You are on page 1of 3

PAMBAYANG KOLEHIYO NG MAUBAN

MAUBAN QUEZON

Name: Margilie L. Sangcap

Section: FSM-1G

1.Ibong Adarna

2. Florante at Laura

3.El Filibusterismo

4.Noli Metanggere

5.Peter pan

6.The Ring

7.Precious Heart Romance

8. How may I save by. Karen Mathews

9.Girl wash your face by. Rachelle Hollis

10. a stolen life by jaycee dugard

I. Introduksyon

Tungkol sa Materyal (maaaring ilagay ang larawan ng aklat – harap at likod)

a. Pamagat ng material

Of Dreams, Desserts, And Love’s Second Chances

b. Paksa ng aklat (tungkol saan ang materyal)


Ito ay patungkol sa isang pangarap na hinangad at sinabayan ng pagmamahal. Ang
pagkakaroon ng bagong pag-asa sa buhay ng bida sa kwento.
c. Layunin ng aklat (bakit dapat basahin?)
Ang layunin nito ay magbigay ng inspirasyon sa mga kabataan na abutin ang mga pangarap na
ninanais. At upang ipakita na lahat ng pagsubok o hamon sa buhay ay may hangganan.
Makakamit ang pangarap sa pagtitiwala sa sarili at sa mga bagay o tao na nagiging instrumento
sa pagkamit ng pangarap..

Kakayahan ng may akda sa pagsulat ng materyal

a. Bionote ng May-akda
Princess Faye(pen name)
Romance writer of PHR
b. Iba pang aklat na isinulat ng may-akda
*Ikaw hanggang ngayon ang pangarap
*You make me want to write forever, and I think of forever when I think of you
*The idol meets the geek

c. Batayan sa pagsulat ng akda/material

ang batayan nila ay pagmamahal nagiging inspirasyon sa kanya na makagawa ng isang aklat sa
pamamagitan ng pagmamahal.

II. Maikling Buod

Para kay Mara suntok sa buwan ang pangarap niyang maging pâtissier balang-araw, lalo na at dakilang
tagatimpla ng kape lang ang papel niya sa boss niya sa TGF, ang kompanyang pinaglilingkuran niya
bilang apprentice.

Hanggang sa nakatagpo sya ng isang lalaki at nalaman nya na ito pala ang bunsong anak ng may-ari ng
pinagtatrabahuhan nya. Ang lalaking ito ay si Icko Laurel ang tinaguriang black sheep ng kanilang
pamilya. Si Icko ay naging hulog ng langit para kay Mara. Ito ang bumuhay sa pangarap nya na inakala
niyang hindi na mabibigyang katuparan pa. Nakita nya na si Icko lang ang naniwala at nakakita ng
kakayahan nya at wala ng iba pa. Sinabi ni icko na karapatdapat kay Mara ang lahat ng magagandang
bagay sa buhay nito.

Samantala , si Icko ang isa sa mga pinangarap na kukumpleto sa mga ninanais nya . Ngunit sa
pagkakataong iyon ay may ibang babae na pala na nauna dito. Natupad ang lahat ng pinangarap nya at
umalis na sya sa TGF kung saan sya nagtrabaho at nagpakadalubhasa sa ibang bansa dala-dala ang
tiwalang binigay sa kanya ni Icko. At sa kanyang pagbabalik isa na sya sa tumitingin at nagbibigay ng star
sa mga karapatdapat na kumpanya. Dito sila muling pinagtagpo at muling bumalik ang pagmamahalan
na noon ay nasimulan na nila at napuno ng pananabik at pagmamahal sa isat isa.

III. Pagtataya

Sariling pananaw tungkol sa materyal. Ano ang masasabi mo naging sa estilo ng

awtor?

Maganda ang naging estilo ng manunulat dahil kahit isa syang produkto ng Precious Heart Romance
at maaaring nanaig ang pagmamahalan. Naipakita dito ang kahalagahan ng buhay at pangarap na may
naghihintay ng magandang kinabukasan. Mararamdaman mo ang sinseridad sa ng nagaganap sa
kwento. Ang mga pagsubok na maiisip mong maaring nangyayari sa totoong buhay. Sa pamamaraan ng
pagsulat naman bawat pahina ay alam mong may kakapanabikan kang gustong mabasa sa bawat
pagbuklat ng pahina sa aklat.

IV. Konklusyon

a. Nagustuhan mo ba ang materyal? Bakit?


Oo, dahil sumasalamin ito sa aking buhay na naghahangad din na matupad ang aking pangarap.
Hindi lamang sya patungkol sa pagmamahalan kundi sa isang pangarap na gusto nyang matupad.
b. Karapat-dapat bang irekomenda ang materyal? Bakit?
Oo, dahil maaring magbigay ito ng inspirasyon sa kanila at alam kong magugustuhan nila ang
libro na ito maaring masabi na luma na ang librong aking napili kahit pa lipas na sa panahon ang
pagbabasa ng pocketbook. Ito parin ang mas pipiliin kong ibahagi o irekomenda sa iba dahil
luma man ang bagay na ito alam kong maraming makakarelate sa kwentong ito. At maari pang
c. May natutunan ka ba sa materyal?
Oo, dahil ang kwentong ito ay may kaugnayan sa pinag-aaralan kong ngayung kasalukuyan at
nakapaloob sa kwentong ito ang ilang mga bagay na ginagawa naming ngayun sa aming kurso
tulad ng pagbebake . At sa pamamagitan ng material o libro na ito marami akong natutunan
hindi lang mga istratehiya o ideya tungkol sa aking kurso. Kundi pati patungkol sa buhay na

V. Aral na napulot sa material

, dahil nga sa sumasalamin ito sa buhay ko natutunan ko na di pa natatapos ang buhay ng


isang tao sa isang posisyon na meron ka. Kung ikaw man ay may pangarap na gusto, makakamit
mo ito basta may pagpupursigi ka sa ginagawa mo , at kapag alam mong masaya ka sa bagay na
ito . Ito na ang magiging stepping stone sa hinangad mong pangarap.

You might also like