You are on page 1of 1

Ikapito ng Pebrero taong kasalukuyan, sa araw na ito muling nasaksihan ang dedikasyon ng mga Guro sa

kanilang trabaho ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay pansin sa mga mag-aaral na nangangailangan ng


atensyon at agarang aksyon Kung Kaya’t Nagtungo ang mga guro sa tahanan ng kanilang mga mag-aaral
na nakakakitaan ng kawalan ng interes at pagpapabaya sa kanilang pag-aaral. At dahil dito Pinaramdam
ng mga guro ang kanilang pagmamalasakit sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga
paalala at mensaheng nakapag-iwan ng inspirasyon upang gisingin ang kanilang diwa nang sa ganun
magkaroon sila ng malay kung ano ang maidudulot na kabutihan kapag sila ay magsumikap sa pag-aaral.
Bagama’t sa kabila ng pagod at hirap upang marating ang kanilang lugar at makausap ang mga ito ay
hindi inalintana ng mga Guro ng SNHS masiguro lamang na magkaroon ng patutunguhan ang pag-aaral
at kinabukasan ng mga ito. Sa kabilang banda, noong Ikalabing-isa ng Pebrero (February 11, 2022) ito ay
ang unang araw para sa ikatlong markahan. Ang mga guro ng SNHS ay nagtungo muli sa mga lugar na
naitalaga upang maghatid ng mga modules sa mga mag-aaral, isang patunay na patuloy ang sakripisyo
ng mga guro upang ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay hindi maudlot nang dahil lamang sa ating
sitwasyon.

Samakatuwid, sa kabila ng mga pagsubok na dulot ng pandemya na pumapagitan sa pagkatuto ng mga


mag-aaral ang mga guro ay patuloy na nakikibaka upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga
mag-aaral sa pagpapalawak at kanilang kaalaman at sa pagpapabuti ng kanilang buhay para sa
hinaharap.

You might also like