You are on page 1of 1

Mahal Ko Ang Bayan Ko

Marry Joy B. Oronan BSIT-1C

Ang aking bansa ay kaibig-ibig

Kahit munti lamang,

May sariling wika,

May tatlong mga pulo

Na napapalibutan ng tubig,

Ang aking bansa

Ay may mayamang kapaligiran,

Sa dagat at ilog ang isda'y malasa at iba-iba,

Ang lupain nito ay masagana rin,

Luntian na gubat, sari-sari ang hayop.

Kaya aking ipagmamalaki

Ang mahal kong bayan,

At irerespeto ko, gayundin ang mga nakatira rito,

Mahal ko ang bansa ko,

Kaya mahal ko ang lahat na narito.

Isasapuso ang mga salitang inaawit,

At hindi makakalimut sa lugar na pinagmulan,

Tatangkilikin ang gawang pinoy,

Susuportahan ko ang kababayan ko,

At Pilipinas nga pala ang bayan ko.

You might also like