You are on page 1of 4

Edukasyon sa Pagpapakatao 4

Pangalan: _____________________ Baitang at Pangkat: _______ Iskor: _____


Paaralan: __________________________Guro : __________________________

UNANG MARKAHAN
GAWAING PAGSASANAY BILANG 3

KATATAGAN NG LOOB
(Tamang Desisyon)

Gawain 1
Panuto: Lagyan ng / ang bituin kung ang sitwasyon ay
ginagamitan ng tamang desisyon, X ang hindi

1. Kahit takot sa injection si Mang Joey ay nagpaCOVID 19


testing pa rin siya

2. Dalawang pasahero ang isinasakay ni Mang Eddie sa


kanyang tricycle sa kabila ng ipinatutupad na social
distancing

3. Ginagamit ang tablet sa paglalaro ng Mobile Legend

4. Sumasabay sa paggising si Ching sa kanyang nanay para


tumulong sa gawaing bahay

5. Itinitigil ni Jason ang pag ̶ aaral kapag ang kanyang


bunsong kapatid ay umiiyak upang alagaan

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 1


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Edukasyon sa Pagpapakatao 4

Gawain 2
Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang tamang desisyong gagawin
sa mga sumusunod na sitwasyon

1. Putol ̶ putol na ang karayola, lapis at ang ballpen wala ng


takip

2. Hindi makapagbigay ng kwaderno ang pamahalaan ngayong


pasukan

3. Parehong nagtatrabaho ang iyong magulang , si lolo , ikaw at


bunso na lamang ang naiiwan sa bahay

4. Oras ng klase sa online nang bigla kang inutusan ng nanay mo


na pakainin ang lola mong may sakit, pagkatapos ay
painumin ng gamot

5. Pinasasama ka ng iyong tatay sa iyong nanay para kumuha ng


labada sa kanyang amo

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 2


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Edukasyon sa Pagpapakatao 4

Gawain 3
Panuto: Gumawa ng isang buong pusong pahayag para sa mga
Frontliners sa kanilang tamang desisyon sa pagtupad ng
kanilang tungkulin sa kabila ng pandemyang
pinagdaraanan. Kung magiging isang frontliner ka sino
ka? Tutularan mo din ba ang tamang desisyong
maglingkod, Bakit?

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 3


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Edukasyon sa Pagpapakatao 4

Gawain 4
Panuto: Paano mo bibigyan ng tamang desisyon ang sumusunod
na sitwasyon gamit ang lakas ng loob?

1. Inutusan ka ng iyong kuya na bumili ng ketsap at sinabing ,


ang sukli ay sa iyo na. Alam mong bawal pa kayong lumabas
kasama ang mga matatanda.
Tamang desisyon:

2. Hindi pa sapat ang kita ng iyong magulang sa katatapos na


Quarantine. Pagkain lamang ang maaring bilhin ng kanyang kita
pero alam mong kailangan ang alcohol para sa pansariling
kaligtasan.
Tamang desisyon:

3. Gustung ̶ gusto mo ng maglaro sa labas kasama ang iyong


mga kaibigan at pinsan lalo na at niyaya ka nila
Tamang desisyon:

4. Sinabihan ka ng ate mo na siya na ang sumagot sa iyong


pagsasanay sa aralin nakalaan ngayong araw kasi uutusan kang
magsaing ng bigas
Tamang desisyon:

5. Gamit ang iyong tablet ,nagtitiktok kayong magkakapatid ng


sinabihan ka ng iyong nanay na oras na ng klase mo.
Tamang desisyon:

SCHOOLS DIVISION OF PASIG CITY 4


Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City

You might also like