You are on page 1of 1

KWENTONG MODYUL AT MAGULANG

Marjorie D Pilon
Principal I
Rosario Elementary School

Ang Mababang Paaralan ng Rosario bilang isa sa mga nagtataguyod ng Modular


Distance Printed Learning sa gitna ng pandemya ay may samot-saring mga reaksyon at kwento
mula sa mga guro, magulang at mag-aaral sa paggamit ng kanilang modyul kung saan
dalawang linggo na ang nakalipas mula ng magsimula ang pasukan. Subalit, ngayong edisyong
ito, nais kong pagtuunan ng pansin ang mga magulang bilang mga guro sa kanila-kanilang
tahanan.
Based on my research entitled PARENTS’ EXPERIENCES AND INVOLVEMENT IN
THE IMPLEMENTATION OF MODULAR DISTANCE LEARNING IN THE CONTEXT OF
COVID 19 some parents stated that among the effect of MDPL in their daily routine are
balancing parents’ role in works and learners’ demand in supporting muti-level of learners.
Some parents difficulties and challenges encountered in shifting to modular distance printed
learning were noted such as Lack of motivation among learners in accomplishing tasks, lack of
parents knowledge and lack of gadget/internet at home. Some parents also responded that the
implementation of modular distance printed learning on social development of their children
were as follows: limited time to play, focus diverted on gadget, limited interaction with family and
other children.
Marami sa ating mga magulang ang nagsaad ng kanilang hirap at pagsasakripisyo sa
bagong sistemang ipinapatupad ng Department of Edukasyon lalo na’t ang pagpapanatili sa
interes ng mga bata sa pagsagot ng modyul ay hindi madali. Karamihan din sa mga magulang
na aming nakapanayam ang nagsabing kulang ang kanilang kaalaman upang maituro ang
nilalaman ng modyul lalo na sa mga mahihirap na aralin.
May mga umalma din at napansin ang dulot ng MDPL sa sosyal na kalagayan ng
kanilan g mga anak. Karamihan sa mga magulang ay nangangamba dahil naging mas limitado
ang oras ng paglalaro ng mga bata dahil sa kapal at dami ng modyul na dapat tapusin. Ang iba
naman dahil nasa bahay lang ang mga bata, mas naging matagal ang interaksiyon sa mga
gadget kaya’t nagiging limitado ang interaksiyon sa mga miyembro ng pamilya at mga ibang
bata o kalaro.
TUnay ngang madaming mga kinakaharap na hamon na aming nakalap sa pagsasagawa ng
MDPL, subalit mas naging malinaw naman sa akin bilang isang punong-guro at mga guro ang
kanilang kalagayan at mga nararansan kaya’t nararapat lamang na ibigay ang buong pag-
unawa at suporta. Sa mga karanasang ito na ibinahagi ng magulang, nawa’y maipagpatuloy ng
mga guro na sila ay gabayan at mag-isip ng mga iba’t-ibang pamamaraan upang matulungan
ang mga magulang para sa ikakaunlad ng mga mag-aaral. FAMILIES ARE UNIQUE, ika nga
nila kaya’t nararapat na pagtuunan ng pansin ang mga pangangailangan ng mga magulang
upang magabayan ng tama ang kanilang mga anak ngayon nasa gitna pa din tayo ng
pandemya.

You might also like