay


nararapat lamang na ibasura ng kagalang-galang na Public Prosecutor ang
malisyoso at walang basehang kasong ito ni Alexander laban sa akin dahil sa
kawalan ng “probable cause”.

IN WITNESS WHEREOF, I have hereunto affixed my signature this


___________2022 in the City of Manila.

ELIZALDE (ZALDE) ACERDANO


Respondent-
Affiant

SUBSCRIBED AND SWORN before me, a Notary Public this


___________ in City of _________, affiant exhibiting to me competent
proof of his identity, _______________________.

Notary Public

Doc. No.___:
Page No.___:
Book No.___:
Series of 2022.

I hereby certify that I have personally examined the affiant/s and I am


satisfied that s/he/they voluntarily executed and understood this foregoing
affidavit.

Investigating Prosecutor

You might also like