You are on page 1of 3

You sent

Nang Matutong Maligo si Mara

Araw ng Lunes, maagang gumising ang ina ni Mara na si Aling Celia upang maghanda ng makakain ng
kanilang pamilya. Nang makaluto na ito ay hinahap niya ang kanyang anak na si Mara.

Mara, mara, mara........ ang sambit ng kanyang ina na si Aling Celia, nasaan ka nanaman bang bata ka?

Ayun si Mara nagtatago sa ilalim ng sofa.

Aha! Nandiyan ka lang pala Halika na dito sa kusina at nang makakain at para makaligo ka na. Sabi ng
kanyang ina.

Oh kumain ka na at para makapaghanda ka na sa pagpasok mo sa paaralan.

Opo, nanay...

Nay tapos na po akong kumain.

Maya-maya'y biglang nawala sa hapag-kainan ang batang si Mara. Alam ng kanyang ina na ayaw na ayaw
ni Mara na maligo araw-araw.

Nakipag-taguan ang batang si Mara, nagkubli sa ilalim ng sofa, nagtago sa gilid ng eskaprate, sumuot sa
ilalim ng katre.

Hanggang sa napagod na ang kanyang ina kakahanap sa kay Mara.

At hindi na nga nakapaligo ang batang si Ara. Sige na nga, anak magbihis ka na at ihahatid na kita sa
eskwelahan.

Sa paaralan, masayang pumasok ang batang si Mara, ngunit siya ay kamot ng kamot. Kamot sa ulo,
kamot sa braso. Hindi siya makapakali at hindi makapagsulat ng maigi.
Martes na! Ayaw naman maligo ni Mara. Papasok na muli si Mara sa paaralan. Pagkatapos kumain ay
nakipaghabulan na naman si Aling Celia sa kanyang anak para ito ay maligo.

Nanay, ayoko pong maligo, maluha-luhang sambit ni Mara.

Anak, nakahanda na ang tubig, sabon at shampoo. Sige ka, kapag hindi ka naligo lalayuan ka ng mga
kaklase mo aniya ni Aling Celia.

Pangalawang araw na niyang hindi naliligo. Nakatamik lamang si Mara at nagsuot na ito ng kanyang
uniporme upang pumasok na sa eskwela.

Nangangamoy na ang batang si Mara, ano kaya yung amoy na iyon sabi ng kanyang kaklase na si Lara.

Oras na ng recess, nilalayuan si Mara ng kanyang mga kaklase dahil sa mabaho nitong amoy.

Nang mag-uuwian na ay kinausap siya ng kanyang guro na si Bb. Chavez.

Umuwing malungkot ang batang si Mara. Ngunit sa kabila noon ay ayaw parin niyang maligo.

Anak, bakit ka malungkot? Sambit ng kanyang ina.

Kasi po nanay kinausap ako ng titser ko na maligo daw po ako. Ayoko po kasing maligo.

Tik-tok-tik-tok tumunog ang alarm clock ni Aling Celia, maghahanda na siya ng umagahan nilang dalawa
ni Mara.

Mara, gising na.. bumangon ka at nakahain na.

Opo nanay, pababa na po. (takot na takot bumaba ng hagdan si Mara)


Oh anak bakit tila takot na takot ka?

Nanaginip po ako nanay, hinabol ako ng tabo, tubig,sabon, shampoo at timba. Nanginginig na sambit ni
Mara.

Nagsalita si Nanay Celia,maligo ka na kasi anak. Alam mo ba kapag ikaw ay naligo, madami kang
magiging kaibigan. Madaming makikipaglaro sayo at hindi ka nila iiwasan.

Sige po nanay,maliligo na po ako pagkatapos natin kumain.

Nanalangin muna ang mag-ina bago kumain.

Masayang naligo ang bata at umaawit pa la,la, la, la, la. Nanay , ang presko po pala pag naliligo. Nagbihis
na ang batang si Mara. Masigla siyang gumayak tinulungan siya ng kanyang ina.

Magandang umaga po, Bb. Chavez, aniya ni Mara.

Magandang umaga din naman Mara.

You sent

Nanibago ang kanyang mga kaklase. Ang bango-bango na ni Mara.

At araw-araw na ngang naliligo ang batang si Mara.

You might also like