You are on page 1of 1

Ang Kaibigan Kong Diwata

-Rhowen Jay P. Rama-

Gabi ng ako'y nagising dahil sa kakaibang liwanag


Tila isang maliit na boses na ako'y tinatawag
Di ko mawari kung ano ang ipinapahiwatig
Kaya't sinundan ko lang at pinatuloy ko ang pakikinig
Hanggang sa makarating ako sa isang misteryosong puno
Napapaligiran ito ng kumikinang na bagay at mga dalisay na ginto

Walang gaanong tao pero may isang babaeng nakaupo


Nilapitan ko siya at di naman ito kumibo
Nang natipunan ko ang mukha, isang napakagandang diwata ang
aking nakita
Hindi makapaniwala ang aking mga mata
Mga buhok niya'y kay ganda, tenga naman ay napakahaba
Suot suot niya ay isang puting kasuotan at mga pakpak sa kanyang
likuran

Inabutan ko siya ng kamay at sabay ngiti


Ngumiti lang siya at ito'y kita sa kanyang mga labi
Sa gabing iyon, nagkaroon ako ng diwatang kaibigan
Dinadala niya ako sa mundo nila at sa kanilang kaharian
Minsan ako'y natatakot at minsan nasisiyahan
Hanggang sa nagising ako at ito lang pala'y panaginip lamang.

You might also like