You are on page 1of 1

Althea A.

Almodal
STEM-12A
Filipino
Modyul 6: Katitikan ng Pulong

Sintesis ng Pagpupulong:

Nagkaroon ng pagpupulong ang buong miyembro ng PaSigFil (Panulat Sigasig Filipino) na


may 100% na attendance ng mga dumalo at ang pangulo ng bawat strand ng ika-12 baitang na kalahok sa
pagpupulong ay kompleto. Ang agenda ng pulong ay kung paano kumita ang samahan ng PaSigFil ng
Ligao National High School at ang bawat pangulo ng ika-12 baitang upang makalikom ng pondo sa
higiene kit na naglalaman ng dalawang mask, 500ml na alcohol at handwashing soap ng bawat mag-aaral
nito.
Buwan ng Agosto ipinagdiriwang ang Buwan ng Wikang Pambansa kung kaya’t ayon sa
Tagapangulo ng samahan na si Paul na magkaroon ng varayiti show ang PaSigFil kung saan ipapakita
nila ang kahusayan sa paggamit ng sariling wika. Maipapakita rin nila dito ang iba-t-ibang talento sa
panitik at sining. Iminungkahi ng Pangulo ng HUMSS 1 na ibenta ang ticket sa murang halaga na limang
piso (Php. 5.00) at bawat isang mag-aaral ay bibigyan ng sampung piraso nito. Pag napagbili niya ang ito
ay magiging ambag niya sa pondo upang lahat ay mabibigyan ng higiene kit. Sa pamamagitan nito, ang
lahat ay magkakaroon ng partisipasyon sa proyektong ito. Lalagyan nila ng control number and ticket
para di maabuso ng iba. Ang lahat ay sang-ayon sa suhestiyon na ito.
Gaganapin ang varayiti show sa katapusan ng Agosto. Agosto 31, 2020 at maari silang
magbigay ng deadline sa paglikom ng mga tickets sa Agosto 25, 2020 upang maipagkaloob nila sa bawat
mag-aaral ng ika-12 baitang and kanilang higiene kit. Ipapalista lang nila kay Mariel Andamar and
presentasyon ng kani-kanilang klase kung saan may labing siyam na entry para sa varayiti show.
Nagbigay ng kanyang pasasalamat ang Tagapangulo dahil sa masiglang paglahok at
pakikiisa sa pagpupulong ng lahat ng mga miyembro ng samahan. Ito ay paraan ng pagbibigay pugay nila
sa layunin nito na Bayanihan Act: We heal as one. Muli silang magkikita para sa isa na namang
pagpupulong sa Agosto 25, 2020. Ganap na alas siyete ng umaga (7:00 am) at magkakaroon ng Grand
Rehearsals na gaganapin sa alas otso ng umaga (8:00 am). Bago niya tapusin ang pagpupulong, nag-iwan
siya ng isang magandang paalala kung saan sinabi niya na sa lahat ng ating ginagawa, Diyos ang ating
patnubay at gabay.

You might also like