You are on page 1of 3

Donna Raizza L.

Arriesgado

Malaking Proyekto
Sa
Filipino sa Piling
Larangan

Jackilyn Santiago
“Ang Balakid ng Lahat”

Talumpati

Ang mga tao ay may kanya-kanyang mithiin at pangarap sa buhay. Ang iba ay
gustong magpayaman, ang iba ay gustong makapunta ng ibang bansa, ang iba ay
gustong makabili ng magaganda at mahal na kagamitan, ngunit ang iba naman ay
gusto lamang na maging malusog at maayos ang kalusugan. Sa paanong paraan nga
ba nalalaman ng mga tao ang kanilang mga kagustuhan? May bahagi ba ang estado ng
buhay sa kung paano harapin ng karamihan ang problema na kanilang matagal nang
nilalabanan?

Nagsimula ang pandemya nakaraang Disyembre 31 ng 2019 na siyang


idineklara naman ng WHO or World Health Organization noong Marso 11, 2020 bilang
isang pandaigdigang emerhensiya sa kalusugan. Ang ibang tao ay nabahala sa narinig
na anunsyo ngunit ang iba naman ay nakatuon lamang sa kanilang mga ginagawa na
para bang walang nangyayaring sakuna. Simula nang lumaganap pa ito sa kasulok-
sulukan ng mundo ay nagsimula ng magkaroon ng malay ang mga tao. Ang lahat ay
nakaramdam ng takot at pangamba dahil sa sunod-sunod na balita mula sa telebisyon
patungkol sa pagkamatay ng ibang tao dahil sa virus.

Mabalik sa unang bahagi, ang mga tao ay may kanya-kanyang mithiin at


pangarap sa buhay, at akin ding nasabi na ang ilan sa mga ito ay nais lamang na
maging malusog at maayos ang kalusugan. Malaking parte ang estado ng buhay ng tao
upang madetermina ang tunay na laman ng kanilang mga isipan pati na rin ng kanilang
mga sasapitin dahil sa mundo na ito, ang mayayaman ay hindi maitatangging mas
nabibigyan ng pahalaga at medisina mapaanong sakit man ito. Sa kabilang banda, ang
mga mahihirap ay todo-kayod sa trabaho alintana man ng pandemya sapagkat mas
nanaisin nilang mabuhay nang lumalaban kaysa maratay sa loob ng tahanan. Hindi
maipagkakaila na may parte ang sistema sa hindi pagtigil ng pandemya.

You might also like