You are on page 1of 1

ANG KABABAIHAN SA MATA NG LIPUNAN

Tradisyonal na Filipina, isang babae na may kahinhinan sa pag galaw, madasalin, at katuwang
sa pag-aalaga sa bahay at pamilya. Kababaihan na walang karapatan na gumawa ng desisyon
para sa kanilang sarili at nasa ilalim parin nang kanilang mga magulang o asawa.
Kakababaihang hindi binibigyan ng boses dahil sa paningin ng lipunan, hindi mahalaga ang
kanilang salita, walang saysay ang tinig, at walang karapatang mahsalita. Ito ang naging ideya
natin ng isang Filipina.

Nang tayo'y sinakop ng Espanyol, mas lalong lumaganap ang ideyang ito sa mga Kababaihan.
Dinala ng mga Espanyol ang Patriarchal na pagtingin sa lipunan, kung saan mas binibigyan ng
halaga ang kalalakihan kaysa sa mga kababaihan. Dahil sa ganitong pagtingin at pagtrato sa
mga kababaihan sila'y nananatili na lamang sa kanilang kabahayan at doon ay gumagawa sila
ng mga bagay na may kinalaman sa pagdodomestiko tulad ng pag aalaga ng mga hayop,
paglilinis pagluluto at iba pang mga gawaing bahay.

Malaki ang epekto ng ganitong pagtingin sa kababaihan na nabuo noong panahon ng mga
Espanyol. Sapagkat hanggang sa kasalukuyan ay ganito pa rin ang pagtingin ng lipunan sa
mga kababaihan. Bagamat hindi ganoon kalala ay may mga lugar, bansa, at pagkakataon na
mababa pa rin ang tingin sa kababaihan.

Siguro nga ay hindi na natin ito maiaalis sa pananaw natin sa buhay. Ngunit nawa ay sana hindi
tayo nakatingin sa pagiging malambot o pagiging mahinhin nila bagkus makita natin kung sino
sila, ano sila, at anong mga kaya nila.

Sapagkat ang kababaihan ay Hindi lang isang ina kundi ina sila. Hindi lang isang asawa kundi
asawa sila.

May boses sila, kaya nila, at may karapatan sila. Dahil ang babae ay hindi lang babae kundi
babae sila.

You might also like