You are on page 1of 11

Edukasyon: Pasaporte tungo sa tagumpay

Sa ating guro Gng. Melvira David, sa mga panauhin at sa aking mga kaklase na mag-aaral ng
Signal Village National Highschool, isang magandang umaga.

Mula sa pag gising natin sa umaga, pagkain ng almusal, at sa araw-araw na pagpasok natin dito
sa ating silid-aralan, di natin maitatanggi na tayo’y napapatanong sa sarili, “Ano ba ang
kahalagahan ng pagpasok ko sa skwela?”

Marami ang nagsasabi na ‘ang kabataan ang pag-asa ng bayan’ at ‘kabataan para sa
kinabukasan’ ngunit mahirap isipin na marami sa kabataan ngayon ay hindi nakakapag-aral o
hindi nakapagtapos ng pag-aaral. May iba’t iba silang dahilan. Merong mga kabataan na hindi
pumapasok sapagkat sila’y tinatamad, may mga tumatambay lamang at ang iba naman ay
nalulong pa sa mga masamang bisyo. Hindi natin dapat pinapabayaan ang ating pag-aaral
sapagkat ito’y pinaghihirapan ng ating mga magulang. Kaya nga meron tayong kasabihan, “nasa
huli ang pagsisisi”.

Mahalaga ang edukasyon. Kahit na gasgas na ang linyang ito, ito ay totoo. Dito nakasalalay ang
ating kinabukasan at kung ano man ang kahihinatnan natin sa mundong ito. Upang tayo’y
magkaroon ng isang mainam na pamumuhay at kinabukasan, kinakailangan nating maghanda.
Hindi natin maiiwasan na maharap sa mga hadlang na maaaring pumigil sa atin upang makamit
ang tagumpay kaya nararapat lang na tayo’y maging handa nang sa gayo’y malagpasan natin
ito. Dapat tayo ay may tiwala sa sarili, may buong tapang at determinasyon. Ang kahirapan ay di
hadlang sa kinabukasan. Tayo rin mismo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran. Sa pagkamit
natin ng tagumpay, huwag natin kalimutan ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos. Sa
kanya, lahat ng bagay ay posible.

Ang edukasyon ang siyang nag-bibigay sa atin ng importansyang umunlad sa ating lipunan. Ito
lang ang natatanging kayamanan ng ating mga magulang na maipapamana sa atin. Isa itong
kayamananan na hindi makukuha kahit sino man sa’yo.

Tunay ngang edukasyon ang ating pasaporte tungo sa tagumpay. Hindi matatawaran ang
kontribusyon nito sa buhay ng mga tao. Lagi nating tatandaan na ang pag-pasok sa eskwela ay
hindi ibig sabihin na magpaka-dalubhasa ka, ang dalahin ka sa tama ay gawain niya.

Maraming salamat po sa pakikinig!


Halimbawa ng Sintesis

Ang kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo para mabigyan ng buod, tulad ng maiklling
kwento.

(https://masongsongrickimae.wordpress.com/2016/10/16/katangian-layunin-at-gamit-ng-
akademikong-sulatin/)

 ni:Cristine Joy Cabuga

Pamagat: Epekto ng maagang pagbubuntis sa kabataan

Thesis Statement: Ang Epekto ng maagang pagbubuntis sa kabataan ay talaga namang


nakakasama sapagkat nakakaapekto ito sa pisikal, emosyonal at mentalidad ng menor de edad.

Anyo: Background Synthesis

Uri: Explanatory

Pamamaraan:

Pagbubuod:

Ayon sa 2014 datos ng Philippine Statistical Authority (PSA), kada oras, 24 na sanggol ang
isinisilang ng mga teenage mothers. Tayo ang pinamataas sa rehiyon kapanalig, ata sa atin
lamang tumataas ang teenage pregnancy. . Mataas ang bilang na ito, lalo na kung ikukumpara
sa mga ibang bansa sa Southeast Asia.

Paghahalimbawa:

Ayon sa website na armageddonviews ito ang mga halimbawa ng epekto ng maagang


pagbubuntis.

 Pisikal, Mental, Emosyonal at Sikolohikal na Suliranin dulot ng teenage pregnancy


sa mga kaanak, magulang at sa mga bata. Dahil sa hindi handang katawan at
kakulangan sa kaalaman ng kabataang ina malaki ang posibilidad na magkaroon ng
premature birth, at iba pang komplikasyon s pisikal at mental.
 Sakit na kaugnay maraming sakit sa katawan ang pwedeng makuha sa maagang
pagbubuntis katulad ng ( chronic, respiratory diseases at body impairments) Lalo na
ang STD o sexually transmitted disease.
 Pagkasira ng Kinabukasan  ang maagang pagbubuntis ay maaaring magdulot
 nang sapilitang pagtigil ng kabataan sa pag-aaral na maaaring magdulot ng pagkasira
ng magandang kinabukasan.
 Aborsiyon dahil sa di sinasadya ang pagbubuntis ay ipapalaglag nalang ang bata.

Pagdadahilan:

Isa sa dahilan ng maagang pagbubuntis ay sinasabing dulot ng “peer pressure” o pagpapadala


sa mga taong nakapaligid sa isang tao, hindi paggamit ng “contraceptives”, relasyon sa
magulang at iba pang kapamilya at medya (Guttmacher Institute, 2005).

Ayon naman sa YAFS Young Adult Fertility and Sexuality dalawa sa dahilan ng mga kabataang
nabubuntis ay ang pagkasira ng kanilang buhay pamilya at kawalan ng maayos na female role sa
kanilang tahanan.

 Komparatib/Kontrast:

Ayon sa National Health and Demographics Survey noong 2013 at Young Adult Fertility and
Sexuality (YAFS) study, isa sa sampung babae may edad 15-19 sa ating bayan ay ina o buntis
na. Mga 14 percent ng mga Filipinang babae may edad 15 hanggang 19 ay buntis o di kaya mga
ina na rin.

Ayon kay Larrize (2017) Ang maagang pag bubuntis ay ang pagdadalang tao ng isang babae
kung saan ay wala pa siya sa hustong gulang ng pagbubuntis. Ngunit isa sa mga nakakalungkot
na dahilan ng maagang pag bubuntis ay ang “RAPE”. Ang iba sa kanila ay biktima lamang ng
pang gagahasa ng walang awang mga tao. Sa makatuwid, wala silang balak na magkaroon ng
anak sa murang edad pa lamang.

Strawman Teknik

Ang magandang maidudulot ng maagang pagbubuntis ay masusubaybayan mo ang paglaki ng


bata hanggang siya ay magpakasal na. At bukod pa dito dahil sa bata pa ay maaaring
magkaroon ng malaking tyansa na mapagtapos sa pag-aaral sapagkat may kakayahan pang
makapagtrabaho di tulad nga mga may edad na ng mabiyayaan ng anak.

Ngunit ang lahat ng ito ay sinasalungatan ng websayt na teenage pregnancy, ayon dito Ang mga
batang magulang o maagang nabubuntis ay hindi pa lubos ang kaalaman at hinda pa lubos na
handa sa mga responsibilidad na haharapin nila. At ayon pa dito, madaming mga kabataang
mahihirap na may anak dahil hindi sila nakapag-aral, hindi sila makakapag trabaho dahil hindi
wasto amg kanilang pinag aralan.

Konsesyon:

Ayon kay Malagenio (2017), Walang maidudulot na maganda kapag nabuntis ka sa morang
edad ,kaya bago mo gawin ang isang bagay kailangan ng pagpla-plano isipin mong mabuti kung
ano ang maaaring kalalabasan, kung ano ang maaaring masira sa iyong buhay at kinabuksan.

Lahat ng bagay may tamang panahon wag kang magmadali ,kung marunong kang
maghintay ,darating din ang bagay na ito, ang oras at panahon na handa kana lalong lalo na ang
magkaroon ng anak.

Sanggunian:

http://armageddonviews.weebly.com/punto/teenage-pregnancy

https://www.veritas846.ph/teenage-pregnancy/

http://christycaasimalagenio.blogspot.com/2017/03/epekto-ng-maagang-pagbubuntis-sa-
morang.html

http://teenagepregnancyy.blogspot.com/2017/09/teenage-pregnancy.html?m=1

Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP hinggilsa Pagtatanggal ng Filipino sa


mga Kolehiyo at UnibersidadPANATILIHIN ANG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO:
HUWAGPATAYIN ANG PAMBANSANG KARAPATAN NG WIKANG FILIPINO, MGA GURONG
FILIPINO, KABATAANG PILIPINO AT MAMAMAYANG PILIPINO
 Posisyong Papel na nauukol sa CHED Memorandum Order No. 20 Series of 2013
Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas(PUP),
Samahan ng mga Dalubguro sa Filipino (SADAFIL), Samahan ng mga BatangEdukador ng
Wikang Filipino at mga Sining sa Pilipinas, PUP Sentro sa MalikhaingPagsulat, at PUP Ugnayan
ng Talino at Kagalingan
 Peligrosong hakbang ang ginawa ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED)nang alisin ang
asignaturang Filipino sa inilabas nilang Memorandum Order Blg. 20 na maypetsang hunyo 28 serye 2013.
Bagaman sinasabi ng komisyong nabanggit na maaaring maituro saIngles o Filipino ang mga asignaturang
binalangakas nila, bilang halimbawa ay ang
PurposiveCommunication
 na nakapaloob sa nilikha nilang bagong kurikulum, nababatid namin na pag-aagaw-agawan pa ito ng
napakaraming guro sa Filipino at Ingles sa mga kolehiyo at unibersidad,at magdudulot pa ito ng hindi
pagkakaunawaan, pagtatalo at ang masaklap pa pa'y aangkininlamang ito ng mga Departamento ng Ingles sa
mga unibersidad at kolehiyong mabuway angFilipino dahil halata namang nakakiling ang
Purposive Communication
sa Ingles. Sa hakbang naito, tila unti-unting nilulusaw ang mga natatag na Kagawaran/Departamento ng Filipino
sa mgakolehiyo at unibersidad sa Pilipinas. Higit pa rito, maraming mga guro sa Filipino, partikular nasa PUP ang
mawawalan ng trabaho at mababawasan ng kita. Hindi pumapayag ang Kagawaran ngFilipinolohiya ng PUP na
mangyari ang mga bagay na ito. Sapagkat malinaw na isinasaad sa 1987Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo XIV,
itinakda ang Filipino bilang wikang pambansa ngPilipinas. Kung susuriing mabuti ang CHED Memorandum,
malinaw na lihis sa hangarin atkonteksto ng Pangkalahatang Edukasyon ang pagtatanggal ng asignaturang
Filipino dahilnakasaad sa pahina apat (4) ng memorandum ang ganito:
 "General education enables the Filipinoto find and locate her/himself in the community and the
world, take pride in and hopefully asserther/his identity and sense of community and
nationhood amid the forces of globalization. As lifebecomes more complex, the necessity of
appreciating the gifts of nature and addressing social problems in the general education
program increasingly become more pressing."
Hindi ba't angasignaturang Filipino ang pangunahing tiyak na tutugon sa hangarin at kontekstong isinasaad?
Sapagkat ang mga asignaturang Filipino ay nakatuon sa pagtuklas at inobatibong pag-aaral hinggilsa kalinangang
Pilipino (wika, kultura at kabihasnan), nasa Filipino ang identidad ng mamamayansa bansang Pilipinas, nasa
Filipino ang diwang makabansa na makatutugon sa mga kahingiangpanlipunan at makatutulong sa
pangangailangan ng mamamayang Pilipino, at makapag-aambag
 
ng kalinangan at karunungan sa daigdig. Hindi ito simpleng maibibigay lamang ng mgaasignaturang tila pira-
pirasong kinopya sa dayuhang kaisipan na pilit binibigyan ng malakingpuwang na kung tutuusi'y hindi naman
makatuwiran.
Sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ngPilipinas
(PUP) na tinaguriang "largest state university in the country" na binubuo nghumigit kumulang
70, 000 na mga mag-aaral na nagmula sa iba't ibang panig ng bansakatuwang ang iba pang
mga organisasyon ay matatag na naninindigan na panatilihin angFilipino bilang asignatura sa
Kurikulum ng Pangkalahatang Edukasyon sa kolehiyo.
 Sa halip na alisin, hindi ba't nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang Filipino sakurikulum ng kolehiyo sa
pamamagitan ng mga asignaturang Filipino na magiging pundasyonnito. hindi ba't paurong na hakbang ng
Pilipinas nang alisin ang asignaturang Filipino ng technicalpanel ng pangkalahatang edukasyon ng CHED na binuo
lamang ng iilang mga tao na at walangmalinaw na konsultasyong isinagawa. Samantalang sa maraming
unibersidad sa labas ng atingbansa ay pinatatatag ang disiplinang Filipino gaya sa
University of Hawaii at University of Michigan sa U.S.A, Osaka University at Tokyo University
sa Japan, St. Petersburg University atUniversity of Moscow sa Russia.
Ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas sa pangunguna ng Kagawaran ngFilipinolohiya nito ay patuloy na
nagsusulong ng kalinangang pangwika, pangliteratura,pangkultura at pansining sa pamamagitan ng mga
pananaliksik at pagdarao ng mga kumperensiyaat talakayan sa Wikang Filipino sa iba't ibang larangan. Taong
2013 nang hirangin ng CHED angPUP Kagawaran ng Filipinolohiya bilang
Sentro ng Pagpapahusay ng Programang Filipino,
bagopa ito, natamo na nito mula sa
 Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities in thePhilippines (ACCUP)
 ang pinakamataas na akreditasyon (Antas 3) at kasalukuyang nakasalang sainternasyonalisasyon ang
programang AB Filipinolohiya na inihahain nito. Ginawaran na rin itong Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng
Gawad Sagisag Quezon sa Pagpapaunlad ng WikangFilipino.
Bukod pa rito, ang mga batikang manunulat sa Filipino at dekalibreng guro sa Filipinosa bansa ay kabilang sa
Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP. Ngunit, ang lakas at pagsisikap ngmga Departamento/Kagawaran ng
Filipino gaya ng sa PUP ay mawawalan ng kabuluhan kung sabagong kurikulum na binalangkas ng CHED para sa
kolehiyo ay tinanggalan ng kongkreto atmalinaw na puwang ang disiplinang Filipino. Manghihina at malulusaw
ang Wikang Filipino kunghindi tuloy-tuloy ang paglinang nito hanggang sa kolehiyo. Sa ganitong punto, muli't
muli namingigigiit ang karapatan ng Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa na nakasaad sa Kontitusyon
ngPilipinas.Pangunahing gawain ng PUP Kagawaran ng Filipinolohiya ay ang pagpapaunlad atpagpapaigting ng
puwersa para huwag isantabi at tuluyang mapanatili ang Filipino sa kolehiyo.Bilang hakbang, magsasagawa ito
ng Pambansang Talakayan Ukol sa mga Pananaliksik Pangwika,
 
Pangkultura at Pansining sa Wikang Filipino na may temang
"Mga Mananaliksik Bilang Pagtutolsa Pag-aalis ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo at ang
Magiging Kalagayan ng mga Guro saFilipino sa Hamon ng Programang K-12"
kasabay ng Pagdiriwang ng Buwan ng WikangPambansa sa Agosto 28-30, 2014 sa suporta ng Pambansang
Komisyon para sa Kultura at mgaSining (NCCA) na kasasangkutan ng mga guro, mga mag-aaral, at mga
mamamayang nagsusulongng Filipino.Kikilos at kikilos ang PUP upang ipagtanggol ang Wikang Filipino.
Maghahain ito ng mgamungkahing asignaturang Filipino sa pakikipag-ugnayan na rin ng iba't ibang mga
unibersidad atkolehiyo na maaaring tumugon sa mga inalis na asignaturang Filipino sa Kolehiyo.
Kung hindi pa magbabago ang ihip ng hangin, at hindi pa rin matitiyak ng CHEDang malinaw
na puwang ng asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo hanggang saAgosto, tiyak na
gagawa ng malaking hakbang ang pinakamalaking pang-estadongunibersidad sa bansa sa
pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya nito para manatili angasignaturang Filipino sa
kurikulum ng kolehiyo.
 Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito, umiiralat ginagamit sa araw-
araw na pakikipagtalastasan ng mga Filipino. Mga Pilipino ang kusangtumanggap nito bilang wikang pambansa
at naging katangi-tangi ang tatag nito dahil ito angidentidad ng lipunang Pilipino. Mahalaga ang
pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino, kaya kungihihiwalay sa mga mag-aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy
na pag-aaral ng Wikang Filipino,tinanggal natin ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano ang wika mo,
iyon angidentidad mo!Pinagtibay ngayong Hunyo 19, 2014.Sanggunian: https://www.facebook.com/notes/kirt-
john-segui/posisyong-papel-ng-kagawaran-ng-filipinolohiya-ng-pup-hinggil-sa-pagtatanggal-ng/
727134210658842/
Panukalang Plano sa Pagsasaayos ng Silid-Aklatan ng ANSHS

-ni Rebecca Aira Baliton at Jean Marie Pael


I. PROPONENT NG PROYEKTO: ANSHS PTA

II. PAMAGAT NG PROYEKTO: Pagsasaayos ng Silid-Aklatan ng Aurora National

Science High School

III. PONDONG KAILANGAN: Php. 237 000

IV. RASYONAL

Pagbibigay ng kapaki-pakinabang at organisadong silid-aklatan sa Aurora National Science High


School.

V. DESKRIPSIYON AT LAYUNIN NG PROYEKTO

· Deskripsiyon

Pagsasaayos at a-apdeyt ng silid aklatan ng ANSHS.

· Layunin ng Proyekto

Mabigyan ng kalidad na sanggunian at reperensiya ang mga mag-aaral ng ANSHS.

VI. KASANGKOT SA PROYEKTO

Kasangkot sa proyektong ito ang mga sumusunod:

· ABC Construction & Renovation Co.

· ANSHS School Library

· ANSHS PTA

VII. KAPAKINABANGANG DULOT

Ang mga mag-aaral ng ANSHS ay sinasanay na sa mga kakayahang kailangan sa pananaliksik


mula pa sa ika-pitong baitang hanggang sa huling taon ng Senior High. Kasama pa dito ang mga
karagdagang kompetensiyang pinapantayan sa isang science high school. Kaugnay nito,
mahalagang magkaroon ang mga estudyante ng mga sangguniang may mataas na kredibilidad,
tulad na lamang ng mga aklat. Bukot sa mataas na kalidad ng sanggunian, ang pagkakaroon ng
mas maayos na silid-aklatan ay makapagbibigay din ng tahimik na espasyo sa mga mag-aaral
lalo na sa mga nangangailangan ng karagdagang panahon para matuto.
VIII. TALATAKDAAN NG MGA GAWAIN AT ESTRATEHIYA

Upang maisakatuparan ang proyektong ito, itnatakda ang mga sumusunod na mga gawain o
hakbangin.
XI. GASTUSIN NG PROYEKTO

Sa proyektong ito, tinatayang gugugol ang paaralan ng kabuuang halagang Php. 100 000 na
inlalaan sa sumusunod na pagkakagastusan.

Inihanda ni:

JEAN MARIE PAEL

Estudyante ng ANSHS

REBECCA AIRA S. BALITON

Estudyante ng ANSHS

Iminungkahing Pagtibayin:

G. ALBERTINE R. DE JUAN JR.

Gurong Tagapayo

Pinagtibay:

GNG. EDELWINDA S. MONTERO

Punong Guro- ANSHS

You might also like