You are on page 1of 1

Pagpag sa Hapag: Krisis sa Kalusugan

Maraming pamilyang Pilipino ang hindi nakakakain ng tatlong beses sa isang araw. Ayon
nga sa pinakahuling sarbey ng Social Weather Station (2021), tumatayang nasa 32% na Pilipino
ang nagsasabing wala silang sapat na pagkain o sila'y nakategorya bilang "food poor" sa bansa.
Sa kabila nito, suliranin pa rin ng Pilipinas ang tinatawag na "food waste." Isang masakit na
kabalintunaan na napakaraming pamilyang Pilipino ang nakakaranas ng gutom habang ang tone-
toneladang pagkain ay nasasayang lang araw-araw kung kaya't dapat lang itong tugunan.

Ayon sa World Wildlife Fund–Philippines, sa Metro Manila ay tinatayang 2,175


toneladang tira tirang pagkain ang itinatapon sa basurahan araw-araw. Inaabangan ito lagi ng
mga pinakamahihirap sa mahihirap nating kababayan at tinatawag nila itong pagpag. Ang
pagpag ay isang terminong ginagamit upang ilarawan ang mga tira tirang pagkaing itinatapon na
sa basurahan na nagmula sa mga fast food chains o mga restawran. Ito'y karaniwang niluluto ulit
upang makain o kaya'y ibenta at pagkakitaan nila. Tila ba ang pagpag ang naging pag-asa ng
kanilang hapag. Gayunpaman, ang pagkain ng pagpag ay hindi mabuti sa kalusugan. Kaya't
paulit-ulit na nagbababala ang National Anti-Poverty Commission patungkol sa pagkain ng
pagpag na ito'y mapanganib dahil dulot nito'y malnutrisyon at mga sakit tulad ng Hepatitis A,
typhoid, diarrhoea, at cholera at iba pa.

Ang pagdami ng bilang ng mga mahihirap sa komunidad na kumakain ng pagpag ay


maituturing na isang nakakabahalang usapin na kailangang aksyunan hindi lamang ng
pamahalaan kundi pati na rin ng lahat ng tao sa lipunan.

Isang mabisang paraan upang tugunan ang krisis sa kalusugan ay magbayanihan.


Palawakin ang Pilipinas Kontra Gutom Program. Ipagpatuloy ang mga community pantry sa
bawat barangay. Lahat ay magkaisa. Pansariling interes ay isantabi muna. Nang sa gayon, wala
ng kakain ng pagpag sa kanilang hapag kainan.

Mga Sanggunian:

http://www.sws.org.ph/swsmain/artcldisppage/?artcsyscode=ART-20210725144428

w.gmanetwork.com/news/publicaffairs/gma7specials/663031/food-waste-sa-pinas-tampok-sa-
the-atom-araullo-specials-ngayong-august-26/story/

https://www.bworldonline.com/collective-action-to-combat-food-waste/

https://www.indiatoday.in/education-today/gk-current-affairs/story/poor-filipinos-are-surviving-
on-leftover-food-from-garbage-pagpag-1368885-2018-10-16

You might also like