You are on page 1of 2

Unang Sulyap ng Pag-ibig

Simula nong makita kita

Nahumaling sa iyong mga mata

Para bang ako’y nahuhulog sa isang bangin

Kung ako’y iyong susulyapin

Ako ay ninenerbyos,

Ako’y naguguluhan.

O ako ba’y nasisiyahan?

Ito’y mga tanong na hindi ko masagot

“Badump,badump”

Sabi ng aking puso

Sa tuwing ika’y dadaan

Hindi mapakali kapag ako’y tinitignan

Ang iyong tinig ay parang musika sa aking pandinig

Ikaw ay perpekto saan man lumingon

Ang iyong amoy halimuyak sa aking ilong

Oh, kalian ko kaya masasabi tong mga nararamdaman kong ito?

Ayoko’ng matulad sa iba

Nagmahal, binigay ang lahat pero pinili ang iba

Ayoko’ng masaktan

Pagkatapos ibigay ang lahat ako ba’y iyong paglalaruan?

Pag-ibig nga naman


Hindi mapigilan kahit ano man

Kapag tadhana ang nagdala

Si kupido’y nagsasaya.

You might also like