You are on page 1of 14

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 6
Pangngalang Ginamit
Angkop Ba?
Unang Markahan
Ikalawang Linggo
Modyul 2
Kasanayang Pampagkatuto:
Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pakikipag-
usap sa iba’t ibang sitwasyon.

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng
inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-
aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa
ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na
ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kuwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL
1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos
makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya
ng aralin.
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto
sa bagong aralin.

Aralin
Wastong Gamit
1 ng mga Pangngalan sa
2
Pakikipag-usap

Inaasahan
Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

• Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pakikipag-usap sa iba’t ibang


sitwasyon.
Matutulungan ka ng modyul na ito na:
 Nabibigyang- kahulugan ang pangngalan;
 Natutukoy ang mga uri ng pangngalan,
 Naisasabuhay ang kahalagahan ng wastong paggamit ng pangngalan sa
pang-araw-araw na pakikipag-usap.

Magandang araw! Natutuwa akong malaman


na handa ka na sa bagong aralin. Pero bago tayo
tumungo roon sagutin mo muna ang Unang
Pagsubok. Halika na.Sasamahan kita.
www.bitmoji.com

Unang Pagsubok s

Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag. Piliin ang letra ng wastong sagot na
angkop ilagay sa puwang. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Si Sandro ay naglalakad papunta sa _________ upang bumili ng gamot.


A. parke C. palengke
B. botika D. plasa

2. Sa kanyang paglalakad ay nakasalubong niya ang babae na may dala-


dalang malaking basket at tila tatawid sa ___________.
A. kalsada C. dyip
B. bus D. hagdan

3. Kinausap ni Sandro ang _________ at sinabing tutulungan niya sa pagdadala


ng malaking basket.
A. bata
B. babae
C. lalake
D. matanda
4. “______, maraming salamat sa iyo.” Ang taospusong pasasalamat ng babae.
A. Iho C. bata
B. Iha D. dalaga

3
Matapos tulungan ang babae ay bumili na si Sandro ng ________sa botika.
A. gulay C. prutas
B. karne D. gamot

Magaling! Nasagutan mo ang mga tanong.


Maaari mong ipawasto ang gawain sa iyong
guro. Binabati kita! Magpatuloy ka na
sa ating aralin.
www.bitmoji.com

Balik-tanaw
Panuto: Basahin ang pahayag sa bawat bilang. Ayusin ang mga jumbled letters
upang matukoy ang sagot. Maaaring magpatulong sa magulang o tagapag-alaga.
Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.
1. Pangngalan na tumutukoy sa tiyak na ngalan ay tinatawag na_____.

N I A A T P G N
2. Pangngalan na tumutukoy sa di-tiyak o karaniwang ngalan ay tinatawag

na__.

A B A P L N A A M
3. Ang pangngalan na tumutukoy sa mga nakikita o nahahawakan ay ang____.

T K E O R O N K G

4. Ang pangngalan na tumutukoy sa mga pagpapahalaga, naiisip, nadaram

ay__

I T K E O R O N K G D

5. Tumutukoy sa pangkat o grupo ng pangngalan ay tinatawag na_______.

L N A K S N A N
N

Walang dapat ipangamba kung hindi


mo nakuha ang wastong sagot. Ang
susunod na gawain ang tutulong sa
iyo. Mag-aral na tayo!
www.bitmoji.com

4
Maikling Pagpapakilala ng Aralin
Ang pangngalan ay salitang tumutukoy sa tao, hayop, bagay, lugar at
pangyayari.

Pag-aralan ang tsart ng mga uri ng pangngalan.

Uri ng Pangngalan
Kongkreto Di-kongkreto Lansakan
Kahulugan tumutukoy sa mga mga pangngalang nabibilang sa
pangngalang di materyal na pangkat o grupo
materyal na tumutukoy sa ng iisang uri ng
nakikita o diwa o kaisipan pangngalan
nahahawakan
Halimbawa pusa saya tumpok
bata kalungkutan lupon
tsinelas pag-ibig hanay
Ang wastong paggamit ng pangngalan ay mahalaga sa paghahatid ng
mensahe upang magkaunawaan.

Pagbasa ng Mensahe
Panuto: Basahin ang mensahe na maaaring kasama ang tagapagdaloy o
babasahin nang mag-aaral.

Mula sa Mensahe ni Pangulong Duterte


ni Edwin Remo Mabilin

Matapos ang pagpupulong sa Malacaňang sa


pangunguna ni Pangulong Rodrigo R. Dutertre. Inilathala
ngayon sa mga pahayagan na pinapaalalahanan ang lahat na
mag-ingat dahil sa patuloy na paglaganap ng Pandemya sa
bansa maging sa buong mundo man. Ang lahat ay
kinakailangang sumunod sa tagubilin ng pamahalaan sa
pangunguna na IATF o Inter Agency Task Force na
nakakaalam sa pagpapatupad ng mga polisya sa kaligtasan
ng bansa at sa mga patakarang dapat sundin ng
mamamayan. Bagama’t ang Kamaynilaan ay inilagay na sa
GCQ o General Community Quarantine na maaari nang

5
tanggapan maging ang ilang pampublikong istablisyemento
ay pinapayuhan ang lahat na maging maingat sa anumang
sandali dahil an “corona virus” ay isang mapanganib na
sakit na hindi natin nakikita at madaling
makapanghawa na magiging sanhi ng kamatayan ni
sinomang. Kaya’t upang maging ligtas ang lahat ay ugaliing
maging malinis sa katawan, magsuot ng face mask tuwing
lalabas ng tahanan, maghugas lagi ng kamay, huwag
lumabas ng bahay kung hindi naman kailangan at
panatilihin ang “social distancing” o pagiging may agwat o
malayo ng isang metro sa kapwa. Kung magagawa natin
ito, maiiwasan natin ang mahawa at makatutulong pa tayo
sa pamahalaan sa pagpapanatili ng displina sa bansa.

Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang paksa ng mensahe?


________________________________________________________________________
2. Anong uri ng pangngalan ang salitang ginamit sa mensahe na pahayagan,
istablisyemento, at bahay?
_________________________________________________________________________
3. Anong uri ng pangngalan ang salitang ginamit sa mensahe na pagpupulong,
paglaganap, kaligtasan?
__________________________________________________________________________

` Ang mga salitang pahayagan, istablisyemento, bahay ay mga pangngalang


kongkreto dahil ito ay materyal na nakikita o nahahawakan.

Ang mga salitang pagpupulong, paglaganap, kaligtasan ay mga pangngalang


di-kongkreto dahil ito ay tumutukoy sa diwa o kaisipan.

Marami pang pangngalang ginamit sa mensahe. Maaaring mong tukuyin o


uriin ang mga ito bago tumungo sa kasunod na gawain.

Mahusay! Ang iyong mga sagot ay nagpapakita na


nauunawaan mo ang iyong binasa. Dumako na tayo
sa kasunod na gawain.

www.bitmoji.com

6
Gawain
Gawain 1. Paggamit ng Pangngalan sa Usapan

Kuwento: Sa Palengke

Panuto: Basahin muna ang lahat ng mga pahayag sa loob ng speech bubble. Buuin
ang mga usapan. Pumili ng sagot sa loob ng panaklong. Isulat ang sagot sa iyong
kwaderno.

Sa Palengke
ni Sheila M. Salangsang

Magandang umaga po,


Aling Sonia! Magkano po
ang isang ___(1)___ ng Magandang umaga rin Roel!
kalamansi? Sampung piso lang. Murang-
mura ang tinda kong ___(2)__
(piraso, tumpok, tanim)
ngayon.
(kamatis, kalamansi, karne)

Pabili nga po ako ng


dalawang tumpok. Saan
ho ba ako makakabili ng Doon sa dulo ng palengke.
sariwang __(3)___? Naroon ang mga sariwang isda.
Kabibili ko lang ng galunggong at
(karne, isda, prutas) __(4)___. Doon ako bumili kay
Gorio. Yung may malaking
karatula. Sige pumunta ka na
roon para makapili ka ng
sariwang isda.
(manga, bangus, manok)

Maraming Salamat po,


Aling Sonia! Heto po ang
__(5)___ ko sa kalamansi.
(bayad, sukli, tubo)

7
Gawain 2 Paggamit ng Pangngalan sa Talaarawan

Talaarawan: Unang Karanasan sa Pagsasaing


Panuto: Basahin muna nang buo ang talaarawan. Buuin ang mga usapan
sa komik istrip. Pumili ng sagot sa loob ng panaklong. Isulat ang
sagot sa iyong kwaderno.

Unang Karanasan sa Pagsasaing


ni Sheila M. Salangsang

Hunyo 15, 2020


Masaya ako ngayong araw na ito. Alam mo ba kung bakit? Nagsaing ako
ng ___________( bigas, kanin, sinangag) kanina. Kinakabahan nga ako baka
magkamali ako ngunit nagtagumpay ako. Tinandaan ko lamang ang mga
hakbang na itinuro ni ina at ang mga natutuhan ko sa paaralan.

Una kong ginawa ay hinugasan ko muna ang ________ (kalan, kaldero,


kawali). Tinakalan ko ito ng bigas. Hinugasan ko nang dalawang beses.
Nilagyan ko ito ng ____________(sabaw, pampalasa, tubig) ayon sa sukat ng
bigas. Isinalang ko ito sa kalan. Binantayan ko ang sinaing hanggang sa
kumulo at hininaan ko ang apoy sa kalan. Hinintay kong mainin ang kanin
bago ko pinatay ang apoy sa kalan.
Iba pala talaga kapag sinusunod ang mga panuto sa paggawa ng isang
bagay. Hindi ka mamamali lalo na kung ginagawa mo ito nang bukal sa iyong
kalooban. Ibang klase ang _________(kasabikan, kalungkutan, kasiyahan) ko
ngayong araw na ito. Nakaka-proud!
Nasarapan ang aking _________(barkada, tropa, pamilya) sa niluto kong
sinaing. Sinabi ko kay Ina na ako na palagi ang magluluto ng aming sinaing
upang matulungan ko siya habang wala pa kaming pasok sa eskwela. Sa
susunod ay tuturuan naman daw niya ako na manahi ng mga sirang punda.
Aabangan ko ito. Ikukuwento ko ulit dito sa aking talaarawan.

Gawain 3 Paggamit ng Pangngalan sa Tula


Tula: Natuto na si Luna
Panuto: Basahin muna nang buo ang tula. Punuan ng angkop na salita ang
patlang pumili ng sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa iyong
kwaderno.

8
Natuto na si Luna
ni Sheila M. Salangsang

“Meow! Meow!,”ang hikbi ni Luna.


Siya ang ___(1)_____ na pagala-gala.
Hindi na niya alam ang daan pabalik sa kanila.
Nagsisisi siya kung bakit ang utos ng ina ay sinuway niya.

Kabilin-bilinan na huwag siyang lalabas ng bahay nang mag-isa.


“Meow! Meow!, ina nasaan ka na? Ako po ay magtatanda na.
Pangako ko po mga bilin ninyo’y susundin ko na,”
Kaawa-awa ang kuting, umiiyak na si Luna.

“Luna! Luna! Anak nasaan ka na ba?”


ang sigaw ng ina habang naglalakad sa madilim na __(2)______.
Napabilis ang lakad nang marinig ang pamilyar na tinig.
Dali-dali niyang sinundan ang pinagmumulan ng ___(3)_____.

Nakita ng ina ang anak na nasa ilalim ng ____(4)____.


Basang-basa, nanginginig at sa semento’y nakahandusay.
Agad niyang niyakap at iniuwi ang kaawa-awang si Luna.
Pinaliguan, pinakain at pinagpahinga.

“_(5)__, patawad, ako po ay nagkasala.


Sa nangyari pong ito ako ay magtatanda na
Salamat sa Diyos ako po’y inyong nakita
Paano ako mabubuhay kung wala ka ina?”

tuta tulay kuting kalsada iyak kahon Ina

Napakusay mo! Nasagutan mo ang


ating mga gawain. Laging tatandaan
ang pangaral ng magulang upang hindi
mapahamak. May nag-aabang pang
mga kapana-panabik na pagsasanay
sa iyo. Tara na! www.bitmoji.com

Tandaan

Ang wastong paggamit ng pangngalan sa pakikipag-usap sa iba’t


ibang sitwasyon ay mahalaga upang magkaunawaan o magkaintindihan sa
pinag-uusapan.

9
Pag-alam sa mga Natutuhan
Pagbubuo ng Tugma

Panuto: Basahin ang mga tugma. Punuan ng angkop na pangngalan ang


patlang ayon sa hinihingi na nasa loob ng panaklong. Isulat ang
sagot sa iyong kwaderno.

1. (di-kongkreto) Pamilya ay nariyan


Dadamayan ka sa oras ng _______________.

2. (kongkreto) __________ ay naghahatid ng mga kaalaman


Magagamit sa buhay, mga ipormasyong natutuhan.

3. (kongkreto) Malinis na kapaligiran ay kaaya-ayang pagmasdan


___________ mo ay itapon sa araw at oras na nakalaan.

4. (di-kongkreto) Nananaig ang malasakit at _______________ sa kapwa


Sa oras ng kagipitan, naisasabuhay ang diwa

5. (lansakan) Ang pagsunod sa mga kautusan


________________ ang makikinabang.

Natutuwa ako sa iyong natamo! Mahusay ang


pagkakabuo mo ng tugma. Binabati kita!
Malapit na tayong matapos sa aralin.
Halika na.

www.bitmoji.com

Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Basahin ang mga pahayag sa bawat bilang. Punan ng angkop na
pangngalan ang mga puwang. Piliin ang letra ng wastong sagot at
isulat ito sa papel.

1. Tinawagan ni Tonyo ang kanyang lolo at lola na nasa lalawigan.


Inalam niya ang ________________ nila.
A. kabutihan C. kalungkutan
B. kalagayan D. kahirapan

2. “Mabutin naman kami, apo. Kasalukuyan kaming nag-aani ng


_____________ ng kalamansi at kamatis. Kung makakaluwas nga lang
sana kami riyan sa lungsod ay dadalhan namin kayo,” sagot ni Lolo
Poldo.
A. butil C. bunga
B. buto D. tanim

10
3. “Apo, Apo! Si Lola Tinay ito. “Yung tanim mong saging sa susunod na
araw ay maaari na naming anihin. May tatlong ________sa bawat
puno,” ang balita ni Lola.
A. kumpol C. tumpok
B. piling D. buwig

4. “Wow! Nakakatuwa naman po. Sigurado po akong matatamis ang


mga bunga niyan dahil inaalagaan ninyong mabuti. Mayaman rin ang
ating ___________ dahil nilalagyan ninyo ng mga organikong pataba,”
wika ni Tonyo.
A. lupa C. abono
B. fertilizer D. buhangin

5. “Aba’y, oo apo. Siguradong matamis ito. Kapag umuwi kayo rito ay


magtatanim naman tayo ng okra at talong dito sa bakanteng espasyo
sa gilid bahay. Binigyan kami ng ________ ng mga halaman ni
Kapitan,” dagdag pa ni Lolo Poldo.
A. bunga C. buto
B. binhi D. tanim

6. “Kami rin po ay nabigyan ng aming Kapitan dito. Sa katunayan, ay


mabeberde at malalapad ang _________ ng tanim naming petsay. Sa
susunod na Linggo ay mag-aani na rin po kami.
A. sanga C. ugat
B. dahon D. bunga

7. “Talaga, Apo? Paano ninyo naitanim diyan sa Maynila? Wala naman


kayong bakanteng lupa riyan sa labas ng ________,” tanong ni Lola
Tinay.
A. silid C. bahay
B. kusina D. bubong

8. “Itinanim po namin sa _______________. Naaarawan naman po.


Dinidiligan ko rin po. Naglagay din po ako ng mga pataba. Kaya
lumaki rin pong malusog ang mga petsay,” paliwanag ni Tonyo.
A. boteng plastik C. boteng babasagin
B. lumang kaldero D. supot ng buhangin

9. “Nakakatuwa ka, iho! Ang iyong kasipagan at pagkamalikhain ang


magiging tulay upang maabot ang ____________ mong makapagpalago
ng mga halaman sa lungsod.
A. pangarap C. layunin
B. panaginip D. kasabikan

10. “Salamat po sa inyo. Sa katunayan, binisita po ng Kapitan ng


Barangay ang aking mga tanim na gulay. Labis po ang kanyang

11
_________________. Ibinalita niya po ito sa buong barangay upang
maging modelo sa pagtatanim sa aming lugar. Nakakataba po ng
puso. Salamat po sa inyong pagtuturo sa akin. Papasyalan po namin
kayo agad diyan kapag maaari na pong bumiyahe at may masasakyan
na po. Mag-iingat po kayo palagi,” ang paalam ni Tonyo.
A. pag-asa C. paghanga
B. pagsusumamo D. pakikisimpatiya

Binabati kita! Ang kinalabasan ng iyong


pagsusulit ay nangangahulugan na
nauunawaan mo ang ating tinalakay na
aralin. Dahil diyan, dalawang thumbs-up ang
ibibigay ko sa iyo. Gawin mo na ang
panghuling gawain. www.bitmoji.com

Papel sa Replektibong Pagkatuto


Panuto: Sumulat ng repleksyon ng iyong natutuhan ayon sa mga
nakasulat. Dugtungan ang mga pahayag na nakasulat sa
larawan. Gawin ito sa short bond paper. Ipagmalaki ang iyong
kahusayan at magsaya!

Natutuhan ko sa modyul na Ang pagpapahalaga o pag-


ito ang ______________________ uugaling nalinang sa akin
habang tinatalakay ang mga
______________________________
gawain sa modyul ay ________
Magagamit ko ang aking mga
_____________________________
natutuhan sa ________________
______________________________
______________________________
Masasabi ko na ang modyul
______________________________
na ito ay
Malaki ang maitutulong _______________________
nito sa akin sa __________ ______________________________
_________________________

_________________________

Binabati kita! Nagtagumpay ka sa ikalawang


aralin. Magkita tayong muli sa susunod na
aralin. Paalam!

www.bitmoji.com

12
Sanggunian

Most Essential Learning Competencies, K to 12 Curriculum


Curriculum Guide, Filipino
Department of Education National Capital Region Memorandum, Development of
Learning Modules, dated June 1, 2020
Mabilin, Edwin Remo, “Mula sa Mensahe ni Pangulong Duterte”
Santiago Alfonso O at Tiangco, Norma G, Makabagong Balarilang Filipino, (2003)
Quezon City, Rex Bookstore Inc.
Liwanag, Lydia B. Landas sa Wika 6, (1999), Quezon City, Dane Publishing House
Inc.
www.bitmoji.com.ph

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Sheila M. Salangsang
Editor: Edwin Remo Mabilin, EPS
Tagasuri: Ma. Teresa M. Chico, PSDS
Tagaguhit: Sheila M. Salangsang
Tagalapat: Allen C. Delgado
Tagapamahala: Maria Magdalena M. Lim, CESO V- Tagapamanihalang Pansangay
ng mga Paaralang Panlungsod
Aida H. Rondilla, Puno ng CID
Lucky S. Carpio, EPS na nakatalaga sa LRM at Tagapag-ugnay sa ADM

13
Susi sa Pagwawasto

Unang Pagsubok Pag-alam sa mga Natutuhan


1. B (tanggapin ang kaugnay na sagot)
2. A 1. kagipitan
3. B 2. aklat
4. A 3. basura
5. D 4. pagmamahal
5. sambayanan

Balik-Tanaw
1. Pantangi
2. Pambalana Pangwakas na Pagsusulit
3. Kongkreto 1. B
4. Di-kongkreto 2. C
5. Lansakan 3. D
4. C
5. C
Gawain 1
6. B
1. tumpok 7. C
2. kalamansi
8. A
3. isda
9. A
4. bangus
10. C
5. bayad

Gawain 2
1. bigas
2. kaldero Papel sa Replektibong Pagkatuto
3. tubig
4. kasiyahan (tanggapin ang mga kasagutan ng
5. pamilya mag-aaral na kaugnay ng kanyang
pagkatuto)

Gawain 3 *kung ang repleksyon ng mag-aaral


1. kuting ay nagpapakita ng kalituhan sa
2. kalsada mag-aaral, maaaring gabayan sa
3. iyak pagsagot
4. tulay
5. Ina

14

You might also like