You are on page 1of 5

Pagkilala sa Rehiyon 1

Ang Panitikang Ilokano

● Matatagpuan sa Hilagang Kanluran ng Luzon.


● Mayroong Apat na lalawigan ang bumubuo dito. Ito ang Ilocos Norte, Ilocos Sur, La
Union at Pangasinan.
● Ilokano ang tawag sa lipi o ang mga taong naninirahan sa Rehiyon ng Ilocos.
● Samtoy ang taguri ng mga Ilokano sa kanilang salita. Nagmula ito sa salitang "Saomi
Datoy" na ang ibig sabihin ay wika namin ito.
● Kurditan naman ang tawag sa panitikan ng mga Ilokano. Nagmula ito sa salitang
"Kurdit" na ang ibig sabihin ay sumulat.

May mga pinaniniwalaan ang mga Ilokano kung saan nagmula ang salitang Ilocos:
1. Ang mga taong nakatira sa bayan na ito ay matatagpuan sa maliit na baybayin na
"look". Ang unlaping I ay nangangahulugang "mula sa" o "ilog".
2. Nagmula sa "loko" na ang ibig sabihin ay "bayan sa kapatagan" at dinagdagan na
lamang ng T.
3. Nagmula sa salitang tagalog na "iloc".

Bago pa man dumating ang mga mananakop, mayroon ng panitikan ang rehiyon ng Ilocos. Ang
panitikang Iloko ay binubuo ng mga awiting bayan, bugtong o burburtia, kawikaan,
paghihinagpis, lamentation o dung-aw at epiko na makikita sa anyong pasulat o pasalita.

● Ang El Ilocano ang pinaka unang pahayagang pang rehiyon sa Pilipinas. Itinatag ito ni
Isabelo de Los Reyes noong 1889. Dito nagsimulang naglabasan ang mga tula at iba
pang akdang pampanitikan.

Bannawag
● Isang lingguhang magasin na nakalimbag sa wikang Ilokano at nalaganap sa Hilagang
Luzon.
● Ang bannawag ay isang salitang Ilokano na ang ibig sabihin ay "Liwayway". Bilang
magasin naglalaman ang Bannawag ng mga akdang pampanitikan, mga maiikling
kwento, nobelang tuluyan, tula, komiks at lathalain.
● Maituturing na isa sa mga pundasyon sa pag-usbong ng mga manunulat sa wikang
Ilokano at pag-iral ng panitikang Ilokano.

Ang Gunglo dagiti Mannurat nga Ilokano iti Filipinas (GUMIL Filipinas) o Ilokano Writers
Association of the Philippines
● Isa sa mga pinaka aktibong pangkat ng mga panrehiyong manunulat sa Pilipinas .
Itinatag ito sa Ilocos Sur noong October 1964 at mas lalo pang lumawak ang sakop
nito. Mayroon itong daan-daang aktibong miyembro ng manunulat. Ang GUMIL Filipinas
ay isinama sa Philippines Security and Exchange Commission noong January 8,
1977.
Panitikan sa Ilocos Sur

Kinikilala rin ang Ilocos Sur dahil sa kanilang mga tanyag na panitikan.

Tula
Nariyan ang mga tulang nagpapahayag ng kaisipan ng manunulat patungkol sa pag-ibig katulad
na lamang ng tulang pinamagatang Panagpakada o Pamamaalam ni Leona Florentino na
siyang naglalarawan sa pamamaalam ng persona sa minamahal nitong sumakabilang buhay.
Isa pa sa kinikilalang tula ni Leona Florentino ay ang Nalpay Ti Namnama o Naunsyaming
Pag-asa. Nakapaloob ang hinanakit ng isang taong nasaktan sa pag-ibig. Nilarawan sa tula ang
ang damdamin ng persona matapos lokohin ng taong iniibig niya.

Mayroon ring tula na siyang nagpapahayag ng pagmamahal sa wika ng mga Ilokano. Ito ay
pinamagatang Ti Dilak (My Tongue) ni Leon Pichay. Dito hinikayat niya ang mga manunulat
na gamitin ang kanilang mother tongue.

Nobela
Maliban sa tula ay mga may nobela ring naisulat ang mga Ilokano. Masasabing mahigit isang
daan taon na nga mula noong umusbong ang nobelang iloko.

● Kinilala ang nobelang pinamagatang Ang Singsing nang Dalagang Marmol o Si


Liwayway ng Baliwag ni Isabelo Delos Reyes. Patungkol ang nobela sa pag-iibigan
nila Coronel Puso, isang Pilipinong sundalo noong Philippine-American War na umibig
kay Liwayway na taga Baliwag, Bulacan. Ayon sa kanyang kwento sa tagapagsalaysay
ay hindi naging sang-ayon ang ina ni Liwayway sa kanilang relasyon kaya naman
pinaglayo sila nito. Nalaman ni Coronel Puso na nagkaroon ng asawang amerikano si
Liwayway subalit ito ay isang kasinungalingan lamang. Nakipagkita si Liwayway kay
Coronel Puso at nagpanggap bilang isang matandang babae upang makapunta sa
kampo nito. At sa katapusan nga ng nobela ay muli silang nagtagpo.
● Maliban sa nobelang pag-ibig ay naisulat din ni Leon Pichay ang unang nobelang
detiktib sa Ilocos noong 1935. Ito ay pinamagatang "Apay ta Pinatayda ni Naw
Simon?". Sa Ingles ay "Why Did They Slay Don Simon?".Umiikot ang nobelang ito sa
buhay ng kagalang-galang na si Ginoong Simon. Katulad nga ng mga kwentong detiktib,
ang kontrabida ay ang pinakamalayong pinagsususpetsahan at ito ay walang iba kundi
ang Hepe ng pulisya na siyang taong naatasang mag imbestiga sa kasong ito.
● Isa pang akda na isinulat ni Leon Pichay ay ang Puso ti Ina (A Mother's Heart) na
nagpapakita ng temang romantiko at sentimental. Umiikot ang kwento sa pag-iibigan
nina Lola na anak ng mayamang si Don Goryo at Amado na isang maralitang makata.
Pinaghiwalay silw ngunit sa huli ay nagkabalikan rin. Pinakita rin sa akda ang tungkol sa
naging sakripisyo ni Lola bilang isang ina para lang sa kapakanan ng kaniyang anak.
● Isa pang nobelang naisulat ay ang Apay a di mangasawa (Why Doesn't He Get
Married?) ni Arturo Centeno ng Vigan, Ilocos Sur. Ito ay tungkol sa magkasintahang
napakatagal pinagkahiwalay ng tadhana ngunit nagkabalikan din sa bandang huli.

Epiko
● Ang epikong Biag ni Lam-ang o Ang Buhay ni Lam-ang ni Pedro Bucaneg ay
masasabing isa sa panitikang kinilala sa Pilipinas. Ito ang unang tulang epiko na naisulat
noong 1640.
● Isa pang epikong naitala ay ang Pamulinawen ni Jose Bragado noong 1995. Ang
salitang Pamulinawen ay nangangahulugang Matigas o Matibay. Umiikot ang kwentong
ito sa pakikipagsapalaran ni Ricardo laban sa pananakop ng mga Hapon sa Ilocos.

Maikling Kwento
● Ang unang maikling kwento naman sa Ilocos ay ang Ti Langit ti Inanamatayo (Langit
ang Ating Pag-asa) na siyang isinulat ni Isabelo Delos Reyes. Ang mga naging
kasaysayan ay siya namang naisulat sa librong pinamagatang Historia de Ilocos ni
Isabelo Delos Reyes, nakapaloob dito ang kanyang mga kaalaman at karanasan bilang
isang Ilokano.

Panitikan sa Pangasinan

Ang Pangasinan ay isang lalawigan ng Pilipinas sa rehiyon ng Ilocos. Matatagpuan ang


lalawigan sa kanlurang bahagi ng pulo ng Luzon sa may Golpo ng Lingayen at Timog Dagat
Tsina. Ito ay may kabuuang sukat na 5,451.01 square kilometre. Ang kabisera nito ay ang
lungsod ng Lingayen. Dilaw na santan ang panlalawigang bulaklak nito. Paggawa ng asin,
bagoong at bukayo ang ipinagmamalaki nilang produkto sa Pangasinan.

Bugtong (Pabitla sa Pangasinan)

Mga Halimbawa:

1. Apatiray Sali to Agmakaalis ed kawalaan to Sagot: Lamisaan


2. Anto ya? Malimlimpek, aliber na bago, no arom ambasa. Sagot: Mata
3. Espada nen Juan, inturok tod bulan. Sagot: Lollipop
4. Inmamot si Pedro, akapaway so ulo to Sagot: Pasak
5. Aliwan too, aliwan ayep, walay saklor to. Sagot: Bisikleta

Mga Kasabihan sa Pangasinan


Mga Halimbawa:

1. Agda topa key mangga no anggapoy bunga.


(They won't throw stones in the mango tree. If there are no fruits.)
2. Agla nakaokulay sa Korong no atumba lay abong
(A supporting pole is no longer needed. When the house has already collapsed).
3. Anggapoy siguro ed bolang
(Nothing is sure in a cock fight).

Mga Awiting Bayan ng Pangasinan


Mga Halimbawa:

1.Say Ligliway Aten


Ito ay isang awiting tungkol sa isang ama na gustong ihayag ang pagkabigo sa kaniyang anak.
2.No Siak So Mangaro
Ito ay isang awiting tungkol sa pag-ibig.

Cancionan
Ito ay debate sa musika at panulaan, ang cancionan ay nilalapatan ng tama at wastong himig
sa isang pagtatanghal. Hindi ito laging inaawit. Ito rin ay binubuo ng iba't ibang bahagi:

1.Pasintabi
Sa simulang bahagi ay ang pagtanggap at pagbati sa mga cancionista. Ang pasasalamat sa
sponsor o ang tagapagtaguyod at ang walang hanggang pasasalamat sa dakilang lumikha.
2.Panangarapan
Nais malaman ng kababaihan o babae ang kalagayan sa buhay, tirahan at mga gawain ng
lalaki.
3.Panagkabataan
Ang lalaki ay magsisimulang maningalang pugad, ang babae ay mag uumpisang magbigay ng
tanong ukol sa Banal na Kasulatan at ang lalaki ay papatawan din ng mahihirap na gawain.
4.Cupido
Sisikapin ng lalaki na makuha ang matamis na oo (pag-ibig) ng babae sa pamamagitan ng
pagtugtog ng instrumentong pang-musika at gayundin sa pagsasalita.
5.Balitang
Ito ang huling bahagi na kung saan ay maaaring atasan ang lalaki na umakyat at sumalo sa
kanya sa tanghalan– palatandaan ng pagtanggap o kaya naman ay hahayaang manatili na lang
sa ibaba na tanda ng pagtanggi.

Uri ng panitikang iluko ayon kay Leopoldo Y. Yabes ay ang mga sumusunod
I. Simu-Simula
II. Mga akdang ukol sa pananampalataya sa kagandahang asal
III. Mga akdang ukol sa wikang Iluko
IV. Panulaang Iluko

I. Mga simu-simula
A. Kantahing bayan
B.Salaysaying bayan
C.Karunungang bayan.
A. KANTAHING BAYAN
1. Pinagbiag- ito ay awiting nagpapahayag ng kuwento ng bayani. Nahahati sa dalawang
uri:ang awiting nagpapahayag ng kaisipan at saloobin.
2. Dallot- awit sa mga kasalan,binyag at ibang pang pagtitipon na sinasaliwan ng sayaw at
pagbibigay ng payo sa bagong kasal. Isang uri ng pagtatalo ng lalaki at babae sa saliw ng
tulali. Tulali, isang plawtang iloko na may 6 na butas. Halimbawa: Da mangngalap ken
agsansana(angmga mangingisda at mag-aasin) salin ni Deogracia del Castillo-Santos
Mannamili
3.Badeng- isang awit pag-ibig na ginagamit ng mga kalalakihang nanghaharana. Halimbawa:
Manang biday Pamulinawen Naraniag a bulan
4.Dung-aw- awit para sa mga patay Halimbawa: As-asug daguiti kararrua Agtig-ab ti lubong
5. Dasal na patungkol sa mangmangkik -ang mga mangmangkik ay espiritu sa kagubatan na
dinadasalan upang hindi sila magalit.
6.. Arinkenken- paligsahan ng mga lalaki at babae . Ang tema nlia ay tungkol sa karapatan at
responsibilidad.
7.Hele o duayaya- Awit na pampatulog sa mga bata Halimbawa: Hele

B. SALAYSAYING BAYAN

You might also like