You are on page 1of 3

Schools Division of Cauayan City

VILLA CONCEPCION NATIONAL HIGH SCHOOL


Villa Concepcion, Cauayan City
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Quarter 1, Week 2

Pangalan:_________________________________________________Pangkat:________________________
MELC:
(EsP8PB-Ib-1.3) Napatutunayan kung bakit ang pamilya ay natural na institusyon ng
pagmamahalan at pagtutulungan na nakatutulong sa pagpapaunlad ngsarili tungo sa
makabuluhang pakikipagkapwa.
(EsP8PB-Ib-1.4) Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag ng
pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya.

I.PANGUNAHING KONSEPTO:
Natural na Institusyon ng Pagmamahalan at Pagtutulungan
Ang pamilya ay sinasabing isang maliit na antas ng lipunan. Ito ang pinakamahalaga sa
buhay ng bawat isa at pinakamagandang regalo ng Panginoon. Ito ang pinagmumulan ng
pakiramdam ng pagiging ligtas at payapa na nagbubuklod sa bawat isa na lumaban sa kahit
anong pagsubok at hamon na dumating sa buhay ng pamilya. Mararamdaman dito ang tunay
na pagmamahalan at pagtutulungan. Kung kaya’t itinuturing ang pamilya na isang natural na
institusyon.
Sa ating sari-sariling pamilya itinuro, ipinamalas, ipinadama at pinairal ang
pagmamahalan sa bawat kasapi ng pamilya upang gumawa nang mabuti at dahil na rin sa
positibong impluwensya ng ating pamilya ay mas nalinang at nahubog ang sarili. Halimbawa,
naipadadama ng tao ang pagmamahal sa iba dahil una niya itong naramdaman sa pamilya.
Nagmamalasakit ang tao sa kapwa dahil alam nitong katulad niya, sila ay mahalaga. Kung
naituro at naipakita ng magulang ang kahalagahan ng pagtulong at pakikiisa sa iba, magiging
matulungin rin ang kanilang mga anak. Halimbawa, ang isang bata ay maaring mag-alok na
buhatin ang gamit ng mga nakatatanda bilang pagpapakita ng paggalang at pagtulong.
Nangangahulugan lamang na kung nahubog nang ganap ng isang pamilya ang
pagmamahalan at pagtutulungan sa pagkatao ng bawat kasapi, magiging susi at sandata niya
ito upang maipakita at maipadama ang makabuluhang pakikipagkapwa.
Bilang kabataan, mailalarawang ikaw ay may makabuluhang ugnayan sa kapwa kung
naipamalas at naramdaman ang sumusunod:
 Maayos at walang problema ang takbo ng gawain
 Magaan at malapit ang loob sa kapwa na nagdudulot ng makabuluhangkoneksyon
 Mayroong masaya, maginhawa at mapayapang komunidad
 Nagkakaroon ng layunin at kabuluhan ang buhay
 Nagkakaisa sa pag-abot ng mga layunin at pangarap
 May paggalang sa karapatan ng kapwa tao
 Handang tumulong na malinang ang mga kakayahan
 May katapatan, puno ng pag-asa, may pagpapahalaga at masigasig sa buhay
Sa pangkalahatan, malaki ang tungkulin ng pamilya sa paghubog ng bawat kasapi
sapagkat ang positibong impluwensiya nito, pagpapairal ng pagmamahalan, pagtutulungan at
matibay na pananampalataya ay ilan lamang sa mga salik na nakatutulong upang mapaunlad
ang mga pagpapahalaga at sarili ng isang tao na nasasalamin naman sa kung paano ito
makipag-ugnayan sa kanyang kapwa tao.

Pagmamahalan at Pagtutulungan sa Pamilya: Palaganapin


Masasalamin ang katatagan ng pamilya sa mga gawi at kilos na isinasagawa ng bawat
miyembro nito. Ito ang paraan upang mapagtagumpayan ang mga dagok at pagsubok na
kahaharapin sa araw-araw.
Kung may pagmamahalan at pagtutulungan sa pamilya ay magkakaroon ng puwang ang
paglinang sa kahinaan at pagsuporta sa kakayahan ng kasapi. Malilinang lamang ang ganitong
mga gawi kung maisasagawa ang angkop na kilos sa pagpapadama ng pagmamahal at
pagpapakita ng pagtulong. Paano nga ba maisasagawa ang mga angkop na kilos sa
pagpapatatag ng pagtutulungan at pagmamahalan sa pamilya?
Ang pagmamahal ay isang damdamin na hindi lamang naipakita sa pagbibigay ng mga materyal
na bagay kung hindi maging sa pagpapahalaga. Hindi lamang mararamdaman at makikita ang
pagmamahal sa loob ng tahanan maaari ring maramdaman ito sa Panginoon at kapwa.
Naipamamalas ang pagmamahalan kung naisasagawa ang mga angkop na kilos tulad ng
sumusunod:
 Pagbibigayan sa pamamagitan ng paglalaan ng oras at panahongmakapiling ang pamilya
 Pagpapakumbaba sa tuwing nakagagawa ng kamalian at matotonghumingi ng
kapatawaran
 Pagpapakita ng respeto sa mga magulang at nakatatandang kapatid
 Pagpapahalaga sa mabubuting nagawa ng pamilya tulad ng;
o ipinagmamalaki kita.
o mahusay ang iyong ginawa atbp.
Kaakibat ng pagmamahal ay pagpapakita ng suporta sa pamamagitan ng pagtulong sa
kapwa na hindi naghihintay ng anumang kapalit. Ito ang nagiging dahilan sa pagpapatatag ng
pagtutulungan sa pamilya. Sa pamamagitan din ng pagsasagawa ng angkop na kilos na:
 Pagkakaisa sa mga gawaing bahaypagtulong sa kapatid na maunawaan ang aralin
 Pagsasakripisyo ng pansariling kagustuhan para sa ikabubuti ng pamilya
 Pagpapakita ng suporta sa mga anak na nag-aaral
 Pagkamit sa mithiing magpapaunlad ng pamilya
 Pagsunod sa mga utos at payo ng magulang
 Pag-alalay sa kasapi ng pamilya na may kapansanan
 Pagbabahagi ng mga biyaya sa pamilya
Sinasabing ang pagmamahal ang pinakamahalagang elemento na nagdudugtong sa tao,
ibig sabihin kung may pagmamahal ay mararamdaman natin ang katiwasayan at pagtutulungan
sa bawat isa. Ayon nga kay St. Thomas Acquinas, ang pagmamahal ay naipadadama hindi
lamang sa salita kung hindi sa gawa. Kung gayon, bilang tao ay napakahalagang pairalin ang
pagmamahal para magkaroon ng makabuluhang pakikipagkapwa

II. GAWAIN:

Gawain 1: Itula Mo!


Panuto: Bumuo ng tula na nagpapakita ng pagtutulungan at pagmamahalan sa pamilyang
Pilipino.
Rubriks sa pagsulat ng tula

Pamantayan Napakahusay Mahusay Nangangailangan ng pag-


(10 puntos) (8 puntos) unlad
(5 puntos)
Nilalaman ng Nakalahad ng 6 na Nakalahad ng 4 na Nakalahad ng 2 na
tula patunay na patunay na patunay na
pagmamahalan at pagmamahalan at pagmamahalan at
pagtutulungan ang pagtutulungan ang pagtutulungan ang susi sa
susi sa makabuluhang susi sa makabuluhang makabuluhang
pakikipagkapwa. pakikipagkapwa. pakikipagkapwa.
Paglalahad ng Nailarawan sa tula ang Nailarawan sa tula Nailarawan sa tula ang
suportang detalye detalye sa 6 na ang detalye sa 4 na detalye sa 2 na patunay.
sa inilahad na patunay. patunay.
patunay
Kaanyuan ng Binubuo ng 2 saknong Binubuo ng 2 saknong Binubuo ng 2 saknong na
tula na may 4 na taludtod na may 3 na taludtod may 2 na taludtod ang
ang tula na ang tula na tula na nakabanghay sa
nakabanghay sa nakabanghay sa tradisyonal o malayang
tradisyonal o malayang tradisyonal o anyo.
anyo. malayang anyo.
Kabuoang Puntos

III. REPLEKSIYON
Dugtungan ang pahayag sa bawat bilang.

1. Ang natutunan ko sa araling ito ay


_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

2. Nasisiyahan ako sa naging gawain sa aralin dahil


_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

3. Isasabuhay ko ang mga natutunan ko sa aralin sa pamamagitan ng


_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

Inihanda ni:

RICHELLE M. GONZALES
Teacher I

You might also like