You are on page 1of 2

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Piliin sa loob ng kahon at isulat sa patlang ang tamang salitang

pupuno sa diwa ng pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

/bu:kas/ , /bukas/
1. __________ na tayo maligo sa ilog.
2. __________ pa kaya ang simbahan hanggang mamayang gabi?
/bu:hay/ , /buhay/
3. Ang wika ay ________ kaya’t nagbabago sa pagdaan ng panahon
4. Kumain ng gulay upang humaba ang ___________
/sa:ya/ , /saya/
5. Hanggang ngayon ay nagsusuot ng ________ ang lola ko.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Piliin ang titik ng wastong sagot. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.

1. Alin sa sumusunod ang angkop na pahayag gamit ang tono bilang patunay na masaya ka
sa iyong pagbabago.
A. Nagbago na ako C. Nagbago na ako!
B. Nagbago na ako? D. Nagbago na, ako.
2. Ipinakilala mo ang iyong ama sa iyong mga kasama.
A. Tinyente Juan Tomas ang aking ama. /
B. Tinyente Juan Tomas> / ang aking ama
C. Tinyente Juan/Tomas / ang aking ama.
D. Tinyente Juan, Tomas, ang, aking, ama
3. Itinuturo mo na si John Carlo ang kumain ng tinapay.
A. Hindi si John Carlo, ang kumain ng tinapay
B. Hindi si John, Carlo, ang kumain ng tinapay.
C. Hindi si Julie Pearl, ang kumain ng tinapay
D. Hindi si John Carlo ang kumain, ng tinapay
4. Tumutukoy ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita na maaaring maghudyat ng
kahulugan sa pahayag.
A. Tono B. diin C. Haba D. intonasyon
5. Ito ang nagpapalinaw ng mensahe o intensyong nais ipahatid sa kausap.
A. Tono B. Diin C. Haba D. Intonasyon

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3: Sagutin ang sumusunod na tanong, Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Ano ang kahulugan ng paggamit ng intonasyon, tono at punto sa pagbigkas?
2. Bakit kailangang isaalang-alang ang haba at diin sa pagsasalita?
3. Bakit mahalagang magamit ng tama ang ponemang suprasegmental? Ipaliwanag.
4. Bakit mahalaga ang tamang paghinto kapag nagsasalita o nagbabasa?
5. Bakit mahalaga ang paggamit ng mga simbolo gaya ng kuwit at tuldok?

You might also like