You are on page 1of 2

CUPID AT PSYCHE

Ang akdang "Psyche at Cupid" ay umiikot sa pag-ibig ng dalawang nilalang na nagmula sa


magkaibang mundo. Tinangkang sirain ng ina ni Cupid na si Venus. Ngunit ang pag-iibigan
nila ay naging matagumpay sa kabila ng mga pagsubok. Sa huli, ay naging imortal na rin si
Psyche at wala ng hadlang sa pagsasama nilang dalawa. Noong unang panahon mayroong
isang hari na may tatlong anak na babae. Isa si Psyche sa tatlong magkakapatid at siya ang
pinaka maganda sa mga magkakapatid. Sa sobrang ganda ni Psyche ay talaga namang
maraming umibig sa kanya. Sinasabi rin na kahit ang diyosa ng kagandahan na si Venus ay
hindi kayang tumapat sa gandang taglay ni Psyche. Ikinagalit ito ni Venus at mas lalo pang
nakapag pagalit sa kanya ay nakalimot na rin ang mga kalalakihan na magbigay ng alay sa
kanya, maging ang kanyang templo ay napabayaan na. Ang dapat sana na atensyon at mga
papuri na para sa kanya ay napunta sa isang mortal. Dahil dito, nagalit si Venus at inutusan
niya ang kanyang anak na si Cupid upang paibigin si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang,
ngunit ang nangyari ay ang kabaligtaran. Si Cupid ang umibig kay Psyche na tila siya ang
nabiktima ng sarili niyang pana. Inilihim ito ni Cupid sa kanyang ina, at dahil sa kampante
naman si Venus sa kanyang anak hindi na rin ito nag-usisa. Hindi umibig si Psyche sa sa
isang nakakatakot na nilalang, ngunit wala ring umibig sa kanya. Kahit na sobra ang
pagmamahal ng mga ginoo kay Psyche ay sapat na sa kanila ang nakikita lang nila ang
dalaga. Samantalang ang kanyang dalawang kapatid ay nakapag-asawa na ng hari. Naging
malungkot si Psyche sa mga nangyayari. Kaya naglakbay ang amang hari ni Psyche upang
humingi ng payo kay Apollo upang makahanap ng mabuting lalaking makakabiyak ng
kanyang anak. Hindi alam ng amang hari na naunahan na siya ni Cupid upang hingin ang
tulong ni Apollo kaya sinabi ni Apollo sa hari na makakapangasawa ng isang nakakatakot na
halimaw ang kanyang anak at kailangan nilang sundin ang kanyang ipapayo. Nang nagawa na
ng amang hari ang lahat ng ipinayo ni Apollo. Ipinag-utos niyang bihisan si Psyche ng
pinakamaganda niyang damit. Pagkatapos mabihisan si Psyche, ipinabuhat ng hari ang anak
na parang ihahatid sa kaniyang libingan papunta sa tuktok ng bundok. Nang makarating sa
bundok na paroroonan naghintay ang magandang dalaga sa kanyang mapapangasawa. Walag
kamalay-malay ang magandang dalaga na ang kanyang mapapangasawa ay ang Diyos ng
pag-ibig na si Cupid.Naging masaya naman ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa
mahal na mahal nila ang bawat isa ngunit may isang bagay ang hindi masilayan ni Psyche,
ang mukha ng kanyang kabiyak.
Nangako si Psyche sa kanyang kabiyak na kahit kailan ay hindi niya sasabihin sa mga
kapatin niya na hindi pa niya nasisilayan ang mukha ng kanyang asawa.

Inihatid ng hanging Zepyr ang magkapatid sa kaniya ngunit ang mga kapatid pala ni
Psyche ay may masamang binabalak at sa pangalawang pagbisita ng mga ito kay Psyche
sinulsulan nila ito na suwain ang kondisyon ng kanyang asawa. Sa unang pagkakataon ay
nasilayan niya ang napakagwapong mukha ni Cupid ngunit ito ay muntik ng ikamatay ni
Cupid dahil sa isang aksidente .Nang malaman ito ni Venus ay lalo itong nagalit kay Psyche
at ito ay pinahirapan niya nang husto. Iba-iba ang mga pagsubok ang ipinagawa niya kay
Psyche subalit nalagpasan itong lahat ni Psyche.

Nagpatawag si Jupiter ng pagpupulong ng mga diyos at diyosa kasama si Venus.


Ipinahayag niya sa lahat na si Cupid at Psyche ay pormal nang ikinasal at wala nang dapat
gumambala sa kanila maging si Venus. Dinala ni Mercury si Psyche sa kaharian ng mga
diyos. Dito iniabot ni Jupiter kay Psyche ang ambrosia, ang pagkain ng nga diyos upang
maging imortal.

Ang pag-ibig (Cupid), at kaluluwa (Psyche) ay nagkatagpo sa likod ng mapapait na


pagsubok sa kanilang pagsasama ay hindi na mabubuwag kailanman. Mga link na may
kaugnayan sa Cupid at Psyche:

You might also like