You are on page 1of 1

Ang Huling El Bimbo, Pare Ko at Ligaya

ay ilan lamang ito sa pinasikat na kanta nang bandang tatalakayin natin ngayong araw.
Halika at sabay nating pag-usapan ang kwento sa likod ng kasikatan ng bandang Eraserheads.

(Enter Intro Video)

Ang bandang Eraserheads na tinaguriang Banda ng Masa ay kinabibilangan nila Ely Buendia, Buddy
Zabala, Marcus Adoro at Raimund Marasigan. Tinawag rin sila “The Beatles of the Philippines” dahil sa
sobrang kasikatan na naabot ng naturang banda.

Nagsimula ang pagkabuo ng banda taong 1989 nang kabilang pa si Ely Buendia sa una niyang band ana
Sunday School kung saan ay myembro rin si Raimund bilang session drummer. Sinubukan magpost ng
audition notice ni Ely Buendia sa message board ng kanilang unibersidad. Tatlong estudyante ang
pumunta, sila Raimund Marasigan, Buddy Zabala at Marcus Adoro na kung saan ay dati na rin na
magkakasama sa una nilang band ana The Curfew.

Ayon mismo kay Raimund Marasigan, nang mag-audition sila para sa banda ay bass ang kanyang
instrument samantalang si Buddy ang nag-audition para sa drums ngunit napansin nila hindi tama ang
tunog kaya naman nagpalit sila at doon na nga nagging maayos ang kanilang pagtutog at tuluyan ng
nabuo ang The Eraserheads.

Maaring nagtataka kayo kung saan nga ba nila nakuha ang pangalan ng kanilang banda. Ayon kay Ely
Buendia, ay nakuha nila ang kanilang pangalan sa isang surrealist director na si David Lynch. Nakita nila
ang pelikulang Eraserhead at napansin nila na may kakaibang angas ang pangalang ito kaya inadapt nila
bilang pangalan ng kanilang grupo.

Sa pamamagitan ng tulong ng kanilang propesor na sila Robin Rivera, nakapagrecord ng demo tape ang
banda na tinawag nilang Pop-U! Naglalaman ito ng siyam na awitin na kinabibilangan ng sikat na Pare
Ko, Toyang at marami pang iba.

Ngunit tulad ng maraming banda, hindi rin naging maganda at madali ang pagsisimula ng kanilang grupo.
Bagaman may demo-tape sila ay ilang beses itong hindi tinanggap ng mga recording label dahil hindi
daw pop ang tunog.

Ayon mismo sa banda, muntikan na silang sumuko ngunit dahil na rin sa kanilang pagpupursige ay
nabigyan sila ng pagkakataon na magkaroon ng 3 year record deal ng Sony BMG.

Taong 1993, inilibas nila ang kanilang debut album, Ultraelectromagneticpop! Halaw ito sa espada ng
paborito nilang laruan na si Voltes V ang ultraelectromagnetic sword. Ang album ay kinabibilangan ng
mga sikat na kantang Maling Akala, Pare Ko, Shake Yer Head, Toyang, Ligaya, Tindahan ni Aling Nena at
marami pang iba.

You might also like