Professional Documents
Culture Documents
Mga Kwentong Bayan
Mga Kwentong Bayan
Isang araw, habang tinatali ni Vina ang sintas ng sapatos ng anak ay nagtaka ito.
“Nak, ba’t ang lumang rubber shoes mo ang suot mo? Di ba binilhan ka namin ng papa mo
ng bago?” tanong ng ina sa bata.
Natapos ang kalahating-araw ng klase at hinatid na pauwi sa kanilang bahay sina Kulas at
Leon. Pagdating nila sa sala, nagulat ang panganay na may karton na naglalaman ng
bagong sapatos.
Pagkalipas ng isang linggo, nagulat si Vina noong sinumbatan sya ni Julio habang nag-
aayos siya sa harap ng salamin at ang asawa naman ay nagbabasa ng dyaryo sa higaan
nila.
“Akala ko ba binilhan mo ng bagong sapatos si Kulas kaya naubos ang sweldo mo. Bakit
mukhang luma yata yung nabili mo,” sabi ni Julio.
Nagulat si Vina sa sinabi ng asawa. Idiniin niya bumili talaga siya ng bago at mahal iyon
kaya humiram pa siya ng pera sa may-ari ng tindahan.
Pagdating ng tanghalian, nakarating na ang mga bata. Tama si Julio at luma na ang
sapatos na suot ni Kulas. Nagulat ang ina at tinanong ang anak.
“Nak, binilhan kita ng bagong sapatos, e, bakit luma pa rin iyang sinusuot mo?” tanong ni
Vina sa anak.
Nagdahilan si Kulas na nakalimutan niya raw na may bago na pala siyang sapatos.
Inutusan siya ng ina na kunin iyon at dalhin ito sa kanya. Ilang minuto na naghintay si Vina
pero hindi bumalik si Kulas.
Pinuntahan niya ito sa kwarto at nadatnan niya palakad-lakad si Kulas at balisa. Tinanong
ulit ni Vina ang anak tungkol sa sapatos niya. Pang-apat na pares ng sapatos na iyon na
binili para sa kanya ngayong taon.
Isang araw, namasyal si Inday sa bahay ng isa niyang kaibigan at nagkaroon ng oras si
Aling Peling na bumili ng sorpresa para sa anak. Dali-dali siyang pumunta sa pamilihan at
doon nakakita siya ng isang selpon.
“Sakto to. Medyo malayo ang paaralan na papasukan ni Inday sa sekondarya,
kakailanganin niya ‘to,” sabi ni Aling Peling sa sarili.
Nagkasya ang pera ng matanda para sa bagong selpon na ireregalo sa anak sa pagtatapos
niya sa elementary. Pagkauwi nito sa bahay, agad niya itong binalot at itinago sa kanyang
aparador.
Lumipas ang isang linggo at dumating na ang araw na pinakahihintay nina Aling Peling at
Inday. Mangiyak-ngiyak ang matanda habang isinusuot sa anak ang medalya sa ibabaw ng
entablado.
Pagkatapos ng seremonya, nagpakuha ng litrato ang mag-ina. Inabot rin ni Aling Peling ang
kanyang sorpesa kay Inday na agad naman nitong binuksan.
“Naku! Bagong selpon? Yehey! Salamat Nanay! May selpon na ako,” sigaw ng anak.
Simula noong gabing iyon, palagi nang nakatutok sa selpon si Inday. Kahit bakasyon,
malimit sila kung makapag-usap ng nanay niya. Palagi niya kasing ka-text si Rico o ‘di kaya
ay nagtatawagan sila.
“Alam mo bessy, magkikita kami ni Rico bukas. Sa wakas makikilala ko na rin siya. Siguro
guwapo siya no, matangkad, maputi,” kwento ni Inday sa kaibigan niya.
Narinig ni Aling Peling ang mga sinabi ni Inday kay Fiona tungkol kay Rico. Tinawag niya
ang anak at kinausap ito.
“Teka bessy tawag ako ni Nanay. Tatawag na lang ako sa’yo ulit. Bye! Nay, bakit po?”
tanong ni Inday sa ina.
Nagulat si Aling Peling sa inasal ng anak. Dati-rati ay ni hindi ito magawa na sagutin siya
nang ganun. Nagtimpi na lang ang matanda at ipinagpatuloy ang pagluluto ng kanilang
hapunan.
Kinabukasan, pagka gising ni Aling Peling ay wala na ang anak sa tabi niya. Inisip niya na
lang na umalis na siguro yun at sana’y mag-iingat siya. Hindi man lang nagpaalam si Inday
sa ina niya.
Bumangon na ang matanda, nagluto ng almusal, at inihanda ang kanyang mga paninda sa
araw na iyon. Pagkatapos kumain ay lumakad na siya dala-dala ang kanyang mga lutong
bibingka.
Naglako si Aling Peling malapit sa parke. Marami ang bumili sa kanya at noong papaalis na
siya para umuwi ay nakita niya si Inday mula sa malayo. Kahit hindi niya masyadong
maaninag ang mukha ng anak, alam niyang umiiyak ito.
“Nak! Inday! Anong nangyari sa ‘yo ba’t ka umiiyak?” tanong ng matanda sa anak.
“Nay nawawala po si Rico! Dala-dala niya po yung bag ko. Kanina nag-uusap lang kami rito
tapos biglang naiihi raw siya kaya umalis saglit,” sabi ng anak habang umiiyak.
Kinuwento ni Inday na nagkita sila ni Rico sa parke at pagkatapos ng isang oras na pag-
uusap ay nag-presenta itong bitbitin ang bag niya. Habang naglalakad sila ay isinabit ng
binata ang bag ni Inday sa kanya kung kaya’t nahiya na siyang kunin ito.
Kasama sa nawalang bag ni Inday ang bagong selpon na ipinag-ipunan at binigay ng nanay
niya sa kanya. Lubos ang kanyang pagsisisi dahil hindi siya nakinig kay Aling Peling.
Si Lino ay anak ng isang hardinero sa paaralan na pinapasukan nila. Ang ina naman niya
ay nagtitinda sa kantina. Ang mga magulang ni Tomas ay isang guro at isang OFW.
Parehong masayahing bata sina Lino at Tomas. Pareho rin silang aktibo sa klase at sa mga
patimpalak. Kahit matumal ang kita ng mga magulang ni Lino ay ni minsan hindi ito
nagutom o nawalan ng pambayad sa proyekto dahil nandiyan si Tomas.
Mapagbigay talaga si Tomas hindi lang kay Lino pati na rin sa iba nilang mga kaklase. Sa
murang edad, may sariling kotse na ito na bigay ng ama niya noong nagtapos siya sa
elementarya.
Subalit, nagbago ang lahat noong naghiwalay ang mga magulang ni Tomas. Ang dating
masayahin at aktibong mag-aaral ay naging tamad sa klase. Palagi siyang pinupuntahan ni
Lino sa bahay nila upang yayain pumasok pero ayaw niya.
Si Lino naman ay patuloy sa pag-aaral. Sumali rin siya sa basketbol team ng paaralan at
naging abala siya roon. Nagkaroon siya ng mga bagong kaibigan na sina Francis, Stanley,
at Jacob.
Lumipas ang isang linggo ng hindi nagkikita sina Lino at Tomas. Dahil sa dami ng mga
nangyayari sa buhay niya, nakalimutan ni Lino na may pinagdadaanan ang matalik niyang
kaibigan.
Isang gabi, tinawagan ni Tomas si Lino. Kinumusta niya ito at nagpasalamat rin siya sa
kanilang pagkakaibigan.
“Tol, maraming salamat rin sa lahat ng iyong kabutihan sa akin at sa pamilya ko pero bakit
parang ang senti mo talaga ngayon,” tanong ni Lino sa kaibigan.
Hindi umimik si Tomas. Niyaya niya ulit si Lino na lumabas sila at susunduin niya
ito.“Pasensya na tol maaga pa kasi ako bukas. Ang kulit kasi nina Jacob niyaya nila akong
sumama sa outing nila ng mga kaklase niya,” pagtanggi ni Lino sa kaibigan.
Hindi ipinahalata ni Tomas na sabik na siyang makausap ang kaibigan. Masaya siya at
maganda ang takbo ng buhay ni Lino.
Kinabukasan, nagising si Lino sa malakas na katok ng ina niya. Sumisigaw ito habang
kumakatok sa pintuan ng kwarto ng anak.
“Lino! Nak! Gising! May nangyari kay Tomas! Nak! Buksan mo ang pinto,” sigaw ni Aling
Susan.
Nagulat at natulala ng saglit si Lino sa mga narinig niya. Noong mahimasmasan na ito ay
lumapit siya sa pintuan at binuksan niya ang pinto.
“Nak wala na si Tomas! Na-aksidente raw siya kagabi dahil sa sobrang kalasingan,” sabi ni
Aling Susan sa anak habang niyayakap ito.
Hindi namalayan ni Lino na tumutulo na ang mga luha mula sa mga mata niya. Wala na ang
kanyang matalik na kaibigan na parang kapatid na niya.
“Sana sinamahan ko na lang siya noong nag-aya siya kagab-i. Baka hindi pa nangyari
‘yon,” sabi ng binata.
Pumunta si Lino at ang pamilya niya sa lamay ni Tomas. Nandoon ang mama at papa niya.
Umuwi ang ama ng binata mula China upang maihatid ang anak sa huling hantungan nito.
“Tomas, tol patawad. Patawarin mo ko at hindi kita nabigyan ng oras. Patawad dahil wala
ako noong kailangan na kailangan mo ako,” sabi ni Lino sa harap ng kabaong ng yumaong
kaibigan.
Masakit para kay Lino ang nangyari kay Tomas. Araw-araw, hindi niya maiwasan na sisihin
ang sarili niya sa mga pagkukulang niya bilang isang kaibigan. Subalit, umaasa ang binata
na isang araw ay mapatawad niya rin ng lubusan ang sarili niya.
Subalit, hindi alam ni Maymay na may inggitan na nangyayari sa pagitan nina Bruno at
Kiting. Isang araw, habang nasa talyer si Mang Tibo nagtratrabaho at si Maymay naman ay
sumama kay Aling Iña sa tindahan, nag-away ang dalawa.
Hindi sinasadyang nalalag si Kiting kay Bruno na siya namang natutulog sa sala ng munting
bahay ng pamilya Santos. Nagising ang aso at nagalit dahil mahimbing na sana ang tulog
niya.
Hinabol ni Bruno si Kiting at nang madatnan niya ito ay pinag-kakagat niya. Hindi naman
nilakasan ng aso ang pagkaka-kagat sa pusa pero may nagdulot ito ng mga maliliit na pasa.
Pag-uwi ni Maymay, nagalit siya kay Bruno. Hindi niya ito pinakain habang awang-awa siya
kay Kiting. Nais ng bata na matuto raw ang aso kaya ginawa niya ito kahit masakit rin sa
kanya.
Nanghina si Bruno at masakit ang loob niya sa parusa ni Maymay. Umalis ulit si Aling Iña at
ang anak niya. Saktong pag-sarado ng pintuan, itinulak ni Kuting ang kanyang kainan
patungo kay Bruno.
Hinang-hina, bumangon ang aso at kinain ang natitirang pagkain sa kainan ng pusa. Si
Kuting naman, umupo lang sa gilid at pinanood lang ang aso na kumain. Nasiyahan si
Bruno sa ginawa ng pusa at nagkabati rin sila.
Subalit, masama pa rin ang loob ng aso kay Maymay. Noong dumating sila ng nanay niya
ay hindi ito lumapit, tanging si Kiting lang. Nilapitan ng bata ang alagang aso at hinimas-
himas ang ulo nito.
“Bruno. Galit ka pa rin ba sa akin? Laro na tayo ni Kiting. Ikaw kasi, huwag mo na ulit
kakagatin si Kiting, e, ang liit-liit pa naman niya,” sabi ni Maymay sa aso.
Ipinangako ni Maymay na hinding-hindi na niya papagutoman muli si Bruno. Nagsisi rin siya
sa ginawa niya sa aso at ipinangako niya sa sarili na hinding-hindi na niya paparusahan ang
mga alaga kahit ano pa man ang mangyari.
Parang naintindihan naman ni Bruno ang sinabi ni Maymay at agad-agad itong tumayo at
lumapit sa pintuan – hudyat na gusto na niyang makipaglaro.
Simula noon ay hindi na nag-aaway sina Bruno at Kiting. Hindi na rin nagagalit ang aso sa
tuwing hindi sinasadyang malaglag sa kanya ang pusa at magigising siya mula sa
mahimbing niyang tulog.
Araw-araw, dinadalhan ni Maymay ng espesyal na pagkain sina Bruno at Kiting. Nawala na
ang takot ng pusa sa malaking aso.
6. Ang Manok at ang Uwak
Alam ba ninyo kung bakit ang manok ay lagi nang nagkukutkot sa lupa? Alam din ba ninyo
kung bakit kapag may lumilipad na uwak sa itaas ay takut na takot ang inahing tatawagin sa
ilalim ng pakpak niya ang mga sisiw? Ganito ang pangyayari.
Noong araw, magkaibigang matalik ang manok at ang uwak. Madalas dumalaw ang uwak
kay inahin at makipaglaro sa mga sisiw nito.
Isang araw, sa paglalaro nila, napansin ng manok na may magarang singsing ang ibon.
"Uy, pahiram naman ng singsing mo. Ang ganda-ganda!" sabi niya sa uwak."Sige, iiwan ko
muna ito sa iyo. Bukas ko na lang kukunin uli," sagot ng uwak na mabilis na lumipad uli.
Naglalakad ang inahin at tuwang-tuwa na ipinakikita sa ibang hayop ang singsing niya nang
lumapit ang isang tandang. "Bakit mo suot iyang di sa iyo? Iyang uwak ay hindi manok na
tulad natin, kaya hindi ka dapat makipagkaibigan diyan. Itapon mo ang singsing!"
"Ewan ko," takot na sagot ng manok. "Naglalakad lang ako ay bigla na lang nawala sa mga
kuko ko. Luwag kasi."
Nahalata ng uwak na nagsisinungaling ang manok dahil nanginginig ito. "Alam ko, itinapon
mo siguro dahil ayaw mo na sa akin. Hanapin mo iyon at ibigay mo uli sa akin. Hanggang
hindi mo naisasauli ang singsing, kukuha ako ng makikita kong sisiw mo at ililipad ko sa
malayo."
Buhat na nga noon, tuluy-tuloy ang pagkutkot ng manok sa lupa para hanapin ang itinapong
singsing. Pati ibang mga manok, sa pakikisama sa kanya, ay naghahanap din. Kapag may
lumilipad na uwak sa itaas, mahigpit ang tawag ng inahin sa mga sisiw at tinatakluban agad
ng mga pakpak dahil baka danggitin ng uwak.
Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang
kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa ay
sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay.
Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at panghihina ang kalabaw
dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.
"Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit keysa sa iyo. Maaari
bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?" pakiusap ng kalabaw.
"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo," anang kabayo na
lalo pang binilisan ang paglalakad.
"Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko. Nanghihina
ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito katindi ang init ng
araw dahil madaling mag-init ang katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw.
Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan ng
kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang makalakad dahil sa naging napakabigat
ng kanyang mga dalahin.
"Kung tinulungan ko sana si kasamang Kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang pasan
ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa kanyang sarili.
Isang araw, namasyal si Inday sa bahay ng isa niyang kaibigan at nagkaroon ng oras si
Aling Peling na bumili ng sorpresa para sa anak. Dali-dali siyang pumunta sa pamilihan at
doon nakakita siya ng isang selpon.
Lumipas ang isang linggo at dumating na ang araw na pinakahihintay nina Aling Peling at
Inday. Mangiyak-ngiyak ang matanda habang isinusuot sa anak ang medalya sa ibabaw ng
entablado.
Pagkatapos ng seremonya, nagpakuha ng litrato ang mag-ina. Inabot rin ni Aling Peling ang
kanyang sorpesa kay Inday na agad naman nitong binuksan.
“Naku! Bagong selpon? Yehey! Salamat Nanay! May selpon na ako,” sigaw ng anak.
Simula noong gabing iyon, palagi nang nakatutok sa selpon si Inday. Kahit bakasyon,
malimit sila kung makapag-usap ng nanay niya. Palagi niya kasing ka-text si Rico o ‘di kaya
ay nagtatawagan sila.
“Alam mo bessy, magkikita kami ni Rico bukas. Sa wakas makikilala ko na rin siya. Siguro
guwapo siya no, matangkad, maputi,” kwento ni Inday sa kaibigan niya.
Narinig ni Aling Peling ang mga sinabi ni Inday kay Fiona tungkol kay Rico. Tinawag niya
ang anak at kinausap ito.
“Teka bessy tawag ako ni Nanay. Tatawag na lang ako sa’yo ulit. Bye! Nay, bakit po?”
tanong ni Inday sa ina.
“Kaya nga po magkikita kami nay upang magkakilala kaming dalawa. Hirap naman sa inyo
minsan na nga lang ako lumabas marami pa akong maririnig,” sabi ni Inday bago padabog
na pumasok sa kwarto niya.