You are on page 1of 3

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)

IKALAWANG LINGGO: SULATING AKADEMIK PART 2

KATANGIAN NG AKADEMIKONG SULATIN


1. Impormatib, Malinaw, at Obhetibo
● Maraming nilalaman at kaalaman ngunit hindi kinakailangan
ang maligoy na pagpapaliwanag.
● Kailangan ang maayos at direktang punto sa paglalahad ng
impormasyon at ideya.
● Hindi kailangang gamitan ng imahinasyon.
● Naglalahad ng pantay at sumusunod sa katotohanan.

2. May Emphasis o Pokus sa isang Paksa


● Hindi kailangang magsingit ng isa pang paksa na walang
kinalaman sa tinatalakay.

3. Mga pili at wastong salita


● Maaaring gumamit ng anumang wika ngunit dapat lamang
na isaalang-alang ang mga piling salitang dapat gamitin
batay sa genre ng paggagamitan.

4. Maayos o Organisado
● Kailangan ng balangkas o mga gabay para sa mabisang
paglalahad ng mga impormasyon.
● Ang mga ideya at pangungusap ay magkakaugnay.

5. Mga patunay
● Hindi lamang ‘sapat na katibayan’ kundi ‘mga sapat na
katibayan’ upang mas mahikayat ang nais na ihayag, dito
mailalabas ang matibay na paninindigan sapagkat
nadepensahan at nabigyang paliwanag ang resulta ng pag
aaral.
6. Pagkilala sa mga orihinal na ideya at natuklasan
● Mahalagang bigyang pansin ang mga taong
nakapag-ambag ng mga mahahalagang konsepto sa mga
sulatin, pagsulat o ideya.
● Isang krimen ang pangongopya ng ideya o impormasyon
sapagkat ito ay pagnanakaw. Tinatawag itong palgiarism.

LAYUNIN NG AKADEMIKONG SULATIN


1. Linangin at pataasin ang kalidad ng kaalaman ng mga mag-aaral.
2. Makapaglahad ng mga wastong impormasyon, ideya, mga argumento,
katotohanan at resulta ng pagsisisiyasat.
3. Makatuklas ng iba pang katotohanang natuklasan na at pauunlarin pa.
4. Mapahalagahan ang mga impormasyon.
5. Makilala ang mga opinyon at katotohanan na huhubog sa manunulat at
mambabasa.
6. Sa pamamagitan ng kumbensyong sinusunod sa pagsusulat ng
pang-akademiko ay nilalayon din nitong ipagpatuloy ang mga paraan
at makabuo ng isang mabisang sulatin.

KAPAKINABANGANG DULOT NG AKADEMIKONG SULATIN


1. Mapapaunlad ang kakayahan sa paghahanap ng mga materyales,
datos at paggamit ng aklatan.
2. Mahahasa ang kakayahan sa mapanuring pagbabsa at pagsusulat gaya
ng pagtatala, pagbabalangkas ng mga nabuong ideya at pagsasaayos
ng mga impormasyon upang makabuo ng isang naglalahad at
makapanghikayat na sulatin.
3. Gamit ang akademikong sulatin ay nakikilala ang aklat at mundo bilang
sentro ng kaalaman, impormasyon, datos at katotohanan.
4. Malilinang ang pagpapahalaga at paggalang sa mga nagsasagawa ng
malalim na pag-aaral gamit ang akademikong pagsulat.
5. Magiging bukas ang isipan sa mga ideyang umiinog sa kapaligiran at sa
mga pinagkukunang impormasyon.
6. Matututuhang maging mapanuri at mapili sa makakalap na datos na
kapaki-pakinabang sa pag-aaral.
7. Mapapaunlad ang pang-intelektuwal na mahalaga sa pagkatuto.
8. Nalilinang din ang kaugalian at mga paraan sa paggawa ng mga sulatin.
9. Nagkakaroon ng pagpapahalaga sa pag-aaral.

MGA PROSESO SA PAGSULAT


1. BAGO SUMULAT (Prewriting)
● Unang hakbang upang makabuo ng isang sulatin.
● Nangangailangang mag-isip ng paksa at magkaroon ng
“brainstorming” o malayang pagbibigay ng saloobin at ilang
kaalaman ukol sa paksang napili.

You might also like