You are on page 1of 1

Activity in FPL

1. Ano ang paksa ng nabasang kolum?

Ang paksang ng nasabing kolum ay ang gambling culture o ang pagpusta ng mga Pilipino
partikular sa e-sabong ayon sa kolum na siyang lumulubha na sa bansa.

2. Ilang sabungero ang nasabing nawawala?

Sinasabing nasa tatlumpu (30) ang nawawalang sabungero na may kinalaman sa e-sabong
or online sabong.

3. Ano-ano ang epekto ng pagtatalpak? Magbigay ng tatlo.


 Nagdudulot din ito ng pagkaadik sa pagsusugal
 Maaaring mawala ang pokus at maibalewala ang responsibilidad sa
pamilya
 Ang pagkatalo ay nagdudulot ng pagkaubos ng salapi at pagdami ng
utang.
4. Bakit nasabi ni Sen. Bato na ang insidenteng ito ay banta sa seguridad ng mga
mamamayang Pilipino?

Nasabi ni Sen. Bato na banta na sa seguridad ng mga mamamayang Pilipino ang pagtatalpak
sapagkat maraming krimen ang nakaugnay sa usapin na ito. Marami rin ang nalubog sa
utang at nagpakamatay dahil dito. Nasabi ring may mga estudyante na naadik na sa
pagsusugal na ito.

5. Bakit tumutol si Cayetano na mabigyan ng prangkisa ang mga e-sabong firms?

Tinutulan ni dating Speaker Cayetano ang pagkakaroon ng prangkisa ang e-sabong firms
sapagkat naniniwala siyang walang malinaw na regulasyon ang pagsusugal na ito at lalo na’t
maraming mga menor-de-edad ang nalululong sa mga ito.

6. Paano nakatutulong ang nabasang kolum sa mga mambabasa nito?

Nakakatulong ang nabasang kolum sa mga mambabasa nito sa paraang nagpapahayag ito ng
impormasyon na maaaring makapagbigay ng kaalaman sa mga mambabasa patungkol sa
masasamang epekto ng e-sabong. Sa paraang ito ay maiiwasan ng mga mambabasa na
malulong sa mga pagsusugal na gaya nito lalo na ng mga kabataang makakabasa nito.

You might also like